Samantha's POV
Half day lang ang klase sa School na to kaya ang saya ko. Sa mga naging school ko kasi whole day ang klase kaya nakakabagot.Nawawalan na din ako ng time para sa mga hobbies ko pero ngayon more time na hihi.
Sa kalahating araw anim na subjects ang pinapasukan namin. Except lang pag thursday and friday kasi whole day namin yun para sa P.E.
English ang subject na pinasukan ko kanina kung saan classmate ko yung apat na ewan. Iba-iba kasi ang shedule naming magkaka-klase although iisang section kami. Half day ang klase ikaw na bahala pumili kung Morning or Afternoon Session ang gusto mo.
Sa sumunod na dalawang subject which is Filipino and Science ay hindi ko na sila nakita. Maybe iba na schedule nila at happy ako kasi back to normal na naman ang buhay ko. Hindi kasi ako maka focus pag andyan sila lalo na yung tatlong ugok. Ang iingay nila arrgghh.
So much for that nandito ako ngayon sa school canteen. Ang ganda ng school canteen nila ah! Pang sosyal it's more like a resto.
Nabanggit ni Mrs. Samonte, our Science Teacher slash adviser for the whole year round na hanggang hapon muna kami ngayong araw para mabuo kaming section. Gusto na daw nya kasi magpa-elect ng officers. Oh well ok na din naman sakin kasi wala naman akong masyadong gagawin ngayon sa bahay.
Dumating na yung "order" ko na cheesecake and cappucino. You read it right! "Order" hindi mo na kailangan pumila para bumili kasi may waiter sila dito. Sabi ko naman sa inyo it's more like a resto not a canteen.
30 minutes lang ang break time kaya bumalik na ako sa room para sa next suject which is Math, History and Home Economics.
Pagpasok ko ng room napansin ko agad yung apat na ewan. Classmate ko pala sila ngayon. Tsk magulong mundo na naman to for sure dT°Tb .
Naupo na ako sa upuan. Hmm? Himala tahimik sila ngayon mukhang ma---
"Pfft hahahaha." Akala ko pa naman tahimik na sila -_- . Mukhang ewan tong lalaking singkit na to bigla-bigla na lang tumatawa.
Well definitely napansin nyong ganon parin ang tawag ko sa kanila wag na kayong magtaka kasi hindi ako interesado malaman ang mga pangalan nila.
"Grabe talaga bro! Yung mukha nya pulang-pula pfft. Hahahah parang hinog na kamatis hahhah" Kung makapag salita talaga tong lalaking may black pierce akala mo ang layo ng kausap. Tch sakit sa tenga.
Buong discussion sa Math wala akong naintindihan dahil sa sobrang kaingayan mga katabi ko.
Natapos ang sumunod na dalawang subject na tahimik at payapa well siguro naman alam myo na amg ibig sabihin ko.
Saktong 12:30 natapos ang Morning Session. At dahil kailangan muna naming hintayin na matapos ang Afternoon Session bago kami magtipon-tipon bilang isang section sa auditorium sinugest ni Mrs. Samonte na maghanap muna ng club na sasalihan. Kakailanganin daw kasi namin yun para sa extra curiculum.
Sa covered court ng school gaganapin ang club fair. Maaga tong nagsimula para sa mga Afternoon Session at hanggang hapon naman sila para sa mga Morning Session.
Meron ditong Theatre Club, Dance Club, Arts Club, Academics Club, School Choir at yung iba hindi na ako familiar kaya hindi ko na pinansin. Tig-dalawang club lang ang dapat salihan ng bawat estudyante and since mahilig akong umarte at sumayaw sumali ako sa Theatre and Dance Club. Pero may mga auditions pa ako kailangang harapin para ma qualify.
Una kong pinuntahan ang Dance Club. Nag fill-up ako ng form pinapasok ako sa mini studio para mag-sample ng dance steps.
Hindi naman ako natagalan kasi mabilis lang ang flow ng audition na to. Sinayaw ko ang "Pull-up" ni Jason Derulo na lagi kong sinasayaw sa kwarto. Naastigan kasi ako sa rythm nya nakakadala kaya ginawan ko ng sarili kong version. After nun ipo-post na lang daw sa bulletin board ang pangalan ng mga nakapasa.Pumunta naman ako sa Theatre Club. Tulad ng sa Dance Club meron din silang Audition. Binigyan kami ng mga sample lines ng mga pelikula at ia-act namin ito by every emotions.
After kong mag-audition sa dalawang club na pinili ko na-upo muna ako sa isang bench. Kinuha ko yung sandwhich na binili ko kanina at kinain yun habang nag-iintay ng oras. 30 minutes na lang naman din at matatapos na ang klase ng AS . Kakain muna ako dito ng sandwhich bago duniretso sa Auditorium. In fairness ah! Nakakapagod din yung Auditions.
"Hi" bati nung babae. Hindi ako nag response dahil una hindi ko sya kilala at pangalawa baka hindi ako ang kausap. Lumingon ako kung may tao sa kaliwa't kanan ko pati na rin sa harap at likod baka kasi iba ang kausap nya.
"Haha ikaw. Sabi ko " HI" " Naupo sya sa tabi ko. Feeling close ka po? Psh.
"Ahh ako ba? Hello" syempre kabastusan naman diba kung hindi ko sya sasagutin .
"I'm Athena Perkins. Ena for short And you are?" Tch. As if naman interesado akong makilala ka. Pero ewan ko ba! Parang ang gaan ng loob ko sa kanya. Feeling ko magkakasundo kami nito.
"Sam. Samantha Park."
"Nice meeting you Sam.Bago ka lang dito noh?" Ngiti na lang ang isinagot ko. Hindi kasi ako madaldal kapag hindi ko pa gamay ang ugali ng taong kaharap ko.
"Ikaw yung nag-audition sa Dance Club kanina diba? Ang galing mo palang sumayaw"kita sa mukha nya na bilib sya sa ginawa ko.
" I'll take that as a compliment." Natatawang sabi ko.
Nagkwento sya sakin about sa mga karanasan nya sa School na to. Member na din pala sya ng Dance Club simula pa nung first year nya dito. Classmate ko din pala sya natawa na lang kami nung mapag-alaman namin yun. Parehas kaming MS pero wala lang sya ngayon kasi busy sa audition sa dance club. Isa kasi daw sya sa mga naghahandle ng auditio since matagal na din naman syang member.
Napansin naming malapit ng mag-time kaya sabay na kaming pumunta sa auditorium.
YOU ARE READING
PLAYFUL LOVE
Teen FictionSamantha Park, ang babaeng hindi alam ang tunay na pagkatao nya at kung ano ang posisyon nya sa sarili nyang pamilya na magtutulak sa kanya upang pumasok sa isang relasyon na hindi nya alam na puro laro at pagkukunwari lamang.Ngunit darating ang ara...