Athena's PoV
Hallooooo!! Before anything else, I just want to introduce myself first. Athena Perkins is my name. 16 years old. 4th year high school.
Simula 1st year ko dito sa HFHS ay sumali na ako sa Dance Club. Loner kasi ako. I've been bullied many times. Kaya napagdesisyunan kong sumali sa Dance Club para maipakita sa iba na hindi lang ako basta-basta. Naging maganda ang naging pagtanggap sa akin ng mga members kaya tumagal ako dito ng halos apat na taon.
Ito ang unang araw sa huling taon ko dito sa HFHS. Maaga akong pumasok para ayusin ang mga kakailanganin sa gaganaping Club Fair. Pinagawa kami ni Rex ng Mini Audition Room. Si Jserex (jeyserex) Villarico o mas kilala bilang Rex ang president ng Dance Club. Kasama nya din ang mga alipores nya na sina Joe Rico Montello , Ryan Buenaventura, Alfred Castro. Kilala silang apat dito sa school bilang isang grupo na kung tawagin ay Rolex. Sila nagpangalan sa grupo nila at kung anong origin ng group name nila? Walang nakaka-alam bukod sa kanila.
Marami ng nag-audition pero lima pa lang ang nakaka-abot sa standards na gusto namin. Sampung member lang ang kailangan namin kaya kailangang mabusisi ang pagpili ng member kung hindi kami ang malalagot kay President.
Tapos na ang shift ng MS kaya paniguradong marami na naman ang maga-audition.
Marami-rami na ang pumapasok at nag-audition. Nakipagpalit muna ako ng trabaho kay Jeremy. Pumunta ako sa Fill-up form at sya naman sa Audition.
"Ena! Tawag ka ni Pres." Pa-alala sa akin ni Grio. Hay! Paniguradong may iuutos na naman to.
"Sige Grio. Papunta na" Pumunta ako sa Mini room na pinaglalagian ni Pres. para ayusin ang mga file ng bawat naga-audition.
"Pinapatawag mo daw ako?" Unusual kasi na ipatawag nya ako.
"Ikaw yung naka-assign ngayon sa Fill-up section right?" Ang formal nya magsalita Err..
"Yes, why?"
"Did you see that girl? Yung naka pony tail" Tumingin ako sa mga nakapila at nakita ko agad ang tinutukoy nya. Mukhang bago lang sya dito.
"What about her?"
"Watch her skills" I nodded. Lumabas ako ng kwartong yun at bumalik na sa ginagawa ko.
It's her turn now.
Samantha Park....
Pinadiretso na sya nina Grio sa Audition Room. Pinabantay ko muna si Ria sa Fill-up section para i-acomplish ang utos sakin. Paniguradong andyan sya sa paligid nakamasid.
Nagsimula na syang sumayaw.
Di tulad ng ibang nag-audition ay may sarili syang version ng sayaw. Nakita kong nakangisi si Pres. Sa gilid ng audition room.Masasabi kong nakalagpas na ang babaeng ito sa Standards na hinahanap namin. Pwede na syang lead dancer kung papayagan ng pres.
Natapos ang audition at ibinigay na ni Jeremy ang mga pangalan na nakapasa kay President.
Lumabas muna ako para maggala-gala. Nakita kong naka-upo si Samantha sa may bench at kumakain ng sandwhich. Nilapitan ko sya. Halatang hindi pa nya napapansin ang presensya ko.
"Hi" bakas sa mukha nya ang pagkabigla. Lumingon sya sa kanan, kaliwa, taas, baba, likod at harap nya. Natawa na lang ako sa inasal nya.
"Haha ikaw. Sabi ko " Hi" " she's cute.
"Ahh ako ba? Hello" halata sa kanyang naiilang syang kausapin ako. Sabagay what do you expect from a stranger? Haha.
"I'm Athena Perkins. Ena for short, and you are?" Sinadya kong tanungin ang pangalan nya kahit alam ko na. Binasa ko muna kasi ang form na finill-up-an nya kanina bago ko ibigay kay jeremy.
"Sam, Samantha Park"
"Nice meeting you Sam.Bago ka lang dito noh?" Ngiti na lang ang isinagot nya.
"Ikaw yung nag-audition sa Dance Club kanina diba? Ang galing mo palang sumayaw"bumilib talaga ako sa dancing skills na ipinakita nya kanina.
" I'll take that as a compliment." Natatawang sabi nya.
Nagulat ako nung malaman kong classmate ko pala sya at parehas kaming MS. Siguro close na kami kanina pa kung hindi lang sinabay ang Club Fair sa First day.
Nabanggit sakin ni Janelle, isa sa mga classmate namin na may meeting kami ngayong isang buong section para mag-elect ng officer. Sakto namang pupunta din si Sam dun kaya sumabay na ako.
Napuno ng tawanan ang hallway habang naglalakad kami. Tawa kasi ng tawa si Samantha sa mga pinagku-kwento ko.
Gusto ko syang maging bestfriend.......
YOU ARE READING
PLAYFUL LOVE
Teen FictionSamantha Park, ang babaeng hindi alam ang tunay na pagkatao nya at kung ano ang posisyon nya sa sarili nyang pamilya na magtutulak sa kanya upang pumasok sa isang relasyon na hindi nya alam na puro laro at pagkukunwari lamang.Ngunit darating ang ara...