Chapter 6

18 2 11
                                    


Chapter 6: 마비 된  

"Wag ka ngang maarte! Kalalaki mong tao ang Arte-arte mo"

"A-no ba!? A—yoko nga sabing hawakan yan eh! Palibhasa kasi ang pangit mo kaya wala kang arte sa katawan!" halos tumakbo na at mapatalon si Frost sa Likod sa sobrang takot.

Ang dami naman kasing arte ng Letcheng to, Para isang dolphin lang takot na? Tanga ba siya? Siya tong Ihuhulog ako sa kama sa kasagsagan ng tulog ko para dalhin ako sa isang Dolphin Shelter na pagmamay-ari nila tapos mag-iinarte siyang parang Bata? Hindi pla Bata mas masahol pa siya sa isang bata.

"Bat pa tayo pumunta dito? Eh takot ka naman pala sa Dolphin? Tanga ka ba o wala ka lang talagang utak?" mapang-asar kong tanong saka ko binalik yung atensyon ko kay ZaeZae at SaeSae (pangalan nung dalawang dolphin na kasalukuyan kong nilalaro ang cutee no? Malayong mas cute pa kay Frost :P)

"Gusto ko kasing matuwa yang mga dolphin, tignan mo oh? Mukha mo palang halatang tuwang-tuwa na sila, mukha ka kasing kamag-anak nila yung dugong? Pang-aasar niya saakin saka ngumiting nakakaloko

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng pool "Alam mo?" malumanay kong pagtatanong. Agad naman siyang napatingin saakin na may halong pagtataka "Nakakabwisit ka!" tinulak ko siya ng napakalakas dahilan para mahulog siya sa pool kasama sila ZaeZae at SaeSae.

"Hahahahahahahahahaha! Buti nga sayo!"

"A—ano ba? Dun kayo! Doon Kayo!" pilit niyang tinataboy yung mga dolphin na lumalapit sakanila pero patuloy parin silang lumalapit kay Frost.

Akma sana siyang aahon mula pool pero tinulak ko ulit siya pabalik Hahaha. Mukha na talaga siyang Tanga. Haha

"Hintayin mo lang akong maka-aahon dito malilintikan ka talaga saakin!" sobrang naiinis niya sigaw saakin saka patuloy parin ang pagtaboy sa mga dolphin

Tumakbo akong tumatawa dahil sa itsura niya, Haha. Karma niya nayun sa ginawa niya saakin kanina.

Habang natutulog kasi ako hinulog niya ako mula sa kama ko dahilan para sumakit yung balakang ko hanggang ngayon.

Dahil sa sobrang tawa ko, isama pa ang pagtakbo ko dahil sa takot kong maabutan ni Frost, Nagulat nlang ako ng may mabangga akong bato syempre ang outcome nun natumba ako at nauna ang pwetan ko. Aww. Yung balakang ko.

Sino ba naman kasing matinong tao ang magdidisplay ng bato sa hallw—

"Miss ok ka lang?" halos tumalon yung puso ko ng may mag lahad ng kamay mula sa harap ko.

Tumingala ako para sana Makita yung mukha niya pero hindi ko ma-antinag dahil sa ilaw na nagmumula sa ceiling.

Bahagya siyang natawa saka umupo habang nakahulod yung kaliwa niyang tuhod, ngayon magkalevel na kami. Ngumiti siya dahilan para mapanganga ako "Ok ka lang ba?" tumango-tango habang nakalagay yung kanang kamay ko sa dibdib ko. Ngumiti nanaman siya saka kami sabay na tumayo inalalayan niya kasi ako.

Ang Gwapo niyaaaa! Lord! Bakit ang unfair niyo naman po? Para na silang mga Anghel sa Kagwapuhang taglay nila! Bakit naman po ako hindi niya pinagkalooban kahit isang patak lang nakagandahan? Huhuhu :'(

"May masakit ba sayo?"

Umiling ako "Wala naman po" pagsisinungaling ko. Ang totoo kasi niyan sobrang sakit nang balakang ko.

Napatawa siya ng bahagya dahilan para mawala yung mga mata—I mean maningkit pala ang O.A naman ng mawala Hahaha. "Sa Susunod tignan mo yung dinadaanan mo Ok? Dilikadong tumakbo dito sa hallway andami kasing statue ng mga Mammals" napatingin naman ako sa nabangga ko kanina isang Statue ng nakangiting Dugong yung totoo? Sinadya mo to Frost no!? "Sige Bye, Sana magkita ulit tayo" pinat niya yung ulo ko saka naglakad paalis pero muli siyang humarap saakin habang naglalakad saka nag Hand Wave ng 'Babye'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Courting Mr. Popular [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon