One day at a time - to deal with things as they happen, and not to make plans or to worry about the future~~~~~~~~~~~~~~~~~
Paggising ni Jho ay nandun na siya sa school clinic. Nakita niya din na nandun na yung teammates niya at nakatingin sa kanya.
"Ineng, okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Ella kay Jho.
"Ang sakit ng ulo ko Ate Ells. Ano bang nangyare?"
Tsaka siya napahawak sa ulo niya.
"Nakita ka ni Bea kanina sa side walk before ka magcollapse." Sagot ni Aly sa kanya.
Nagtataka naman siya kasi wala siyang maalala sa nangyare.
"Jusko ineng. Ilang beses ka ba mawawalan ng malay sa isang araw? Pangalawang beses na yan ah? Pasalamat ka na lang at may nakakita sayo. Swerte ka at saktong nandun si Bea kanina." Sermon sa kanya ni Ella habang napapa-iling pa.
"Huh? Sinong Bea?" Takang takang tanong ni Jho.
"Yung naka-facial sayo kanina? Remember yung girl sa try out na matangkad" Pagpapaliwanag ni Marge.
Napa-pikit na lang si Jho at pilit na inaalala yung mga nangyare kanina bago siya tuluyang nawalan ng malay.
Lumapit si Ella sa tabi ng bed niya at umupo sa tabi niya.
"Ineng, ano bang nangyayare sayo? Kanina sa training nahimatay ka. Tapos sabi ni Bea kanina nakita ka na lang niya na umiiyak sa sidewalk bago ka nawalan ng malay." Tanong ni Ella sa kanya. "May problema ka ba?" Dagdag pa nito.
Bigla naman naalala ni Jho yung nangyare kaya hindi niya napigilang umiyak. Agad naman siyang niyakap nila Ella at Jia.
"Shh. Okay lang yan beh. Sige iiyak mo lang." Sabi ni Ella habang hinahagod niya yung likod ni Jho.
Saglit na tumahimik sa clinic at naka tingin lang silang lahat kay Jho. Kumalas na sila sa pagyakap at inabutan naman ni Jia ng tubig si Jho.
"Tell us na lang when you're ready to talk" Saad ni Jia.
"Besh. Kayo na muna bahala dyan kay Jho. We'll update coach muna about her condition."
"Sige Besh, ako na bahala dito. Paki uwi na lang sa dorm nung gamit ko."
Tumango na lang si Aly.
"Go get some rest first Jho. Tama na iyak okay?" Dagdag ni Den.
Tumango lang si Jho sa kanila at tuluyan nang umalis yung teammates niya. Naiwan lang si Jia, Ella at Marge sa clinic.
Lumapit si Marge sa kabilang side ng bed niya at hinawakan yung kamay ni Jho.
"Batch, nag-aalala na ako sayo. Kanina pagdating namin sobrang ibang level kasungitan mo. Tapos bigla ka na lang ganyan, malungkot and sobrang tamlay. What's happening to you ba?" Nag-aalalang tanong ni Marge sa kanya.
Umiling lang si Jho tsaka siya huminga ng malalim bago siya nagsalita.
"Ayoko muna sanang pagusapan. Sobrang sakit kasi eh." Sagot ni Jho sa kanya.
Muling tumulo yung luha niya at sunod sunod yung paghikbi niya.
"Hindi ko kasi alam kung kaya ko pa. Ang sakit sakit na. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Dagdag pa nito.
"Jho, okay lang naman na bumigay ka eh. Pero remember na hindi mo naman kelangan sarilihin lahat ng problema mo. We're all here for you." Hinawakan ni Jia yung kamay ni Jho tsaka ito marahan na pinisil.
YOU ARE READING
Nothing More Than This - A JhoBea FanFiction
FanfictionJhoBea FanFiction made for Team Meron #FriendshipGoals