Throw in the towel.

827 22 4
                                    


Throw in the towel - giving up; to surrender.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jho's POV

Maaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo ko. Jusko ikaw ba naman magdamag na umiyak. Kaloka, malala pa sa hangover eh.

Paggising ko, tulog na tulog pa yung dalawa kaya naisipan ko munang bumaba para uminom ng tubig.

Naabutan ko si Mama na nagluluto ng breakfast. Kaya nilapitan ko siya tsaka ako nag back hug.

"Good morning ma." Malambing kong bati sa kanya, tsaka ko siya hinalikan sa pisngi

"Nakakagulat ka naman. Ang aga mo naman atang gumising? May lakad ka ba?"

Kumalas na ako sa pagkakayakap at tsaka dumeretso sa ref para kumuha ng tubig.

"Wala po. Pero balak ko sanang mag-jogging."

Maaga pa naman at hindi pa masyadong mainit ang sikat ng araw. Di pa ako mangingitim nyan. Hahaha.

"Kaya mo na ba? Hindi na ba masama yung pakiramdam mo?"

Aba si Mama echosera. Bakit parang may double meaning ata yun? Hahaha.

Umiling na lang ako. Baka mamaya i-hot seat pa ako nyan. Di pa ata ako ready.

"Sige. Pero gisingin mo na yung pinsan at kapatid mo para may kasama ka."

"Hindi na po. Medyo late na natulog yung mga yun eh. Kaya ko naman po mag-isa. I'm a strong independent woman diba?"

"Hay nako Jhoana. Basta talaga kalokohan, ang galing galing mo. Sige na, kumilos ka na dyan."

Nginitian ko lang siya at dumeretso na ako sa kwarto para magbihis. Pag-akyat ko, tulog na tulog pa din yung dalawa. Mas okay na din kasi mas gusto kong mapag-isa muna.

Loner ang peg ko this morning.

After kong magbihis, nagpaalam na din ako kay Mama at nagsimula na magjogging. Mas okay na din 'to para kahit papaano hindi ako naka-tengga lang sa bahay.

Hindi ko na namalayan na medyo napalayo na din ako sa bahay. Nakita ko na lang na umabot na pala ako sa baseball field malapit sa plaza.

Napatingin lang ako sa gilid at nagbabakasakaling may makita ako dun na di ka-aya aya. Ang ganda pa naman ng gising ko. Ayoko naman na masira bigla yung umaga ko.

Nagulat naman ako ng biglang nag-vibrate yung phone ko.

Donya Ella 👑 calling....

Sinagot ko na kagad yung tawag.

[A: Good morning donya!]

Masigla kong bati sa kanya.

[E: Aba ineng. Ang aga mo naman atang nagising?]

[A: Nag-jogging lang donya. Sinipag eh.]

Halata naman sa boses niya na nagulat. Aba sinigawan ako bigla eh.

[E: Ikaw?! Magjjogging?! Aba kung ayan pala ang epekto ng pagka-broken mo, dapat pala matagal ka ng niloko ni Baham.]

Bwisit talaga 'to si Ate Ella eh. Walang preno ang bibig. Hindi ko alam dito, minsan sweet at caring. Pero madalas, talakera, bungangera at eskandalosa.

Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

[E: Biro lang Jho.]

Natatawa pa niyang sabi.

Nothing More Than This - A JhoBea FanFictionWhere stories live. Discover now