Got your back.

1.3K 26 11
                                    

Got your back - to support, look out for or protect someone 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jho's POV

Nagising ako bigla dahil sa ingay ni Ate Ella. Maaga kasi kaming aalis dahil madami kaming gagawin ngayon. 

"Hoy ineng. Bangon na dyan! Lalarga na tayo maya maya." Sabi ni Ate Ella habang hinahampas ako ng unan.

Umupo ako at nakita kong nakaligo na silang tatlo at naghahanda na.

"Anong oras na ba?" Para kasing ang aga pa pero reding-ready na sila.

"4:30 po. We'll leave daw po ng 5 sabi ni Ate Ly." Sagot sakin ni Kat.

"Jho, ligo ka na. Ako na mag-aayos ng gamit mo." Sabi ni Jamie. Nginitian ko siya at tsaka na ako dumeretso sa banyo.

Halos dalawang oras lang pala yung tulog ko. Mag-aalas tres na kasi kami bumalik ni Bea sa kwarto. Speaking off, nagising kaya yun?

Mamaya ko nga yun iintindihin. Baka awayin ako ni Ate Ells kapag nagtagal pa ako dito.

Nakarinig na lang ako ng kalampag sa pinto ng cr.

"Hoy Jhoanna Louisse. Dalian mo na dyan at nagugutom na ako!"

Tinamo, tama nga ako. Sino pa nga ba yun? Malamang si Donyang bungangera.

"Oo na. Sige na mauna na kayo. Konsensya ko pa kapag nagutuman ka."  Sigaw ko pabalik sa kanya.

Pagkatapos kong magbihis, wala na sila sa kwarto. Malamang nauna na. Kinuha ko yung backpack ko at lumabas na din ng room.

Nakita ko silang kumakain na ng breakfast. Tahimik lang. Hahaha. May mga hang over siguro. 

Hindi ko naman maiwasan na hanapin si Bea. Syempre, kelangan ko pa din magpasalamat sa kanya dahil dun sa kagabi.

Nakita ko siyang nakaupo sa table nila Ate Kiwi at nakahawak sa sintido niya. Hang over siguro?

Hmm. Ano bang dapat ibigay sa may hang over? Kape? Tubig? Aish bahala na nga. Parehas na lang.

Kumuhu ako ng tubig at pinagtimpla siya ng kape tsaka ko nilagay sa harap niya.

Di niya ata napansin.

"Ehem." 

Inangat niya yung ulo niya at tumingin sakin.

"Uhhm, ah- eh di ko kasi alam kung anong iniinom kapag may hang over. Coffee and water na lang kinuha ko." 

Jusko bakit naman ako nauutal. Pabebe lang Jho?

Nginitian niya ako tsaka siya humigop ng kape.

"I don't usually drink coffee pero parang ang bango neto. Thanks Jhoana." Tsaka siya ngumiti ulit. Shit. Ang cute niya palang ngumiti. 

"Ah-sige. Punta na ako sa table namin."

Hindi ko na inintay na sumagot siya at umalis na kagad ako. Ang weird kasi. Ewan parang nahiya ako bigla. Pakshet naman. 

Pag-upo ko sa tabi ni Ate Ella, nakatingin na siya sakin at naka-taas ang kilay.

"Aba. Di naman ako aware na waiter ka na pala dito ineng. Bakit may pa-hatid hatid ka pa ng kape dun kay De Leon?" 

"Wag ka ngang issue dyan Ate Ells. Pa-thank you lang yun kasi sinamahan niya ako kagabi."

Sinumulan ko na kumain pero hindi pa din siya tumitigal sa pang-iintriga.

"Anong oras ka ba bumalik sa kwarto? Hindi na kita namalayan eh? NAKO IKAW AH. ANONG GINAWA NIYO NI-"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at tinakpan ko na yung bibig niya. Medyo dumadami na din kasi yung nakatingin samin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nothing More Than This - A JhoBea FanFictionWhere stories live. Discover now