Next thing no one knows.

1.4K 20 0
                                    


Next thing no one knows - suddenly, out of the blue

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Jho's POV

Ang init init naman ngayon. Kaloka yung training na tanghaling tapat ah. Di ko alam dito sa bago naming coach kung bakit 11 to 4 pa yung gustong training hours. Okay naman na yung training namin na 7 to 12 dati.

Tapos ang aga aga ko pa dumating. Bwisit naman kasi si Ate Ells, ang aga aga akong pinapunta dito, mallate din naman pala siya ng dating.

"Jho, ang aga mo naman ata?"

Napatingin ako sa gilid ko at di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Ther. Player siya ng women's basketball team.

"Oo nga eh. Bwisit kasi si Ate Ells."

"Hahaha. Tanghaling tapat yamot na yamot ka dyan." Natatawang sabi pa niya.

Tsaka niya ako hinagisan ng basang towel at tinawanan. Water break nila kaya nandito siya sa harap ko para mang-asar.

"Bwisit ka. Ang baho mo. Lumayo ka nga sakin." Yamot na sabi ko tsaka ko binato pabalik nung towel niya na basang basa ng pawis.

Aba't lalo pa atang nang-aasar kasi pagkatapos ipunas sa kamay niya yung pawis niya ay bigla naman niyang winisik sakin.

"Alam mo ang baboy mo. Tantanan mo nga ako. Nananahimik ako dito eh." Sabay irap ko sa kanya.

Nag-peace sign naman siya at nginitian ako. "Ayan problema sayo eh. Naglalambing lang ako dito tapos ang sungit sungit mo. Sorry na batchyyy." Sabay pacute pa. Di naman cute. 

Di ko na lang siya pinansin kasi wala talaga ako sa mood. Maya maya pa ay pumito na yung coach nila, which means na balik na sila sa training.

"Balik na ako dun. Uso ngumiti. Bye batchy sungit." Kumindat pa siya sakin at nagflying kiss tsaka bumalik sa court.

Maya maya pa ay napansin ko na si Coach Parley na papalapit sa side ko kaya sinalubong ko na siya dala dala yung gamit ko.

"Oh Jho, ang aga mo naman ata?" Bungad niyang bati sakin.

Pangalawang beses na napansin yung pagiging maaga ko ah? Hindi ba talaga ako pwedeng maging maaga? 😑

"Eh coach, akala ko nandito na sila Ate Ells eh."

"Hindi ka ba nila tinext??" Nagtatakang tanong ni Coach.

"Huh? Bakit po?"

"They have a lunch meeting daw. Nag-text sila samin kanina. Though I don't know kung para saan. Basta mallate daw sila. Kaya nga nagtataka ako bakit ang aga mo."

Di ko naman maiwasang mapakunot ng noo. Bwisit talaga yung si Ate Ells eh. Ugggh. Di man lang nagsabi. 😑

"So, paano na yan coach? No training na?"

"Meron pa din. Kaso ang alam ko pwede naman na di na muna kayo mag training ng 11am."

"Huh? Bakit po??"

"Ngayon kasi pinapunta ni Coach Tai yung mga gusto mag try outs. Kaya na-move yung training niyo ng 1. But if you want to stay, you can stay naman and help us with them"

Sayang naman kung babalik pa akong Eliazo tapos babalik din ako dito after 2 hours. Ang hassle.

"Sige Coach, I'll stay na lang. Bihis po muna ako." Paalam ko sa kanya.

"Okay sige. Wait for the others na din. If I'm not mistaken, papunta na din sila Marge, Mich, Mae and Jia dito."

Tumango na lang ako and dumeretso sa shower room para magpalit. Habang nasa loob ako ng cubicle, naririnig ko ng parating yung mga teammates ko. Boses pa lang alam na alam ko nang sila yun. Syempre nangingibabaw nanaman yung boses ni Margarita.

Nothing More Than This - A JhoBea FanFictionWhere stories live. Discover now