*kringggggggg*
"Ugh. Ang ingayyy"
*Snooze 3 mins.
*kringggggggg*
*Snooze 5 mins.
*kringgggggggg*
TIME CHECK: 6:48 am
"SHIT. LATEEEE NA KOOOOOOO!!!." O______O
Dali-dali akong pumunta sa
C.R at nagmumog. Halos liparin ko na rin yung hagdan namin pababa. Hayufff na alarm clock yan. Akala ko ba pampagising?! Ea. Mas maganda pang alarm clock yung mala machine gun na bunganga ng nanay ko. Nyeta.
"AHHHHHHHH....." Aray ko shete."HAHAHAHA... Nak? Di mo naman sinabi sakin na may balak kang maging action star? Katanga namang bata neto. Nag-ala batman pa sa hagdan!"
Ang sakittttt... Kakamadali ko di ko napansin na may laruan pa lang thomas the train sa hagdan. Napaka supportive pa naman ng nanay ko. -_-
"MA! NAMAN. Imbes na tanungin mo kung ok lang ba ako. Pinagtatawanan mo pa ko. Huhu!" i hate you nanay.
"Ok para sa ikakasaya ng maganda kong anak.. Ok ka lang ba, Anak?" tanong ni mama sakin, habang tinitignan kung nagkaroon ba ako ng pasa o bukol.
"Ok na ko mama."
Inalalayan ako ni mama tumayo at pinaghanda ng almusal. Sinangag, hotdog at pinagtimpla din ako ni mama ng kape na nilagyan nya ng kaunting gatas. FAVORITE! >o<
"Ma, bukas ikaw na lang gumising sakin ah?" sabi ko kay mama habang, kumakain.
"Diba nag-alarm ka nak? "
"Oo nga po..." sabi ko habang nakasimangot. Kainis na alarm clock yun.
"Oh? Nangyare sa alarm mo?"
"Ayun ma, ginising ako...
SA PANAGINIP. " -_-"Hay nakooo!! Oh sya sige, Gumayak ka na! At baka malate ka pa school mo."
Andito ako ngayon sa C.R... Nakikipagtitigan sa tabo, at sa malamig na tubig na toh. Wala na akong time na magpa-init ng tubig dahil kung hihintayin ko pa yun... Paniguradong, pagsayaw sa harap ng maraming tao ang bagsak ko. At hindi kakayanin ng lola nyo ang kahihiyan na yun.
So eto na....
Dahan-dahan kong kinuha ang tabo. Eto na. Wala ng atrasan toh. In 5. . . . .
4. . . . .
3. . .
2. .
1.
"AHHHHHH... PUNYETA ANG LAMIGGGGGG!!"
"Wohhhh! Kaya mo yan Shayannah!"
"Wohhh! Fighting. Tubig lang yan."
. . .
Natapos ang session ko kay Pareng Cold water, at kasalukuyan na akong naghahanda paalis.
"Ma, babye na po" sabi ko at humalik sa pisngi ni mama.
"Sigeh anak. Mag-iingat ka. Shunga ka pa naman!"
"Ma, naman.."
"Joke lang anak kong maganda. Ingatttt."
***
Inefflaxis University
"Grabe, yung ginawa ni Shaun kanina."
"Pero bes, Ang gwapo nya pa rin."
"Kawawa naman yung girl."
Kakapasok ko pa lang sa Campus, ay samo't saring bulungan kaagad ang narinig ko. Laman nanaman ng tsismis ang damuhong yon. Geez..
"Alam naman na kasi ni Michelle, na walang sineseryoso si Shaun, Pinatos niya pa." -tsismosa no.1
"Hay.. Nakooo! Kahit ako naman ganun din ang gagawin ko!" - tsisimosa no. 2
"Kaloka! Awra pa lang ni Shaun napaka playboy na, pero at the same time... He's freaking handsome and hot! Geez!" -tsismosa no. 3
Akala ko noon, kaming mga hampaslupa lang ang mahilig sa tsismis,pero di naman lahat. Jusq. Ea, mas matindi pa tong mga babaitang toh, mangalap ng impormasyon may kasama pang pagnanasa. Jusq. Mabagin. Patawarin nawa ang mga batang ire..
Sinalpak ko sa magkabilang tenga ko, ang earphones ko at pinatugtog ang Despacito. Nag i-earphones ako para wala akong marinig na mga tsismis, di magandang salita, at para na rin marelax ang utak ko, bago ako sumabak sa madugong bakbakan mamaya sa Math.
Naglalakad ako sa hallway ng biglang may nagtakip ng bibig ko,pati mata ko ay tinakpan ng kung sino mang gumagawa nito sakin ngayon.
Lord, marami pa po akong pangarap.
Pangarap ko pong makapunta sa Korea to meet my oppa's. Nakakontrata na po sila sakin. May usapan na po kami. Huhu. Balak ko rin pong makagraduate para kay Inang bahaghari. Pangarap ko rin pong tumangkad... Ok na po sakin yung height na 5'6. Hihi.
Nagpupumiglas ako, pero masyado syang malakas. Hanggang sa hindi sinasadyang nalanghap ko ang pabango nya.
Oh. My. God. O_o
Dali-dali kobg kinagat ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. At pinaghahampas ang nilalang na toh.
"SHAUNNNNNN PUNYETA KA TALAGAAAAA!! "
Pinagsasabunutan ko sya at pinalo-palo. Hampas dito, Sabunot duon.
"Hayop ka! Pinakaba mo ko! Putris kaa..."
"Ahhh... Ar-ayyy!!! So-ri na. Ugh!"
"Alam mo bang pinakaba mo ako ng husto?! Akala ko mapapa-aga ng lipad ko sa heaven."
"Sino naman nagsabi na duon ang diretso mo?? Hmmm.."
Aba't demonyito talaga tong isang toh.
"Anong sabi mo? Huh!"
"Ahhhh...Awwww Araayy! Baby Sori na!"
"TSE! WAG MO KONG TAWAGING BABY DI AKO SANGGOL!!"
Pagkasabi ko non ay tinalikuran ko siya at tinahak ang daan papunta sa Archimedez Room.
Bahala siya sa buhay niya. Ang lakas talaga mambully ng lamang lupa na yun. -_-#
***
"Good Morning Class."
Bati ng Mapeh teacher namin sa amin.
"Good Morning Mr. Apales"
Nagturo si Sir ng mga dapat naming gawin para sa Activity next week.
Pagkatapos nyang iexplain ang mga rules at instruction ay sinabi niya na kung sino-sino ang mga magiging kagrupo namin.
"Grace, Jefferson,Kaye,Lester,Brylle,Raiza for the group 1."
"Gayle,Amiel, Nicole, Mjay, Allysa, Nathaniel, Marynelle for the group 2"
" Rheymari, Andrew, Lorea, Harley, Zach, Shannayah and Shaun. For the group 3."
Wtf. SYA NANAMAN?! Punyeta.
"Goodbye class."
MY. God. May mas isasama pa ba tong araw na toh? Una nagpagulong-gulong ako sa Hagdan, na mala action star... tapos may pesteng kidnapper kuno kanina sa hallway. Tapos ngayon?! Kagrupo ko ang pesteng kidnapper na yon?!! T_T
BAKIT KO BA SYA NAGING KAKLASE?!
Nakalabas na ng pinto si Sir Apales ng bigla siyang dumungaw pabalik at nagsalita.
"And before I Forgot. Sila ang magiging kagrupo niyo for the whole GRADING."
OH. MY. GOD.
Noooooooo!! O____O
"Pano ba yan panget na slow na pandak. Magkagrupo tayo...This would be really exciting."
Nakangisi nyang bulong sakin. Shaun whispering those words right in my ear, was already giving me a goosebumps. He is really creepy.What a jerk. Shit.
Damn. Villegas.
BINABASA MO ANG
Joke Lang
Jugendliteratur" Uy joke! " " Joke lang hahaha! " " Joke lang haha! Tawa ka naman! " . . . Punyeta! Puro ka biro! Akala mo sa lahat ng oras nakakatawa ka! Kelan ka ba magseseryoso? O baka naman wala kang balak magseryoso?! ...