Chapter 1: SLOW

22 4 2
                                    

Shayanah's POV

"Shayanah! Ang PANGET mo kamo."

tangina eto nanaman siya. -_-

"Bakit GWAPO ka? punyeta toh!" sabay irap ko sa kanya.

"OO! GWAPO AKO! Ikaw lang naman panget dito ea."→_→

Ano toh lokohan? kailan pa naging gwapo tong mukhang patay na kuko na toh! Psh. . .
Ang hangin talaga ng isang toh. -_-

"Punyeta! Mukha ka ngang puwit ng manok diyan!" balik kong asar sa kanya na may nakakalokong ngisi. Kala nya papatalo ako?? NO WAY!

"Negra, Ita,Sunog, Uling, PANDAKKK!!! " Aba't sumosobra na tong gunggong na toh, Ah?! NYETA. Matatanggap ko pa yung tawagin nya akong panget ng paulit-ulit ea? Kasi alam ko namang di totoo yun pero yung NEGRA, ITA, SUNOG, ULING AT PANDAK?! Anak ka ng pitong po't pitong kabayong baog! Di naman yata makatarungan yon.

" Punyetaaaaa. . . . . Ka Shaun Grey Villegassss may araw ka rin sakin. At sisiguraduhin kong mababaog ka at hindi na kakalat yung lahi mong PANGET!!" Paniguradong pulang pula na yung mukha ko sa galit, dahil pakiramdam ko lahat ng dugo ko pumunta na sa bunbunan ko dahil sa DAMBUHALANG EMPAKTONG nasa harapan ko ngayon.

"Aww... Kawawa ka naman, pag nangyari yun, dahil paniguradong di na kakalat yung lahi mong pikunin." sagot nya habang nakatingin sa ere na animo'y nag-iisip ng malalim.

"Ano namang ibig mong sabihin Damuho ka?!"

"Di ka lang pala SUNOG NA ULING. Slow ka pa! Tsk. Tsk." Sabi nya habang hawak ang kanyang noo at umiiling.

"HOY! ABA SUMOSOBRA KANA, KANINA MO PA KO NILALAIT AH?!!" bwisit toh.

"Di mo ba gets?"

"Ang alin nga?!" kairita. Letche.

Pero di ko inaasahan ang susunod nyang sagot sa akin....

"Kapag nabaog ako. Kawawa ka naman.. Dahil sakin nakasalalay ang pagdami ng lahi mo. " sabi nya habang papalapit ng papalapit sakin. Bawat hakbang nya ay sya namang atras ko. Atras ako ng atras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likuran ko. I'm dead.

Kingina mga bes.. Kinakabahan na ko!! Punyeta! Sino ba namang di kakabahan?! Hanggang balikat lang kaya ako ng damuhong toh. Mamaya maisipan nya na lang akong ihagis o kaya ibalibag! Bali-bali buto ko nun, baka di na ako abutin ng ambulansya, sementeryo na diretso ko. Huhu.... God bakit ganito sya makatingin help mehhh!!

"Kaya ipagdasal mo na hindi mangyari yun. Dahil pag nagkataon di na din dadami ang lahi mo.... Kasi ako lang, Ako lang ang pwedeng gumawa nun. "

Hinapit nya ako sa bewang, habang ang isa naman nyang kamay ay nasa pisngi ko. Palapit ng palapit ang kanyang mukha sa akin...

LORD, kinakabahan ako pano kung bigla na lang nya ako sampalin dahil sinumpong sya ng kabaklaan nya, at narealize nyang mas makinis ang skin ko kaysa sa kanya?!

Awtomatiko akong napapikit, dahil sobrang lapit na talaga ng mukha nya sakin. I can feel his breath on my neck....

"Pfffttt... HAHAHAHA!!"

Awtomatiko naman akong napadilat ng marinig ko ang malulutong nyang halakhak. Nakahawak pa ang gago sa tyan nya na akala mo ay mauubusan sya ng hininga dahil sa kakatawa.

Shit. Nakakahiya. Ano bang naisipan ko at pumikit ako?! Punyetang buhay toh! Oh!. Sumakit sana tyan mo sa kakatawa! Letche.

"Baliw ka na, Tumigil ka nga dyan!"

"Bakit parang disappointed ka? Ano bang ineexpect mong gagaein ko sayo?! HAHAHAHAHAHA" Mangiyak ngiyak na sya kakatawa. Bwisit! Mamatay ka sana kakatawa! Letche. AKO DISAPPOINTED?! NO WAY.

"KAPAG DI KA PA TUMIGIL KAKATAWA! SISIGURADUHIN KONG BALI YANG 206 NA BUTO MO SA KATAWAN!" seryosong sabi ko sa kanya.

Bigla naman syang tumigil sa kakatawa at umayos ng tayo.

"Shayanah....." tawag nya sa pangalan ko.

"Ano?!"

"Yung sinabi ko sayo kanina...." Di ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya.

"Joke lang yun...PANGET. HAHAHA "

"Oo na! Ikaw pa ba? Isa lang naman yun sa mga JOKE MO."Buti na lang talaga sanay na ko sa mga joke ng bakulaw na toh. Kundi papatayin ko talaga sya. Bwisit. WAIT?! Did he just called me UGLY?? Watdafuq. -_-! Ok lang. Paniguradong isa lang din yun sa mga Joke nya. Asdfghjkl.

Joke LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon