Chapter 3: BITCHES

7 1 4
                                        

Shanayah's POV

"So, class always remember that negative plus positive, the sign of your answer should be negative. In terms of multiplication."

Napatango-tango naman ako sa sinasabi ni Sir Quirimit.

Todo focus ako sa mga sinusulat nya sa board at halos magkanda haba haba ang tenga ko para lang marinig ko ng tama lahat ng sasabihin nya.

Kingina,mga beshy math toh! Isang pagkakamali mo lang sa sign at variables. Tigok ka agad. Jusme. Bwisit na EX yan palagi na lang hinahanap. Masaya na nga kami ng wala sya ea. Pwede namang ang sagot na Y na lang ang hanapin, ng mabigyan naman kami ng linaw sa lahat.

"And always remember that you cannot add or subtract unlike terms."

Sabagay,pano mo nga naman sila pagsasamahin? UNLIKE nga diba?? Psh.

"So, class naalala nyo pa ba yung mga pinag-aralan nyo sa Math last year??" tanong ni Sir Quirimit.

"Di pooo.." sabay-sabay naming sagot, at yung iba ay todo iling pa.

"Ok, masakit mang balikan...Pero kailangan nating balikan at alalahanin ang nakaraan. "

"Owwww.." sabay sabay naming react magkaka klase.

"Awts. Teka ang sakit." at hinawakan pa ni Michael ang dibdib nya, at umaktong nasasaktan.

"Sir, Wag na nating balikan. Di na nga namin maalala sir. Ipapaalala nyo pa. " Biglang sigaw ni Rheymari.

"Sir, Move on na. Wag na pong ipaalala" Nakasimangot na pahayag ni Lorea.

"Shhhh!! Walang maingay." biglang sita ni sir at bahagyang pinatunog ang board.

"Ok.. Sige, mag move on na tayo. Hayaan na natin yung mga bagay na yun sa nakaraan. Past is past. Kalimutan na lang natin."

"Hay salamat."

"Grabe sya oh!"

Samo't saring reaksyon ng mga kaklase ko. May mga nag-eemote na di mo mawari. May mga parang nabunutan ng tinik sa lalamunan. At meron din namang mga walang pakielam at di makarelate kagaya ko.

"At dahil ayaw nyo ng balikan ang nakaraan. May Graded recitation tayo bukas."

"Hala! Lagottt!!" - Mjay

"NOOOOOOOO!!" -Harley

"Sir, naman." -Rheymari

"Sir, dalian nyo lang tanong ah??" -Angel

"Sir! Walang klase bukas!" - Nathaniel

"At bakit naman??" tanong ni Sir kay Nathaniel na bahagya pang natatawa dahil sa mga reaksyon namin.

"Kasi, basa ang chalk Sir. HAHA!!" nagsitawanan naman sila Glenn at Lester na mga tropa ni Nath.

"Ok, class so that's all for today. Goodbye class."

"Goodbye sir."

"And you can have your recess now."

***
Inefflexis Cafeteria

"Ano ba?! Bulag ka ba! Tumingin ka nga sa dindaanan mo!"

"TSK. WHY SO TANGA?!"

"So, BOBO panget na nga bobo pa. "

Kakapasok ko pa lang sa cafeteria ay nakita ko na si Michelle. At sa harap nya naman ay isang babaeng nerd.

Base sa mantsang nasa damit ni Michelle, natapunan siguro sya nung babaeng nerd ng kung ano man kaya galit na galit ito ngayon.

Joke LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon