CHAPTER 30♥

73 1 0
                                    

A/N: Survive ang card day! haha! at dahil sa tapos na yung valentines which almost all proms ay sa day ng valentines nagaganap... I skipped some parts at nagforward nalang sa prom part. So this chapt. will be prom chapter!

TAO'S POV

"Wait for us... susunduin na namin kayo diyan"

"Okay bye!"

"Oh ano daw sabi? nakapaghanda na ba sila?" kasama ko ngayon si Baekhyun. Susunduin namin sina Reza at Hanna.

Nakarating na rin kami sa condo nina Reza. Lahat ng tao nakatitig samin, syempre sino ba naman ang hindi mapapatingin samin... sa gwapo naming toh! dagdagan pa ng tux!

Nag knock kami sa pintuan ng magpinsan.At si Reza yung bumukas.

"Wow! you're... your'e...." nas-speechless ako

"I know.... parang hindi ako. Its the make-up sabi ko naman simple lang eh, si Hanna gustong pabonggahin... kaya ayan! ah pasok muna kayo! Baek... hintayin mo nalang yung partner mo! nagpapaganda pa eh!" pumasok muna kami ni Baekhyun.

Babae nga yung tumitira dito! pagpasok mo palang lavender scent na kaagad sasalubong sayo eh! marami ring nakasabit na picture nina Reza at Hanna. May solo, at may dalawa sila. All white yung unit nila at spacious kasi walang maraming furnitures. Marami ri'ng parang doodles sa wall nila na obvious na si Hanna ang gumawa. Alam naman nating mahilig magdoodle yun.

Lumabas na rin sila nina Reza at Hanna.

Si Hanna nakapink na parang kapit na kapit na gown, na strapless, na maraming bead accents. Tapos naka-curl yung hair niya. Nakared stilletos rin siya.

Si Reza naman nakablue na gown na parang mahaba yung sa likod at above the knee yung sa harapan at spaghetti strap. Straight naman yung buhok niya at naka-one sided. Tapos color blue na wedge yung sapatos niya.

BAEKHYUN'S POV

"Hanna! you look so pretty!!" nasurpressa lang talaga ako. Bagay na bagay kay Hanna yung sinusuot niya.

"Of course!" see? that's why I like her.

"So tara na?" Reza broke the silence.

We all nodded. Tsaka lumabas na sa unit nila.

MARICA'S POV

"Okay I'll wait for you!"

Tinawagan ako ni Sehun. And he said na susunduin niya ako.

I retouched my make-up.

And then... my mum called me, kaya bumaba ako. Only to find my mum chatting with Sehun, nakaupo sila sa sofa. My youngest brother, Nissi was seating by his side.

"Oh! nandito ka na pala!"

SEHUN'S POV

She looked really pretty. She wore a red puffy dress, her curly hair was straightened on the upper part. Her shoes were fuschia pink stilletos.

I stood up.

"You guys enjoy tonight okay? Sehun, its nice to meet you hijo! bisita ka dito minsan ha!" Marica's mum tapped me at the back.

"Okay po tita! nice to meet you rin po! bye Nissi! bye Shalom! bye Emman! bye Sean!" I said goodbye to Marica's four siblings.

MARICA'S POV

Tinulak ako ni mommy papalapit kay Sehun. "Gwapo to nak!" bulong niya pa sakin. I just smiled at her.

Sa totoo gwapo si Sehun. The typical Korean face, syempre korean nga siya diba?. Mas gumwapo pa siya sa tuxedo niya. Angelic yung face niya, at hindi ako magtataka kung maraming babae ang magkakagusto sa kanya. Bukod sa gwapo siya, mabait pa siya. Sehun... kung ako lang, syempre magkakagusto rin ako sa kanya. But sorry..... nauna si Kris.

WHEN THE KINGS MEET THE QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon