CHAPTER 27♡

73 1 0
                                    

REZA'S POV

Wala akong kasama sa condo dahil may date si Hanna kay Baekhyun ngayon eh. Pumunta nalang ako sa bahay ni Chanyeol.

"Uy cuz! aminin mo natatakot ka sa condo niyo noh?!"

"Di noh! psh! bigyan mo nalang nga ako ng ice cream!" I pulled the ice cream container he was holding. Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Do you want me to invite Tao over?" bakit niya pa ako kinokonsulta?

"Bahala ka!"

Kumain nalang ako.

"Hello Tao?"

"Oh? bakit yeol?"

"Gusto mo ba'ng pumunta dito sa bahay?"

"Ano ba'ng okasyon?"

"Wala lang naman... nagmo-movie marathon kami dito ni Reza!!"

"Sige! mga 10 min.!"

Naisipan niya pa talagang i-loud speaker yun ha!

"Sa totoo lang I ship you two!" may pa ship-ship pa siya'ng nalalaman.

Binato ko siya ng unan.

"I-start mo na yung movie!" napag-isipan naming love story yung genre ng movie na papanuorin namin eh... napili niya yung 'Crazy Little Thing Called Love'. Ilang ulit na namin tong pinapanuod.

"Hoy Yeol! for the 50th time na natin tong pinapanuod eh! ginagawa mo na akong ulianin!" inirapan ko siya.

"Aminin mo kinikilig ka pa rin kahit ilang ulit na natin tong pinapanuod diba?" lumapit siya sakin at kiniliti niya ako.

"Tigilan mo nga ako!"

"At isa pa... I want this night to be a couple's night for you and Tao!"

Sinuntok ko siya... slight lang naman >.<

"Chanyeol!!" biglang sigaw ni Tao.

"Wait lang cuz! andyan na date mo eh!"

Tumakbo siya palabas para buksan yung gate. Nag-iisa lang kasi siya dito ngayon, yung mom and dad niya nasa Korea. Naiwan lang sa kanya yung maid nila na kung minsan maid rin namin... tumanda na yun sa kakaalaga samin, pero day off niya daw ngayon eh.

"Etoh na siya!" narinig ko si Chanyeol na pumasok na ng bahay at nakita ko siyang nakaakbay siya kay Tao.

"Uhhmm H-hi!" sambit ni Tao.

"Hi!" nag-wave lang ako sa kanya.

"Ang awkward niyo naman... Tao upo ka dito oh!" Chanyeol broke the silence at pinaupo si Tao sa tabi ko, he cleared the sofa which I was seating.

"Wait lang titignan ko kung nagpop na yung popcorn na inoven ko ha!!"

TAO'S POV

Sinabi kasi ni Chayeol na nandito si Reza eh, kaya pumunta naman ako dito.

"Nagdidate nga pala si Hanna at si Baekhyun noh?" I tried to speak to her.

Since the day I confessed to her that I like her naging awkward na ako sa kanya. At etoh ngayon, nagsisiksik ako sa pinakagilid ng couch.

"Ah oo!.... Uy Tao ang laki ng space oh bakit diyan ka sa corner lika nga dito!" she grabbed my arms and pulled me towards her. I moved too close to her. Binitawan niya yung braso ko, she looked at me and smiled.

Humarap siya sa TV na ang pinapalabas ay 'Crazy Little Thing Called Love', malapit talaga ako sa kanya, yung braso ko nakadikit sa braso niya, yung paa ko nakadikit rin sa paa niya.... basta! malapit talaga!!

WHEN THE KINGS MEET THE QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon