CHAPTER 74♥

15 0 0
                                    

UZZIEL'S POV

"Malaki pala talaga tong bahay niyo para sa dalawang tao....di ba kayo nababagot dito?" puna ko sa bahay nila habang pumapasok kami sa gate.

Malaki siya para sa dalawang tao lang...wala kasi silang maid. May garden pa kaya malaki talaga. Yung mismong bahay malaking-malaki rin, tanaw na tanaw ko pa yung malawak na terrace nito.

"Psh...sa future mapupuno rin to...ng sariling pamilya namin ni Kuya. Wag kang mag-alala...palagi naman akong wala dito eh!" sagot niya.

"Ha? eh paano si Kuya mo? edi siya nalang yung naiwan dito...mas malala pa yun! nag-iisa nalang siya dito!" totoo naman diba? iniiwan niya yung kuya niya...naku!

"Araw-araw iba't-ibang babae yung kasama niya dito sa bahay...di pa ba sapat yun para maaliw siya?" anong pinagsasabi nitong lalaking to?

"Luhan...what do you mean?" tanong ko...I don't get him. Diba wala nga silang maid, eh bakit iba't-ibang babae yung kasama nung kuya niya?

"Pansariling kasayahan Uzz....sa english...personal pleasure! Nasanay na rin ako kaya pinapabayaan ko nalang siya. Ang importante inaalagaan niya ako" mabuti rin naman pala yung kuya niya kahit chickboy. Sigurado ako na sa ganyang ugali di talaga sila click ni Luhan.

"O pasok na!" sabi niya. Sa ganun kahaba naming usapan ngayon palang kami nakarating sa pintuan ng mismong bahay nila.

Pagpasok mo palang, maaamoy mo na yung lavender scent. Yung sala nila may isang malaking sofa at dalawang maliit sa gilid at nakaharap sa 32 inch Panorama TV nila. May makikita ka ring parang overview mula sa taas ng kanilang sala na pwedeng makasilip kung sino ang mula sa taas. Napakaganda ng bahay nila...lalo na't spacious siya, wala masyadong appliances or furnitures. Napakatahimik nga lang.

"Lu....what is this?" kinuha ko yung picture na nakalagay sa center table nila. It was a family picture na scratched na.

"Ah....si Kuya......tinopak nanaman kasi eh. It's our family picture, everytime na makakita si kuya ng family picture namin....sinisira niya" kwento niya. It must have been hard for them na mamahala ng buhay nila na wala yung mom or dad nila. Ako nga si mama pa yung nagluluto para sakin.

"Ah...." binalik ko yung picture at patuloy na naglibot sa sala nila.

"Sandali lang....tatawagin ko lang si kuya....." paalam niya sakin at agad naman akong tumango.

.........

"Uzz....this is my kuya....."

Si........L.....?????

TAO'S POV

"Seryoso pre? may 4 na buwan nalang at nandito na rin naman yung pinsan niya para samahan siya sa condo niya ah?" tanong sakin ni Sehun.

"Eh ano?....pre....para na rin sa future namin! magagamit naman niya to eh!" sagot ko sa kanya.

May binabalak kasi akong sorpresa kay Reza....kaya lang di ko rin pwedeng sabihin sa inyo eh.

"Ewan ko sayo....sabi sakin ni Marica nag-aalburuto na yun sa galit...lalo na't ino-off mo pa yung phone mo!" sabi sakin ni Sehun.

"Basta sabihin mo nalang na hindi mo rin ako nakita....ikaw nalang ang unang humanap sakin pagnakita mo siya para di halata!" utos ko naman. Excited lang talaga ako....

REZA'S POV

"Kaya nga eh! siszy nabbwisit na ako....sana nandito ka para ikaw yung bumogbog sa kanya!" sigaw ko kay Hanna. Nakikipagchat nanaman ako sa kanya, before siya matulog.

"Humanda lang siya pag-uwi ko....oh eh kumusta yung iba? bakit wala sila?? si......"

Kahit kailan talaga madaling ispellingin tong pinsan ko.

WHEN THE KINGS MEET THE QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon