CHAPTER 64♥

30 1 0
                                    

HANNA'S POV

The next day we woke up at 4 in the morning para mag impake. 7 am yung flight namin. Wala ni isa sa mga kaibigan namin ang nakakaalam sa sitwasyon namin ngayon, kahit si Chanyeol na nanggaling na sa bahay namin kahapon wala ring alam.

"Han? handa ka na ba?" mom directly went in to my room, without knocking at my door.

"Y-yes mom....." I stood. I pulled my red big luggage and grabbed my red vintage briefcase.

Mahirap rin palang iwanan ang lugar kung saan ko nakilala yung sarili ko. Mahirap iwanan yung mga taong nakasanayan ko nang kasama araw-araw. If only this illness was just a dream. Mahirap rin isipin na kung saan nadevelop pa ako sa isang tao, doon naman ako aalis sa tabi niya....dun ko siya iiwanan sa panahong kompirmado na ang nararamdaman ko sa kanya.

I'm sorry Baekhyun. If only I didn't denied since then that I liked you, we would have had much more time together as a couple. Sorry kung nalate tong pagkadiscover ko na nagugustuhan kita, edi sana nakapag-bonding pa tayo. Mahirap sabihin na mahal kita kasi sa totoo lang hindi ko pa naranasang magmahal eh. Pero pasensya na kung sa oras na sana masaya tayo, dun pa ako lilisan ha. Sana maintindihan mo. Gusto ko pang manatili sa mundong ito, mabuhay ng matagal, at mabuhay na kasama ka...ngayon at habang buhay. Pero papaano kung sasagabal ang sakit ko. Alam ko namang maiintindihan mo ako.

Linagay ko yung letter sa couch. Baka sakaling pumunta dito si Chanyeol....kung makita niya man, maibigay niya sana kay Baekhyun. Am I tearing up? siguro nga naluluha ako. Mamimiss ko sina Marica, Hope tsaka Uzziel. Yung mga makukulit na EXO members na napalapit na rin sakin.

Akala ko habang buhay ko na sulang kamumuhian, pero mali pala ako.

Sa buhay...hindi mo masasabing mali ang isang bagay o pangit ang isang tao hangga't hindi mo pa ito lubos na nakikilala. Katulad ng EXO, mabubuti rin pala sila, brotherly, caring, masaya kasama....komportable na ako sa kanila. Kung may mahaba pa siguro akong oras para puntahan sila isa-isa...gagawin ko para magpasalamat sa kanila sa mga ginawa nila para samin....sakin!

REZA'S POV

To: Chanyeol

Cuz...aalis kami. Papuntang Paris. Ayaw naming umiyak sa harapan ng FS at EXO kaya...kung pwede ikaw nalang mag-goodbye para samin. Thank you cuz! kahit na palagi mo akong sinestress, cool ka talaga.

Naiiyak ako kaya ayaw ko munang lumabas ng kwarto. Mababaw kasi talaga yung luha ko. Kinuha ko na yung malaking pink na maleta ko at nag-ready na para lumabas.

Marica.Uzziel.Hope.Tao.Chanyeol.Sehun.Kai.D.o.Suho.Baekhyun.Kris.Luhan.Chen.Lay.Xiumin....salamat sa inyo. Pinaramdam niyo ang kahalagahan ng pagkakaibigan. Tinuring niyo ang pagkakaibigan natin na parang isang pamilya.

Tao.....sorry kung hindi ko na naman matutupad yung pangako ko sayo.

Lumabas na ako sa kwarto at nakita si Hanna na tulalang nakaupo aa couch. I guess she's not happy also. She just answered Baek, then this happened.

"Girls! tara na its 6 am na....we have to be there na!" si daddy ni Hanna.

HANNA'S POV

Dalawa kami ni Reza yung nakaupo sa passenger's seat sa likod, while mom and dad were on the front seat. Malapit na kami sa airport. Hindi ko na talaga kaya tong nararamdaman ko. Anytime now...my heart could burst. Baka mag aparisyon pa ako dito.

Naka-check in na kami sa desired gate ng ticket namin.

REZA'S POV

Si Hanna lang naman yung ipapagamot diba? Mabubuhay naman ako ng wala sila diba?

WHEN THE KINGS MEET THE QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon