CHAPTER 53♡

39 1 0
                                    

A/N: Birthday ni Tao babes kyaaahh!! kaya special UD to!! 생일축하해타오오빠!!! XOXO!

BAEKHYUN'S POV

"Nandun na siguro sila!" si Lay. Nauna kasi yung mga girls. Malapit na rin naman kasi kami. Nagstop lang kami sa isang karinderya.

"Tao saan na tayo?" tanong ni Sehun.

"In 20 minutes andun na tayo!" ang layo pa nun! AISH nakaka bagot dito sa sasakyan, lalo na dahil wala dito si Hanna... wala akong distraction.

KRIS' POV

Nakarating na nga kami dun. We unloaded the things at our car at pumunta na sa hotel namin. Everyone was looking at us, not only because we're EXO. Dahil rin ito sa exposed muscles namin, dahin sa naka-sando lang kami. Lahat ng babae naka-smile samin.

"Excuse me miss, nagpareserve po kami ng 6 rooms dito" tanong ko sa babae na nasa front desk ng hotel.

"Mr. Wu?" kilala niya ako dahil palagi kaming nandito ng pamilya ko.

"Yes. What room numbers are we in?" nainip na ako, baka marami pa kasing tanong.

"Rooms 121, 122, 123, 124, 125, 126 po sir. Here are your keys" inabot niya sakin yung mga susi. Binigay ko ito kay Suho para pwede niya nang mabigay sa mga room owners.

"Saan na nga pala sila?" kanina pa si Luhan nagtatanong kung saan na yung Five Stars.

Ang alam ko andito na sila, pero di pa sila naka-check in dahil sakin naman nakapangalan yung reservation.

"Baka kumain!" si Xiumin.

"Ang mabuti pa ilagay na muna natin tong mga dala natin para mas madali natin silang mahanap" suggestion ni Lay.

TAO'S POV

Kanina ko pa kasi tinatawagan si Reza, pero unattended yung phone niya.

Lumabas na kami para hanapin yung Five Stars. Wala rin naman sila sa restaurants na nadadaanan namin, tinitext at tinatawagan rin sila naming lahat pero walang sumasagot.

"Baka nagswimming na yung mga yun!?" baka tama nga si Kai.

Pumunta kami dun sa beach....boom! andun nga sila. At nagpapapicture. Nakabihis na sila, at parehos pa talaga silang nag see-through outer garment. Yung panloob ni Reza, Uzziel at Marica parang one piece na swimsuit. Si Hope naman at si Hanna siguro naka 2 piece sila. Lahat sila naka-shorts.

"Ayun lang naman pala sila eh!" tinuro ni Sehun yung direksyon kung saan sila nagpapapicture.

Halos lahat rin ng lalaki nakatingin sa kanila. At nakakainis yun! ilang beses ko naman bang sinabihan si Reza na wag magsuot ng damit na nakikita yung katawan niya kapag wala ako. Nung una crop top lang yun, ngayon naka see-through na talaga siya.

Linapitan namin silang lima.

"Andito na pala kayo eh! we're freaking exhausted!" pagreklamo ni Hanna.

"Saan na ba mga dala niyo? kami na ang magdadala punta muna tayo sa hotel!" gentleman talaga si Lay.

"Tara! nandun sa sasakyan!" agad namang hinila ni Marica si Lay.

"Alam mo bang pinagtitinginan l na nila. Hintayin mo muna ako bago l magsuot ng ganyan!" pagsaway ko kay Reza na naka-ismid sa tabi ko.

"Let them look! ikaw conservative mo talaga!" she pinched my nose.

"Paano ako hindi magiging conservative? eh halos matunaw ka na sa kakatingin nila oh!" pinagtuturo ko yung mga lalaking nakatingin sa Five Stars kanina lang pero nagtago ng dumating kami.

WHEN THE KINGS MEET THE QUEENSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon