Matapos ang isang madramang pag-uusap na may kasamang pagyakapan at paghalik niya sa ay siyempre ay pagkain naming dalawa ng aking dalang cake ay umalis na din siya agad dahil pumasok ang kanyang secretary na si Ate Nic dahil daw siya ay may meeting pa para sa isang company offer.
Hindi din naman ako nag tagal sa kwarto ni daddy dahil ako'y sobrang nabobored na ng lubusan. Tinext ko na lang din si daddy na ako'y mauuna. Sinabi niya kasi saking hinatayin ko siya para daw may makausap siya sa kwarto niya pagkatapos ng kaniyang meeting. Pero kailangan ko na talang umalis dahil baka ako'y magkalat dito sa kanyang kwarto dahil sa pagkakabored ko. Maiintidihan niya naman iyon, dati ko pa itong ginagawa tuwing may meeting siya at sasabihan akong hintayin siya.
Saan na kaya ako pupunta? Tinext ko na din pala ang mga kaibigan ko kung pwede silang gumala kasama ko, pero gaya ng sinabi ko kanina, mga busy sila kasama ang kanilang pamilya at mga kasintahan. Uuwi na lang ako. Wala na naman akong pupuntahan pa. Matutulog na lang ako para madagdagan ang aking height. Para pwede akong maging Miss Universe sa susunod na mga taon. Ang feeler ko lang, parang kasing feeler ng author ng story na ito. :3 Joke lamang author, pero totoo naman po iyon, hindi ba? Agree ka naman ata eh. HAHAHAHA.
"Bye Ces ..." bati sakin ni kuyang guard. Nakalimutan ko yung pangalan niya eh. Bago kasi siyang guard. Medyo close kami pero hindi ko natandaan pangalan niya. Hindi kasi ako madaling maka-alala ng mga bagay o mga pangalan ng isang tao o hayop kapag hindi naman siya gaanong ka-importante sakin. Hindi ko naman sinasabi na isang hindi importanteng tao itong si manong guard para sa akin, pero parang papunta na rin dun. XD
Napapansin ko sarili ko na palagi na akong nag jojoke at tumatawa kapag ako'y nagkwekwento. Dahil ba ito na unti-unti na akong nakaka move-on, na dahil medyo tanggap ko na ang nagyari o dahil baliw lang talaga ang author ng storyang ito? Kahit saan pa diyan, ayos lang. XD
Nginitian ko lang si manong guard bilang tanda nang pag respeto sakanya. Kailangan din irespeto nuh, dahil karespe-respeto naman talaga siya. :)
Pumara na ako ng taxi ng marating ko ang parang highway. Sumakay agad ako ng may humintong taxi sa harapan ko. Alangan naman tignan ko lang diba? XD Sinabi ko agad sa driver kung saang subdivision ako baba at umabot ng 500 pesos. Kung kulang yung bayad ko, edi dadagdagan ko na lang. Medyo marami akong pera ngayon kasi kumuha ako ng pera sa walltet na nasa drawer ni daddy ng hindi niya alam. XD Wag kayong mag alala, sasabihin ko din naman mamaya sakanya pag nakauwi na siya. Hindi ako nagnanakaw, kumukupit lang. XD Sa mga bata diyan, wag niyo po akong tuluran dahil ako po ay sadyang baliw lang ng konti. Nagiging baliw na ako sa sobrang pagka broken XD
Hindi naman tumagal ay nakarating na ako dito sa bahay namin. Yung binayad ko ay hindi po kulang, sobra pa nga ng 21 pesos kaya hindi ko na lamang kunuha ang sukli. Mapagbigay po ako sa aking kapwa. :)
Dahil ako'y nag-iisa lang dito sa bahay at plano ko ngang matulog ay nagpalit na agad ako at kinuha ang akong iPod para makinig ng music. Nagpatugtug lang ako hanggang sa maka tulog na ako.
Pagkagising ko ay nandito na si mommy at ang aking napakagwapong bunsong kapatid. Totoo po na gwapo ang aking bunsong kapatid dahil kung pangit siya edi pangit din ako. HINDI AKO MAKAKAPAYAD DIYAN. :P Yung sinabi ko nung last na pangit ako? Joke lang yun, nadala lang ako sa sobrang pagka-broken ko that time. Alamna. Hindi ko alam ang mga sinasabi ko nung panahon na iyon kaya hindi ko sinasadyang laitin ang kaing sarili kahit hindi naman ka lait-lait ang aking sarili.
Pinuntahan ko ang aking bunsong kapatid na si Andre Tyler Yee. Ang cool ng pangalan niya nuh? Pero mas cool ang akin. BLISS FRANCESYLER YEE. Pronounce ay FRANCES-SAYLER. Ohdiba? Sobrang cool. Tapos ang pangalan naman ng aking nakakatandang kapatid ay Davysyler (DEYVI-SAYLER) Light Yee. Kung hindi niyo pala alam, may lahing Chinese kami. Chinese si dad, one half nga lang. Si mommy naman ay may one half spanish blood. So siyempre ang kinalabasan ng mga blood na iyon ay mga napakagandang mga binibini at napaka matipunong ginoo. Lalim -.-
Balik nga tayo, pinuntahan ko ang aking kapatid na si Andre dito sa kusina. Dito kami laging nag bobonding na dalawa. Paglamun o paglapang ng pagkain ang aming boding nadalawa. Dito kami nagkakasundo. Kahit na anong pagkain pa yan, ay kakainin naman. Siyempre, wag lang yung mga panis at uhm mga pangit ang lasa. Ayaw na ayaw namin yan, siyempre diba? Sino ang kakain ng panis at pangit na lasa ng pagkain? -.-
Pagdating ko sa kusina ay kumakain sa Andre ng isang pancake. Hindi pala isa, madaming pancakes. Sigurado akong luto niya ito. Magaling kasi siyang magluto. Ako? Hindi. -.- Huwehuwe. Eh mas masarap kasing kumain kaysa sa magluto eh. Pag kumain ka hindi ka mapapagod pag nagluto ka pa, may pagkakataon pa na masaktan ka dahil sa pagtalsik ng mga kung ano-anong bagay na nasa luto mo. Ohdiba?
Inagaw ko agad ang kanyang plato na may malang pancakesssssssssssss.
"Ano ba Blisssssssssssssssssss!" Sigaw niya. HAHAHAHA. Ang sarap talagang asarin nito. Pero mas naiinis akong tinawag niya akong Bliss. -.- Hindi ko alam kung bakit ayaw kong tinatawag akong Bliss ng mga tao sa paligid ko. Parang kasing ang pangit. -.- Grrrr.
"Andre! Matuto ka ngang mag respeto sa ate mo. Call her ate dahil mas matanda siya sayo. At ano ang sinisigaw mo diyan? Marami pa namang pancakes na nasa kabilang plato." pagsasabi sakanya ni mommy. Parang baliktad nu? Dapat ang mas matanda ang pagalitan diba? Pero hindi kasi ganyan sina mommy at daddy sa amin eh. Kung sino yung may kasalanan siya ang papagalitan. "At ikaw Francesyler ka! Wag ka ngang mang agaw ng pagkain ng may pagkain. Hindi yan sa'yo. Kung gusto mong kumain aba, dapat magluto ka ng sarili mo. O di kaya ay humingi ka ng pahintulot na ikaw ay kukuha ng kinakain ng may-ari." Sabi sa inyo eh. Hindi kasi sila bias.
(A/N Talk about bias, iniisip ko ang aking bias na si Luhan ng EXO <3 hahaha. Wala lang. Pinapaalam ko lang XD)
"Naiintindihan niyo ba akong dalawa?" tanong ni mommy. Sabay naman kaming tumango ni Andre. Naglakad na si mommy palabas ng kusina at sabay kaming nagkatinginan ni Andre at sabay din kaming nag belat sa isa't isa.
"Be ready kayo, may pupuntahan tayo bukas since its Family day bukas? Okay? At ikaw Francesyler, maghanda ka dahil may papakilala kami ng daddy mo para sa pag momove-on." pahabol pa ni mommy at nag wink pa. Oh come on, may papakilala na naman sila sakin. -.- Lahat ng pinapakilala nila sakin puro gwapo, mayayaman at mababait. Pero, PALPAK. Hindi ko kasi mga type. Walang kuryente na dumadaloy sa katawan ko kahit na anong gwapo pa nila. Hindi ako kinikilig. Hindi ko alam kung bakit. Hayyyy. New boy. :3
--
Chapter 4 na tayo guys! Yay! Yay! HAHAHAHA. Salamat po sa lahat ng nagbabasa ng story ko. :) Salamat po talaga ng marami sa lahat ng nag fofollow sakin kahit konti pa lamang kayo. :3 Huwehuwe. XD Try niyo po palang basahin ang YUNG FEELING NAAAAAAA ~. Hindi po siya story, tungkol po ito sa mga experiences ng mga teenagers ngayon. :) Try niyo po ha? Salamat! Salamat! Salamat po talaga. :) Huwehuwe. :) Thank you din pala sa lahat ng nag vovote ng each chapters ko, lalong-lalo na si BunnyyyRabbit. :) Follow me, and I'll follow you back guys. ^^
Ciao ~ Harthart ~
BINABASA MO ANG
Status: Its Complicated.
Teen FictionStatus? [ ] Single. [ ] In a Relationship with him. [ / ] In a Relationship with FOOD. [ / ] Its Complicated. </3