Chapter 8 <3

39 1 2
                                    

Hindi po broken heart kasi POV po ito ni Drakeeeey. Drakeeey sa side. Siya yan nung gabing nasa party sila ni Bliss. :)) Wala nga lang si Bliss diyan. XD

--

DRAKE'S Pov

Enebenemenyen. Mukhang nainis naman lalo si Bliss ng dahil sa shunga hagdan na 'to. Bakit ba kasi mag hagdan dito. Kung sana walang hagdan dito edi sana hindi cia nainis lalo sakin. Ang shunga talaga ng hagdan! Oo! Ang hagdan talaga yung shunga!

Oy! May secret akong sasabihin ahhh? Pero secret lang natin dapat ito ha? Crush ko kasi si Bliss. Kaso nga lang DATI pa yun. Nung mga babies pa kami. Nung mga 6-8 years old pa lang kami. Hindi na ata ako namumukhaan ni Bliss ehh. Well, si tita naman -- yung mommy ni Bliss -- ay nakikilala pa din naman ako kasi nga pagkaibigan sila nila mommy at daddy. 

Pero dati pa yun. Past is past ika nga.

Sobrang swerte ko rin kagabi sa party dahil nga nung mga panahon ng nagtatago ako dahil sa kakahabol sakin ng 'stalker' ko. 

Si Aira, yun yung stalker ko. Aira de Guzman. Maganda naman, kaso ayaw ko lang talaga sa mga babaeng clingy eh. Maka tingin sakin parang hinuhubadan na ako. Maka sunod sakin parang buntot ko siya. Kung maka lapit parang magnet ako at metal siya. Yung mga ganun. Ayaw na ayaw ko talaga sa mga ganun.

Hindi na nga ako nagulat na nandun si Aira sa party kagabi. Mayaman naman kasi yung family nila, like us. HA HA HA. Hindi naman sa pagmamayabang. Pero, parang nagmamayabang na din ako. HA HA HA.

Nung nakita ko si Aira na malayo pa lang ay alam kong papunta na agad siya sa akin. Agad naman akong nakipag siksikan sa mataong part ng venue. Iniiwasan ko talaga kasi siya. Ayaw na ayaw ko talaga sa kanya. Alam kong ang sama ng ginagawa kong pag iwas sa kanya. Pero mas masama naman atang paasahin ko siya diba? Yung way na parang pinaplastik ko lang siya? Ayaw kong gawin sakanya yun.

Nasa moment ako ng pagsisiksik sa mga tao ng may makita akong babae na nasa dulong part kung saan medyo madilim. Siya lang mag-isa. Umiinom ng iced tea.

Nilapitan ko naman ito. Sa unang tingin ko pa lang sakanya parang kilala ko na talaga siya pero parang hindi. Ang gulo nga eh.

Pero dahil wala nga akong choice ay hinatak ko na lang ito at isinayaw. Okay lang kahit nagkamali ako nung time na yun. Yung kahit hindi ako tama na si Bliss yung nakasayaw ko. Okay na okay lang yun, atleast naiwasan ko namang makasama si Aira.

Pinagmasdan ko naman ng mabuti ang mukha ni Bliss nung time na yun. At hindi naman ako nagkakamali na siya talaga iyon dahil hindi naman nag tagal at tinawag siya ng mommy niya.

Iniwan niya lang ako sa dance floor eh. Pero hinayaan ko na lang. 

Sa ngayon, sinamahan ko dito si Bliss sa bahay nila dahil sinabi sakin ni tita na baka ako daw ang makakatulong sakanya na limutin yung ex niya. Well, wala naman akong girlfriend kaya ayos lang din naman.

Pero feeling ko talaga ayaw na ayaw ni Bliss sakin ngayon. Nakita -- ibig kong sabihin ay nasaba niyo na -- yung ugaling ipinakita niya sa akin. Hindi naman kami ganun nung mga bata pa kami. Pero ayos lang naman iyon sa akin. Matagal na kasi yun ehh. Almost 10 years na din.

Sana mabalik namin yung dating pagsasama namin. 

Ano ba yan. Parang naging kami aah -.-

Ibig kong sabihin eh yung pagkakaibigan namin. Ano ba kayo!

--

Please read I'M DATING THE CAMPUS KING. :)) Nasa external link. Yeeey. Thanks. :)) 

Sino po gusto magpa dedicate? :)) 

#LastWeekForSchoolYear #HoooorayForToday

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Status: Its Complicated.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon