Kasama ko ngayon yung lalaking nakasayaw ko kagabi ng nasa party kami. Nakasayaw ko 'tong lalaking 'to dahil ipinilit niya ako at pinaghahatak pa niya ako dahil daw may tinataguan siyang isang stalker niya.
Wala naman pala talagang may ipapakilala sakin si mommy. Gusto niya daw ako ang pumili ng lalaking gusto ko. Ayaw niyang ipilit sakin ang gusto niya. Malaki na din naman ako, malaki na sa lagay niya ang 15 years old, kaya ako na ang pinapili niya. Ang nangyari kahapon ay kung sino ang makita niyang lalaki na kakilala niya ay pinapakilala niya agad sa akin. Pero kahit ni isa wala akong na pili. Or should I say, wala tala akong planong mamili kahit na ano pa sila kagwapo at mga mayayaman, yes mga mayayaman ang lahat ng nasa party. Yung mga guest kasi lahat ay may mga pangmamay-aring company. Kagabi ko na nga lang ulit na realize na sobrang yaman pala ng mga magulang ko kahit na may mga 20% shares kang kami sa iba't ibang companies. Swerte ko naman dahil naging anak ako nila.
"Bliss ..." tawag sakin ng asungot na katabi ko. Drake Laurence pala ang pangalan niya. (A/N Drake Laurence sa side. Aigoooo~ Kriseeeeey. HAHAHAHA. So hawt *O*)
"Bliss" Tawag niya ulit sakin.
"Ano bang Laurencio ka! Sabing wag mo kong tawaging Bliss diba? Pumayas na nga akong makasama ka ngayon araw dahil sabi sakin ni mommy. Kahit na naiinis na ako sa kakulitan mo. Ba't ka ba kasi nandito, ha?" reklamo ko sakanya. The nerve! Naiinis na ko.
"Ehhhh naman ehhh ... Wag mo naman akong sigawan," nag pout pa siya. Ang yuck lang. =.= "Inutasan lang naman ako ni tita, which is mommy na bantayan ka. Baka kasi mag suicide ka na dahil sa pagka broken hearted mo dahil ng boyfriend mo, I mean yung ex-boyfriend mo." Binigyan ko siya ng death glare. Bakit naman iisipin ni mommy na magpapakamatay ako dahil lang dun? I'm not out of my mind for doing that. (A/N English yun! Tulo dugo galing sa ilong. **plit plit**)
"Tyaka isa pa pala, wag mo nga akong tawaging Laurencio," dagdag pa niya. "Laurence is my surname. Don't call me Laurencio, understand that?"
"So gay." I murmur.
"What?" tanong pa niya. Hindi ko na lang siya sinagot at umakyat na ng kwarto ko. Tss. Opo mga tao o people, nasa bahay kaming DALAWA. Dalawa lang kami dito. Ou. Dalawa lang talaga kami. Inuulit ko, dalawa lang kami. Grabe yung mga maids namin, ang raming day off ngayon. Psh, -.-
Ang laki din ng tiwala ni mommy para iwan ako dito sa Laurenciong ito. Psh.
Dahil boring dito sa bahay at naiinis din ako at the same time sa kasama ko dito. Gagala na lang ako. Nag GM ako sa mga classmates ko na kung sino pwedeng sumama saking gumala. May nag reply naman. Halos lahat boys ang makakasama ko. Pero no malice naman pag kasama ko ang mga boys eeh. Lahat kasi ng girls sa section namin ay close lahat sa mga boys. Hindi kami nagbibigay ng malisya sa pag kiss sa cheeks or mag akbay-akbay. Tinuturing kasi namin lahat as sisters and borthers. Naiinis nga ako minsan sa mga nagbibigay ng malisya tuwing may kasama akong mga lalaki. -.- Whatever with the capital W para sa kanila.
Naligo ulit ako at nagbihis na. Hinanda ko na din kanina ang sling bag ko. Ready to go ^___^
Pagkabukas ko ng pinto may natumba. Sino pa ba? -.- Edi si Laurencio.
Sumandal kasi siya sa pinto ko. Akala niya ata hindi na ako lalabas ng kwarto ko habang buhay. Hindi niya naman ba naiisip na baka bumakas ang pinto at lumabas ako para sa dun siya sumandal.
Nagkatinginan kami ng medyo matagal.
Gwapo pala ang lalaking ito. Shunga nga lang. May saltik sa utak eh. Kaka irita.
"San ka pupunta?" Tanong niya sakin. Hindi ko sinagot ang tanong niya at iniripan ko na lang siya at nagsimula ng maglakad papuntang hagdan. "Hoy! Bliss! Sagutin mo naman tanong ko." Pasigaw niyang sabi. Nandito na kasi ako sa hagdan eh. Medyo malayo kasi yung kwarto ko sa may hagdan.
Naramdaman kong may humablot ng kaliwang braso ko. Liningun ko si Laurencio. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Muntikan ko na siyang mahalikan. Jusko. -.- Kaka-eww naman nun.
Agad akong napa-atras dahil sa nandidiri ako pag lumalapit siya. OA na kung OA. Basta naiinis ako sakanya kaya iniiwasan ko ang paglapit niya sa akin.
Humakbang ako patalikod ng isang step. Muntik na akong madulas. Mabuti na lang nakakapit ako sa braso ni Laurencio. Kahit ayaw ko mang kumapit. Wala maskel -.- Ok. Ambad ko na. Kung wala siya malamang sa alamang ay nahulog na ako. Pero may kasalanan din pala siya! Kung hindi niya ako hinatak edi sana hindi ako lilingun sakanya at sana hindi na ako humakbang ng isang step patalikod! Tsk. May kasalanan pa rin talaga siya. Ang malas.
Ang akala ko hindi na ako malalaglag dahil nakakapit na ako sakanya. Pero dahil nga ang malas niya ay natipalok siya sa kanang paa ko.
Oh no!
No!
No!
Nahulog kaming dalawa sa hagdan.
ARAY KO NAMAN! NABWIBWISIT NA TALAGA AKO!
Akala ko talaga ligtas na ako. Nadaganan pa ako nitong malaking taong ito.
Buti na lang may dalawang part itong hagdan na 'to. Yung parang sa gitna may malaking part? Yung mas malaki sa normal na width ng aapakan. Basta ganun yun. Di niyo ba gets? Ako din eh. Ah basta.
Tinulak ko 'tong kumag na nakadagan sakin. Ambigat-bigat. Grabe.
Tumayo na ako at nagpagpag. Nagpatuloy na akong bumaba ng hagdan at dire-diretsong lumakad papuntang pinto. Naririnig kong tinatawag ako ng kumag na si Laurencio. Pero wala akong care. Tss. Kailangan ko ng umalis. Di ko na talaga kayang makasama siya.
--
Sorry ngayon lang. ^^V
Ciao ~ Harthart ~ Take care sa lahat ~
BINABASA MO ANG
Status: Its Complicated.
Teen FictionStatus? [ ] Single. [ ] In a Relationship with him. [ / ] In a Relationship with FOOD. [ / ] Its Complicated. </3