Alam ko pong naguguluhan kayo kung ano ang totoong pangalan ng bidang babae dito. Pero nililinaw ko lang po ang aking kashungan na nagawa. Ang kanyang totoong pangalan po ay BLISS FRANCESYLER YEE talaga. :) Salamat. Salamat. Naedit ko na din ang nasa chapter 1 kaya ayos na. Hihihi. Pasensya na talaga dahil ako po ay naka shabu nung nag update ako last time XD Kaya nakalimutan ko kung anong pangalan nang bidang babae sa story ko. Sinasabi ko naman kasi sa inyo, weather-weather ang aking pag-update. Sooooo. Enjoy for this chapter. Thank you. :*
Sino po pala ang pwedeng gumawa nang story cover nang story na 'to? Pm me po. :) Hindi po kasi akong magaling mag-edit XD Tyaka yung characters pala, sa susunod ko na lang ilalagay. Tamad pa ko eh, lam niyo na. HAHAHA. Dakila akong tamad eh. XD
Ang chapter na ito ay POV ni Karlo :) Inspired ito sa kantang LET HER GO by Passenger. Hindi po ako marunong mag update na inspired sa isang song. Sana kahit lame ang update na ito ay basahin niyo pa rin. :)
Please, VOTE or COMMENT or SHARE. :) Thank you. :*
--
Karlo's POV
Una sa lahat, ako si Karlo Drei Monteverde. Siguro nagagalit kayo sa akin dahil niloko ko si Bliss o Frances. Una, hindi ko naman siya niloko. Sadyang nagmahal lang ako nang isang babae. At yun nga ang kanyang kaibigan na si Kate. Siguro sinasabi niyong napakasama kong lalaki. Pero, yun lang ang paraan para magkalapit ulit kaming dalawa ni Kate. Wala na akong ibang maisip na paraan para magkalapit kami. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang hindi ko siya nakikita. Hindi ko kayang mapalayo sakanya. Gagawin ko lahat para maging maayos ulit kami, kahit na may masaktan akong ibang tao, pero siyempre hindi ko naman sinasadya yun. Alam niyo naman siguro na lahat nang tao nagpapakabaliw dahil sa pagmamahal diba? Pero dahil sa pagmamahal na ito ay may nasaktan akong isang tao. Minahal ko din naman si Bliss, pero sadyang MAS mahal ko lang talaga si Kate.
♫ Well you only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go ♫
Sa simula't sapol, alam ko namang kasalan ko kung bakit kami naghiwalay ni Kate. Nagtaksil kasi ako dati, nung hindi pa kami ni Bliss. Pero nadala lang talaga ako, lalaki din naman kasi ako. Hindi ko yun sinasadya. Kaya ayun, nakipaghiwalay siya sa akin nang nalaman niyang nagtaksil ako sakanya. Wala akong maisip na gawin kung paano ko makukuha ulit si Kate. Mahal ko talaga siya, nalaman ko lang iyun nang hindi na kami. Nagdadalawang isip kasi ako nung panahon na napapalapit ako sa babaeng umakit sakin, si Andrea. Hindi ako nagmamayaban, pero ang alam ko talaga ay naakit ako. Akala ko mahal ko si Andrea, yun pala ay crush lang. :(
♫ Only know you've been high when you're feeling low
Only hate the road when you're missin' home
Only know you love her when you let her go
And you let her go ♫
Hindi alam ni Bliss na naging kami ng bestfriend niyang si Kate dahil patago ang aming relasyong dalawa. Dahil ayaw nang mga magulang ni Kate na boyfriend siya dahil sagabal daw ito sa pag-aaral niya. Kaya hindi namin ipinaalam sa kahit na kanino, pati sa aming mga kaibigan.
♫ Staring at the bottom of your glass
Hoping one day you'll make a dream last
But dreams come slow and they go so fast ♫
Pangarap ko dati ang maging kami ni Kate. Simula bata pa kami crush ko na siya, hindi pala, mahal ko na siya. Kahit na hindi ako napapansin dati ni Kate nang mga bata pa kami ay stalker niya na talaga ako. Gusto ko sanang maging maayos na kaming dalawa. Pero sabi nga niya hinding-hindi na iyon mangyayari dahil ayaw niyang saktan si Bliss. Sa isip ko naman, kahit na anong gawin namin, nasaktan na siya. Bakit hindi pa pwedeng maging kami ulit? :( Masama na ako kung masama. Yun ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Status: Its Complicated.
Teen FictionStatus? [ ] Single. [ ] In a Relationship with him. [ / ] In a Relationship with FOOD. [ / ] Its Complicated. </3