Ikatlo

6 1 0
                                    

Sumusuko ang mata sa pagluha.
Bumibitiw ang kamay na ngalay.
Ngunit kailanma'y ang pusong nagmamahal ay hinding-hindi mapapagod.
~••~•~••~•~••~

To my wife,

"Neil, send her an e-mail."

Iyon ang mga salitang binitawan ni Mark sa akin. Nagulat ako. Biglaan kasi ang pagsasuggest niya. At gusto niya ay gawin ko iyon agad. Kahit na "away" na naman ang status na sumalubong sa akin, tumipa pa din ako sa keyboard at nage-mail sa'yo.

Stella, nakikiusap ako sa iyo. Bumalik ka na sa akin. Balik na kayo ni baby sa akin. Hindi ko kakayanin na wala kayo sa tabi ko. Alam ko na mahirap ibigay ang kapatawaran ngunit handa akong maghintay gaano man katagal. Stella, kahit hindi mo ako paniwalaan, ayos lamang, basta bumalik kayo o kaya ay hayaan mo akong puntahan ka.

Hindi ako magsasawang kumbinsihin ka. Hindi rin ako magsasawang ipaalala sa iyo na mahal na mahal na mahal kita at ikaw na ngayon ang buhay ko. At kung mawawala ka, para na lamang akong zombie, a living dead.

Stella, I already know what you are going through. Please, let me be with you. Hayaan mo akong samahan ka sa pagsubok na ito. Hindi ba at ito ang ating pinagsumpaan? For better or for worse. Please, my wife, let me help you. Let me be with you. I cannot live like this. I cannot be by myself. I love you so much that being not with you and our child will be the death of me.

Para Sa Akin (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon