The Most Painful Battle

9 1 0
                                    

One month has passed.

One month has passed since the day I already found my wife. Napakaswerte ko dahil pumayag ang mga magulang ko na itigil ang pagaaral ng medisina at puntahan si Stella. Napakaswerte ko din na pinayagan pa ako ng mga magulang ni Stella na makita siya, makasama at makausap. Tinanggap nila ako at pinatuloy sa kanilang bahay ngayon.

May ilang buwan na din ng nagsimula ang monitoring kay Stella ng Cancer Center dito sa bansang tinutuluyan namin sa ngayon. Sa loob ng isang buwan, humanap ako ng trabaho ng sa ganoon ay hindi naman ako cargo de consciencia ng mga magulang ko at ni Camille. Natanggap naman ako sa isang biochem research facility bilang research assisstant. Hindi ito malayo sa bahay na tinutuluyan namin ngayon at umayon naman sila sa hiningi kong schedule. Ipinaliwanag ko na gusto kong magtrabaho kasabay ng pagsama ko kay Stella. Bilang tulong din sa amin ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, naghanda sila ng entertainment program para na din sa iba pang empleyado ngunit pinakapanauhing pandangal si Stella doon.

Napakasaya ko na sa ilang maliliit na bagay ay napapasaya ko ang aking asawa at ang anak naming nasa sinapupunan niya.

Nakikita ko ang pagod at hirap sa mata ni Stella sa kabila ng pagtatago niya nito sa kanyang mga ngiti. Ang tagal niya ng lumalaban para sa bata, sa anak namin at pilit niyang pinabubuti ang kanyang kalusugan.

Araw-araw pilit niyang itinatago ang sakit na pinagdadaanan niya. Ngumingiti siya at namamag-asa. Alam ko na wala ni-isa sa amin ang sumusuko sa kanya, ang kanyang mga magulang, ang mga magulang ko, si Stella at lalong-lalo na ako. Hinding hindi ko susukuan si Stella. I waited decades for this kind of love and happiness and now that I already have it, I will never let this go and fade.

I love her and our baby more than anything in this world. I am willing to trade my life for theirs but I know they wouldn't be happy in that idea.

Hindi ko itinatago kay Stella ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko siyang dumadaing sa sakit niya, sa tuwing sumusuka siya dahil sa sakit niya, ang pagpipigil niyang iluwa lahat ng kinain niya. Nakikita niya akong lumuha. But I always remind her I am not giving up.

"Why are you crying?" She once asked me.

"You know why." I answered but immediately explained well, "not because I'm tired of you. I will never be. It's just that my emotions are too rumbled. Fear of losing the two of you. And happiness and hope because I can forsee that we can survive this challenge. And proud. I am very proud of you my wife for being the strongest woman, wife and mother I know."

Matapos ko sabihin sa kanya iyan ay ngumiti ako kahit na patuloy ang pagluha ko.

"That was something, Neil. Nakakagaan ng pakiramdam. I love you, my husband."

"I love you most, my wife."

Not being able to take that physical pain from her is the most painful battle right now.

Para Sa Akin (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon