Ika-siyam

5 0 0
                                    

Note: if you are reading this already and you read the previous chapter on or before january 15, u might wanna read back. May dinagdag ako dun. Actually, putol yung napaupload, dunno why kaya dinagdagan ko iyon.

~*~*~*~

"Neil..."

Isang mahinang boses ang gumising sa akin sa kalagitnaan ng gabi. Nagulat ako ng makitang namumutla at lamig na lamig ang aking asawa samantalang hindi naman gaano malamig ang panahon.

"Stella, what's happening?"

"Ang lamig."

I rushed into her parents room. As soon as they opened the door, I asked them to prepare a car. Dadalahin namin siya sa ospital, madali namang inayos ni mama niya ang sinabi kong kailangan niya tulad ng hot compress at foot pads. Samantala ay nagmadali naman akong bumalik sa kwarto namin, kinuha ko ang pinakamakapal na trench coat na nakita ko, mga medyas at kung anu-anong pabg damit panglamig.

Binalikan ko siyang agad at binalot ng mga damit na nakuha. Agad ko siyang binuhat patungo sa sasakyan, kasunod ko si mama na dala ang mga kailangan niya. Niyakap ko siya upang dumikit sa kanya ang temperatura ng aking katawan.

"Mama, makikicheck naman kung may lagnat siya."

Dahil nagmamadali kami ay hindi na namin nakuhang magdala ng thermometer kaya't likod ng palad na lamang ang ginamit niya

"She's burning!"

"Pa, ilang minutes pa po papuntang hospital."

"Probably 3-5. Isang block na lang."

Madaling pinatakbo ni Papa ang kotse at bumusina ito upang makalagpas kami. It will be more risky kung maghihintay pa kami ng ambulansya kaya kami na mismo ang nagdala sa kanya sa ospital.

My mind was working but part of it can't take the pain seeing my wife suffering from the damn cancer that has gotten to her. I was crying silently, biting my lips to avoid sobbing. Pinilit kong huwag umiyak ng sobra sa harap ng aking asawa dahil kailangan kong maging malakas para sa kanya, para sa amin, para kay baby.

Nang nakarating kami sa ospital ay agad kaming dinaluhan ng mga naroroon ngunit ang tangi lamang hinayaang pumasok sa ER ay ang aking asawa na nangangatal sa lamig at lagnat.

Take my life, Lord, in exchange for my wife and child's safety. Take me instead.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sa Akin (Dedicated To You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon