Round 2

7 0 0
                                    

Lunch. Nasayang ang 15 minutes ko sa pakikipagtalo sa babaeng black ang panty.

Damn! Bakit 'yun ang naisip ko? It's only 12:15 PM on my very 1st day and yet ang dami ng nangyari.

Maaga pa lang ay may nakita na akong piece of hea---.

Puta! Puta talaga! Ano ba itong naiisip ko?

'Di ko namalayang nasa harap na ako ng pantry. Pagpasok ko pa lang ay bumungad na agad ang maiingay na estudyante. Kumakain habang nagkukwentuhan.

Wala akong makitang bakanteng upuan.

Ahhh! Kung napaaga lang sana ako ng dating siguro ay nakaupo agad ako.

Paalis na sana ako para pumunta ng gymnasium para doon kumain nang biglang may tumawag sa akin.

"KUYA FAUSTINO! Dito ka sa tabi namin!"

Hinanap ko ang tumawag sa akin at napa-face palm ng makita kung sino.

Si Jer.

Nagpanggap akong 'di siya nakita at mabilis na naglakad papuntang gymnasium.

May iilang nagpa-practice ng volley ball pero 'di naman ganoon kaingay kaya doon na lang ako kakain.

****

Hmmm! Ang bango ng lutong adobo ni mama.

Ito ang paboritong ulam ni papa noong nabubuhay pa. Bigla akong napatulala at napatitig sa pagkaing hawak ko.

Muntik na naman ako mapatalon sa gulat ng biglang may sumilbato ng malakas.

"OKAY GIRLS! LINE UP!" Malamang na siya ang coach ng Vball team ng MMU.

Sinimulan ko ng kainin ang baon ko. Pinanood ko na lamang magpractice ang mga player.

"NASAAN SI TOLENTINO?" Malakas na sabi ng coach.

"May inaasikaso lang daw po. Papunta na rin siguro 'yun." Sabi naman ng isang player.

Sino kaya ang Tolentino na 'yun? Masyado naman siyang paimportante at pinaghihintay ang mga kasama niya.

Binilisan ko ng ubusin ang aking baon at baka ma-late na naman ako sa susunod kong subject.

****

Shit! Shit! Shit! Here I go again. 2 minutes na lang at male-late na ako.

Tumakbo na ako kahit medyo masakit pa ang balakang ko. Malapit na ako ng biglang may bumunggo na naman sa akin.

BLAG!

'Yun lang at 'di ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

****

Pagdilat ko ng mata, nakita kong puti lang ang paligid. Kinabahan ako. Akala ko ay patay na ako.

Oo. Alam ko. O.A.

Pero sino ba ang hindi matatakot kung puro puti lang ang makita mo?

"Mabuti at gising ka na. Ok na ba pakiramdam mo?"

Nakita ko sa tagiliran ko ang isang babaeng nakaputi. Pamilyar siya.

BlackWhere stories live. Discover now