The beauty is like a beast.

9 0 0
                                    

"S-sorry." Sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

"Medyo ma-traffic eh." Dagdag ko.

Kahit na ang totoo ay wala namang traffic at 20 minutes lang ang biyahe from my house to Madison Tower.

Nakalimutan ko kasi.

"Sorry? You're 14 minutes late and sorry lang?" Nakatitig niyang sabi. Seryoso.

"Sorry talag-"

"Whatever! Let's go."

Nagitla ako ng bigla siyang lumapit sa akin.

Shit! Masasampal ba ako? Saglit lang naman ako na-late.

Hinawakan niya ang braso ko at hinatak papalabas ng building.

"Saan tayo pupunta?" Halos pabulong kong tanong. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao.

"Can't you just walk and shut your mouth?" Nakatingin na naman siya ng masama. Nakahawak pa din sa braso ko.

"Oo pero gusto ko lang mal--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla siyang lumapit. As in malapit na malapit. Pinitserahan niya kasi ako at hinatak pababa.

What's with this girl?

Nailang ako sa aming posisyon. Para kaming maghahalikan. 'Di ko alam kung saan ako dapat tumingin kaya tiningnan ko na lang siya and I was stunned. Nag-slow mo ang lahat.

Ale, nasa langit na ba ako?

Mama, kayo po ba si San Pedro?

🎼

Oo, kanta ito. Napakanta kasi ako sa isip ko.

In all honesty, ang ganda niya talaga. Walang kolorete ang mukha. Tanging pulbos at lip gloss ang gamit. Rosy cheeks at mapupulang mga labi. Simple yet beautiful.

"Hey! Are you listening? Naintindihan mo ba sinabi ko?"

No.

Hindi ako nakasagot. Nagulat nga ako ng bigla siyang ngumuso at pumikit. Napaatras ako ng kaunti.

Shit! Hahalikan niya ako?! Ang daming tao. Anong gagawin ko??

Sa iilang segundo, ang daming tanong sa isip ko pero walang nasagot isa man doon.

Woooshh.

Ready na sana akong mahalikan kung hindi lang niya ako hinipan.

Oo, hinipan niya ako dahil sa pagkakatitig ko sa kanya. And that's the time na naalis ko ang mga mata ko sa mukha niya.

"Ano ba?" Sabi ko.

"You're not listening kasi." Sabi niya na nakanguso. Nakasimangot pero maganda pa rin.

Damn! Why so pretty? Nangaakit ka ba ha at ganyan ka makatingin?

"I'm listening."

"You're not. Sige nga anong sinabi ko?"

"Sabi mo na......"

BlackWhere stories live. Discover now