The 2 Aces

10 0 0
                                    

Kanina, madami lang ang tao. Ngayon, punung puno na ang gymnasium.

In just 2 hours? Paanong nalaman ng mga estudyante ang game?

THAT GIRL!!

"Since we have the 'captain' of both teams now, let's start!"

WOOOOOHH!!

Naghiyawan ang mga tao.

"From the women's volleyball team! We have jersey number 3, Santos!"

"Jersey number 27, Valdez!"

"Jersey number 5, Cruz!"

"Jersey number 45, Jose!"

"Jersey number 1, Divinaflor!"

"And their ace, jersey number 12, Tolentino!"

Hiyawan ulit ang mga tao. Mas malakas.

Alam ko na kung bakit maraming tao. Sikat pala itong babaeng ito.

"From the men's volleyball team! Jersey num--"

Tiningnan kami ng commentator ng may question mark sa mata.

"Uhm.... The freshmen!"

Nagtawanan ang mga manonood. 'Di ko rin masisisi ang commentator. Puro newbie ang mga kasama ko. Ako naman saling ketket lang.

"GO INO!!!!"

Sigaw ng isang babae sa likod ng commentator's table.

"Oh my G! Look who we have here. The captain of women's v-ball team and the older sister of Sam, Melissa Tolentino!"

Naghiyawan ulit ang mga tao.

What? Dito nagaaral si Issa? And what? Kapatid niya ang masungit na babaeng 'yun?

Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya kilala. Well siya lang naman ang high school crush ko. Pero hindi kami mag-school mate. Nagkataon lang na nagkita at nagkakilala kami sa isang sports festival. We became friends pero nawalan na ako ng balita sa kanya ng matapos ang high school.

****

"OK!!! Nanalo ang girls sa coin toss! Let's start! Tolentino will be serving."

Biglang tumahimik ang lahat.

A jump serve and the ball immediately hit the right corner of the court. A service ace performed by Samantha Tolentino.

Nakatulala lang ako pati ang mga ka-team ko. Lahat kami ay nagulat. Napakabilis ng pangyayari. Hindi namin nasundan ang bola.

What the hell was that?

"There you are! Tolentino's special!" -Commentator

The crowd went wild as they chant Sam's name.

"TO-LEN-TI-NO! TOLENTINO!"

Napako ako sa kinatatayuan ko. Napansin ko na lang na nakatingin siya sa akin na naka ngiti. Nakakalokong ngiti. Para bagang sinasabi na Gulat ka 'no? Akala mo ha.

"Ok lang 'yan guys. Bawi tayo!" Bawi ko sa mga kasama ko.

Damn! Mukha silang mga basang sisiw. Kalalaking tao takot ata sa bola. Or kay Miss Sungit.

BlackWhere stories live. Discover now