Memorable Wedding ft. Honeymoon[13]

28 2 1
                                    

Dedicated to-- Nikki my cousin😘 salamat sa suporta awabyo


WARNING: RATED SSPPPGGG TONG CHAPTER NATOO!

CHAPTER 13.

Maaga akong nagising at pumunta sa hotel. Supposed to be sa hotel ako matutulog but then yun nga kinuha ako ni Yohan sa bar kaya ayun nakatulog ako sa condo niya. Wala namang nangyari noh! Hello! Buntis ako hahaha di pwede yung ganun.

Pagpasok ko sa room ko nakita ko kaagad ang wedding gown ko tsaka yung mga accessories. Naiiyak akong isipin na itatali na talaga ako sa isang lalake ngayon. I dream about this. And yes mahal ko na si Yohan and I will marry the man I love. But sad to say mabe it is just a one sided love.

Pumasok na rin yung baklang mag memake up sakin. Puro waterproof yung make up baka daw kasi maiyak ako. Impossible naman yun HAHAH.

Naka bathrobe lang ako dahil ayokong mapawisan ang wedding gown ko. Hindi pa naman malaki ang tyan ko kaya sexy parin naman sa gown eh.

May kumatok sa pintuan at nakita kong pumasok si Papa. I smiled at him and I saw his eyes. Yung mga luha niyang gusto nang bumaba.

"Pa." I said and hugged him.

"Anak, ikakasal ka na talaga." Sabi nito sakin at pilit ngumiti.

"Oo nga pa eh. Hahah kakatuwa lang isipin na diretso ako kasalan at di ko pa naranasan ang ligawan."

"Anak okay lang yan. Alam kong balang araw matutunan niyong mahalin ang isa't isa. Proseso lang lahat yan eh. Ang importante ay lalaki ang apo kong kompleto ang pamilya."

"Sana nga po." Sagot ko sakanya.

"Ohsya bababa na ako at aasikasuhin ang bisita sa simbahan. I love you anak."

"I love you too papa." We hugged each other and he left.

Pumasok naman si Scarlett at Shanel. Andito na ang mga bruhaaa! HAHAHA loveyouboth. .

"Baby Crystaaal! Ikakasal ka na huhu." Emosyonal na sabi ni Shanel.

"Oo nga eh! Huhu akala namin kami ang uuna pero biruin mo! Ikaw pa na walang boyfriend!" Sabi ni Scarlett at niyakap ako.

"Gaga! Hahah Hoy Shanel paiyak iyak ka dyan eh cousin's in law na tayo ah! Hahaha so mas okay yun! At ikaw naman Scarlett ikakasal lang ako hindi pa ako mamamatay." Pilyo kong sagot kaya sabay nila akong binatukan.

"ARAY KO NAMAN!" napasigaw ako sa sakit.

"Anong mamamatay?! Wag kang magsalita ng ganyan!" Sigaw ni Shanel.

"Oo na oo na! Haha kayo talaga. Baka masira make up ko nito kasi pinapaiyak niyo ako." Sabi ko sakanila kaya tumawa naman sila.

"Tumakbo kaya tayo Crystal. Iwan natin si Yohan dun sa simbaha--ARAY" naputol ang sasabihin ni Scarlett dahil kinusot sya ni Shanel.

"Wag ka nga dyan Scarlett! FYI mabait ang pinsan ko! Di sya yung tipong iniiwan sa simbahan. Mga kalokohan mo talaga." Saway niya dito.

"Kayo talaga! Hahah so pano ba yan mga ninangs na kayo." Sabi ko sakanila.

"Oo naman HAHAHA excited na akong makita ang baby damulag namiiiin!" -Shanel.

"HAHAHA ako rin shan! Sigurado akong mana yan sa ganda ko." -Scarlett.

"Eh paano kung lalake?" -Shanel 

"Edi mana kay Dexter! Pareho naman sila ng mukha ni Crystal eh." -Scarlett.

And it's You and Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon