Preparing [11]

5 3 0
                                    

Next week na ang kasal namin at medyo excited na hindi si oks. Magpapakasal kasi ako dahil lang sa anak namin. Pinangarap ko tong makasal pero sana sa taong mahal ko. Inaamin ko kinikilig ako kapag nagiging caring si Yohan sa amin ni baby. Pero pumapasok talaga sa isip kong ginawa lang niya yun para sa anak namin. Masisisi ko ba sya? Siguro kapag nasa posisyon niya ako, ganun din ang gagawin ko.

*riiiinngg*

Shanel Calling...

"Hello?"

"Hey bessss! Busy ka?"

"Hindi naman bakit?"

"Ngayon sana yung food tasting niyo sa kasal. Eh busy si Yohan eh. Bukas na rin yung giving of invitations. Ako nalang sasama sa food tasting."

Bahagya akong nalungkot. Si Shanel lang ang sasabay saking mag food tasting, sa'n si Yohan?

"A-aah ganun ba? Pwede ba yun? Pwede bang wala ang groom kapag ganito?" Tanong ko.

"Uuyyyyy gusto niyang si Yohan ang sasama sakanya kapag tinitikman ang pagkain sa kasal nila."

Napangisi naman ako. Iba talaga tong si Shanel napaka advance mag isip.

"Di naman girl HAHAH shunga lang? Nagtatanong lang kaya. Tsaka mas gusto kitang kasama nuh! Kesa sa shokoy nayun! Panget niya!" Sabi ko. Tumawa naman sya ng malakas.

"Ohsya! Pupunta na 'ko dyan kaya mag bihis ka na buntis at lalakad na tayo."

*toot toot* call ended..

Nagbihis agad ako ng dress above the knee ito kaya kitang kita yung hita kong makinis HAHAH. Sa mga nakaraang araw aging sweet at caring na si Yohan sakin. Minsan nga natutulog sya sa bahay dahil namimiss daw niya yung anak niya. Eh minsan may pagka buang din tong si Shanel eh sasabihing baka gusto na daw ako ni Yohan dahil bumibisita na to sa bahay namin. Eh natural lang naman yun eh. May anak sya dito pero sa tummy ko pa naman kaya yun pumupunta dito.

Nag aantay lang ako kay Shanel nung nakita ko na pumasok ang sasakyan niya.

Pumasok na rin ako para makasakay na.

"Ang sexy sexy naman ni juntis" wika ni Shanel at tumawa naman ako.

"Sus minsan lang to HAHA di na ako makakasuot ng ganito kapag malaki na si baby ko." Sabi ko sakanya.

"Sabagay tama ka dyan. Kung malaki na yang tyan mo di ka na makakasuot ng ganyan." Sabi nito sakin.

Nakarating kami sa resto na naipatayo ng ate ni Yohan. Naka prepare na yung mga dishes sa table pag dating namin. Si Shanel naman halatamg excited tikman yun. Ewan ko ba sa babaeng to ang payat payat pero ang lakas kumain.

"Bes anong una nating kakainin?" Tanong niya sakin. Tinuro ko yung beef steak.

Umupo na kami at nagsimulang kumain sa beef steak. Hhmm masarap naman tsaka sakto lang yung timpla nito di katulad nung sa ibang restaurant na medyo maasim yung sabaw o sauce.
Nilagyan ko ng check yung Beef steak.

Natapos kami sa mga ulam at papunta nanaman kami sa dessert.

Yung pinalagay ko kasi sa menu yung macaroni salad, spaghetti at ice cream. Yun lang. Di naman kasi lahat kumakain ng desserts. Minsan busog na sila sa dinner.

Natapos na kami sa food tasting kaya inuwi na din ako ni Shanel pero mas pinili kong mag pa iwan sa mall may bibilhin lang sana ako.

Kaya heto ako sinamahan niya dahil di daw pwede ako lang mag isa lalo na't buntis daw ako. Hahaha

Pumunta kami sa isang boutique. Matagal narin akong di nakakapag shopping eh. Mamimili narin siguro ako ng maternity dress.

"Ito bes oh may magandang maternity dress." Sabi ni Shanel sabay pakita sakin nung red na dress. Favourite color ko kasi yung red.

"Sige isukat ko lang yan saglit lang hahanap lang ako ng dalawa pa." Kumuha narin ako ng dalawang dress sa gilid.

Kinuha ko narin ang dress na pinakita ni Shanel sa'kin.

Pumunta na akong Fitting room. Sinukat ko muna yung red na dress. Maganda to dahil stretchable pati nadin yung dalawa pa.

Binayaran ko na ang binili ko. Namili din akong flat shoes. Bawal na kasi raw akong mag heals. Baka raw makunan. Hahah ang OA naman nila.

"Bes kain muna tayo. Gutom na ang baby ko eehh." Sabi ni Shanel kaya nabatukan ko sya bigka.

"ARAY KO! BA'T KA BA NAMBABATOK JUNTIS HA?!"

"Anong baby mo?! Baka gusto mong isumbong kita kay daddy? Para putulin yang bank accounts mo! Dapat kasal muna bes bago kama." Sabi ko sakanya pero natawa lang sya sakin.


"Talaga ba? Eh bakit may bunga ka ngayon?" Tawa pa sya ng tawa sa sinabi niya. Oo nga noh? Shunga rin ako minsan eh.


"Gaga!"

Umalis na sya para mag order. Pero may nahagip ang mga maganda kong mata. Isang matipunong lalaking may kasamang malanding babae -.-

IKAKASAL NA NGA SYA DIBA BAKIT MAY PA DATE DATE PA SYANG NALALAMAN?! Iba rin tong lalakeng to oh! Oh oh? Tumatawa pa tong malanding babaeng to! HHMMMMM! SARAP PUTULIN ANG ULO!


FOR YOUR INFORMATION MAGANDA PA AKO KESA SAYO NOH! Hipon ka hipoooooon! Inirapan ko lang sila.


Napansin kong nakatingin na pala yung babae sakin. Mukhang nahalata niya ko pero heh! Di ako takot sakanya. Allergic lang. Tinaasan ko sya ng kilay tsaka inirapan. Hhmm mas maganda ako at sexy kaya talbog parin sya.


"Huyyy Crystal! Bakit parang inabutan ka na ng langit at lupa dyan ha?" Tanong ni Shanel sa'kin na nakabalik na pala galing sa pag order.


"Eh may nakita akong chonggo eh na may kadate na hipon!"

"HAHAHA anong klaseng date yan Crystal?" Tanong niya ulit na di mapigilan ang tawa.


"Date ng mga malalanding hayop!"

Kinuha ko yung fries tsaka kinain yun. Hhmmmm sarap itapon yung dalawa sa kanal!


"Bakit ba ang init ng ulo mo? Di ka naman ganyan kanina ah? May nakita ka ba?"

"Tsss. Ayun oh." Turo ko kay Yohan at hipon. "Mga hayop na nag dedate."


Tumawa nanaman si Shanel kaya tinaasan ko sya ng kilay. Anong nakakatawa dun? Masaya syang may ka date yung asawa-- FIANCEE ko pala. Di man lang pumanig sakin :3



"Nagseselos ka noh? Aayyiiiieee"


"HUY ANONG NAGSESELOS?! MASUKA KA NGA SA SINABI MO! Ako?! Magseselos?! Sa hipon?! Asa!" Sabi ko tsaka nilamon yung burger.


"Selos ka lang eh! Akala ko ba never kang maiinlove sa pinsan ko." Sabi nito.


"Anong inlove?! Ikakasal na nga sya diba? Dapat committed na sya! Di yung nakikipag landi!"


"Committed? Eh ikaw na nga nag sabing ikakasal lang kayo para sa baby. No other feelings. Kaya di sya committed sayo kasi wala namang dapat commit." Sabi niya sakin kaya natigilan ako. Tama sya. Bakit ba ganito nalang ako makapag react sa nakita ko? Di pwede. Di talaga pwede.




******

Author: yyyyeeeeeiii! Malapit na yung wedding! Hahaha sana nagustuhan niyo! Don't forget to follow and shareee! Comment your thoughts too!


And it's You and Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon