Meet and Greet [6]

10 5 0
                                    

Crystal June Garcia

Nakarating din ako sa Graciano Hotel. Nakita ko kaagad si Dad pero nakatalikod naman yung kaibigan niya. Pumunta muna ako sa comfort room at inayos muna yung mukha ko. I'm exhausted. Nasusuka nanaman ako pero pinigilan ko. May candy pa naman ako sa bag ko nagpabili ako kay Rosie kanina.

Naglagay ako ng pink lipstick dahil napaka pale ng lips ko. Whooh.

Lumabas na ako sa cr at lumapit na kay papa.

"Hi pa." Bati ko sakanya.

Tumayo naman si papa at inalalayan ako umupo.

"Andito ka na pala sweetheart." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko. "Nga pala Antonio, heto pala ang kaisa isa kong dalaga. Si Crystal." Pakilala niya saken.

"Ang gandang bata Danilo kamukhang kamukha niya talaga si Katarina." Sabi nito at ngumiti.

"Oo nga eh haha. Habang lumalaki nagiging kamukha na niya ang kanyang ina." Sabi ni papa. May lungkot parin sa boses niya pero pinipigilan niya ito.

"Ano bang pinagkakaabalahan mo hija?" Tanong ni Don Antonio saken.

"Nag aasikaso po ako sa maliit kong business. Event organizer po. Medyo bumibenta po kasi kami yung kinukuha ng mga bigating companies kapag may party sila." Paliwanag ko.

"Ahhh mabuti yun. Bakit di ka pumasok sa kompanya niyo?" Tanong nito.

"Pagdating po ng panahon. Ayoko pa kasing mag focus sa iisang trabaho lang. Gusto ko pang mag enjoy. Baka magaya ako ni papa na workaholic." Natatawa kong sabi tsaka natawa narin silang dalawa sa sinabi ko.

"Nga pala Antonio asan na yung anak mo?" Tanong ni papa.

"Am I late?"

Napatingin ako sa nag salita.

O____O!

Napatingin sya sakin at tsaka ngumisi. S-sya yung anak ni Don Antonio?!

"Hindi naman." Sagot ni papa. Nanatili parin akong tahimik. Naalala ko nanaman yung nagawa ko sa resort.

"Anak naman buti nalang at dumating ka at baka mapahiya ako. Ohsya, Danilo eto na yung anak ko. Si Yohan." Pakilala ng tatay niya.

"Sa'n ba sya nagmana Antonio. Ang gwapong lalake. Eh hindi ka naman ganun ka pogi." Sagot ni papa. Natawa naman ako sa reaksyon ni Don Antonio.

Napalingon sila saken. uh-oh wrong move.

"Aahh Yohan anak. Sya pala yung anak ng kaibigan ko. Si Crystal isa syang event organizer at kita mo naman ang gandang bata diba?" Sabi ni Don Antonio.

"Maganda nga." Sab niya atsaka ngumisi. It's giving me goosebumps.

Tahimik lang ako habag kumakain. Hanggang sa mga 2pm na kaya kailangan ko nang magpa alam at may trabaho pa ako.

"Uhh kailangan ko na pong bumalik sa opisina. May trabaho pa kasi ako eh. Salamat sa lunch." I said.

"Ganun ba? Sige anak take care." Sabi ni papa.

"Oh sige hija. Salamat din." -Don Antonio.

"Aalis ka kaagad?" Tanong ni Yohan na nakangisi parin. Katakot naman ng mukha niya.

"O-oo eh." Sabi ko tsaka kinuha yung sling bag ko. At umalis agad.

*****

Kanina pa ako palakad lakad sa office at nakikipag communicate sa mga suppliers. Medyo nahihilo na nga ako eh. 

"Maam Crystal nagtext po sa'kin yung magdedebut. Ready na ho ba daw yung photoshoot next week?" Tanong sa'kin ni Rosie.

"Sabihin mo oo. Pati na din yung gowns and everything. Give her the place and time kung saan yung photoshoot. " I said and entered my office.

Masakit talaga yung ulo ko eh but kailangang tapusin yung trabaho. Next month na yung debut and may upcoming event pang nakalaan after that. I have to finish this smoothly.

*beep* (phone vibrates)

From: Shanel

Girl club tayo mamaya? Matagal na rin tayong di nagkita.

To: Shanel

Pass muna ako Shan. Medyo masama pakiramdam ko eh.

From: Shanel

Ganun ba? Di pa kasi umuuwi si Scarlett eh.

Tinamad nanaman akong mag text kaya I logged in my skype account and contact her.

"Oh saan ba si Scarlett?" Bungad ko sakanya. Nakita kong nasa condo pala siya ng boyfriend niya.

"Ewan ko. Nagpaiwan sa resort eh." Sabi niya habang kumakain ng Kisses.

"Ba't ka naman pumayag na magpaiwan yun? Ano namang gagawin nun doon?" Tanong ko sakanya.

"Ewan. Sabi niya may aasikasuhin daw sya eh. Nag break yata sila ng boyfriend niya. Siguro nag momove on. Yaan na natin yun girl. Malaki na yun." Nakangising sagot ni Shanel.

"Hay ewan ko nalang dun. Pero ilang weeks nadin ang nakalipas Shanel baka napano na yung si Scarlett dun." Alala kong sabi sakanya.

"Baka nakakalimutan mo Crys na sobrang tapang ng babaeng yun kaya impossible yang sinasabi mo." Sabi niya sakin kaya tunawa nalang kami. Oo nga naman napaka tamang ng babaeng yun.  Nung highschool pa nga kami nakipag suntukan sya sa mga babae dun sa school kasi inaway si Shanel.

Napahawak ako sa ulo dahil sumasakit nanaman ito.

"Okay ka lang ba girl?" Tanong sa'kin ni Shanel.

"O-okay lang ako Shan. Mamaya nalang tayo mag usap uuwi na muna ako sa bahay para makapag pahinga. " sabi ko habang hinihilot padin yung ulo ko.

"Sige Crys." She said end the call.


Tumayo ako at kinuha yung mga gamit ko sa mesa. Tsaka lumabas.

"Rosie uuwi na ako. Ikaw na bahala sa lahat. If ever may emergency or concerns please don't hesitate to call me or text me." I said.

"Okay Maam."


Umalis na agad ako at sumakay na sa kotse ko. Ayoko nang magpa drive sa driver namin dahil sa tingin ko nawawala na yung privacy ko nun.


Bago ako umuwi sa bahay pumunta muna ako sa Pastries at bumili ng chocolate cake. Kanina ko pa kasi gustong kumain ng chocolate cake.

After nun dumiretso na agad ako sa bahay. I park my car and entered the house. Napansin kong andito na pala si daddy nanonood ng tv.

"Anak andito ka na pala" I was about to kiss my dad's cheeks pero natumba ako.


"Anak.." yun lang ang narinig ko bago ako nawalan ng malay.

And everything went black..




And it's You and Me [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon