Kabanata 1 . . . Mamang Pulubi

105 4 0
                                    

"Fishbol"

-------

Kung sadyang totoo ang pagmamahalan ninyo ay magtiwala sa isa't isa at sa sarili. Huwag mag-alinlangan dahil ito ang sumisira sa isang wagas na pag-iibigan.

---------

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system without the written permission of the author.

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

*******

"Mamang Pulubi"

---------

Araw ng Linggo, pagkatapos magsimba nina Julliane at Cristy ay inayos na nila ang kanilang Rolling Fishbol store cart sa gilid ng Metropolis. Dito sila madalas magtinda dahil sa dami ng mga nagdaraang tao. Marami na rin silang mga suki at ilan na ang nag-aantay sa kanila.

" Hindi kaya hulihin na naman tayo rito ni SPO1 Tapwe, ha Anne?" tanong ni Cristy sa kaibigan.

" Hindi naman siguro. Kabibigay ko pa lang sa kanya kahapon. Sobra naman siya!" sagot ng dalaga.

"Dali Cris, magsalang ka na ng tatlong supot na fishballs sa kawali. Marami na ang naghihintay. Lalagyan ko lang ng yelo ang mga samalamig natin!" atas ng dalaga sa kaibigan.

" Ok po! Heto na pala si Entong paparating na. Sa kanya na ako kukuha ng sariwang buko natin. Mahal nga lang sa kanya. Sarado pa kasi sina Aling Juaning kaya hindi ako nakabili sa kanila." sambit ni Cristy.

" Puyat na naman siguro ang taong iyan kaya ngayon lang dumating." sabay buhos ni Cristy ng mga fishballs sa kumukulong mantika sa may kawali.

" Hoy Cris! Kanina pa ba kayo? Lagi na lang kayong nauuna rito." Pasigaw na sabi ni Entong sa dalawa.

"Magising ka kasi ng maaga Entong. Iyan ang napapala mo sa pangangabaret kasi." ang sabi ni Cristy kay Entong na nag-aayos ng kanyang karitong puno ng mga sariwang buko.

" Hindi naman Cris. Nakadalawang sayaw nga lang ako kagabi at umuwi na ako. "

"Himala! Dalawang sayaw lang? E, ikaw raw ang laging namamakyaw ng mga ticket doon balita ko." Sabi ni Cristy.

" E, bakit umuwi ka naman ng maaga ha?" tanong ni Julliane.

" Nagkagulo kasi. Kilala nyo ba si Mang Demy? Nahuli ng asawa. Very sweet pang kasayaw ang isang batang balyarina ng dumating si Aling Bella. Dahan-dahang nilapitan ang dalawa. Sukat ba namang palatukin sa ulo ni Aling Bella si Mang Demy gamit ang isang sapatos na mahaba ang takong at balita ko ay pinasadya pa raw ni Aling Bella yung sapatos. Ayun, butas ang bumbunang nakakalbo ng matanda. Biro nyo, sitenta anyos na e nangangabaret pa! Nagkagulo na tuloy." kwento ni Entong.

"Hindi ko na alam kung ano na ang mga sumunod na pangyayari kasi umalis na ako kaagad" dagdag ni Entong.

"Kaya Entong iwasan mo na yang pangangabaret mo!" Sabi ni Julliane.

"Anne, sabi nga pala ni Itay, may ibang mukhang gumagala sa ating lugar. Nagtatatanong-tanong daw. Kaya mag-ingat ka raw baka makita ka." ang sabi ni Cristy sa dalaga.

"Kaya nga nagpapahaba na ako ng buhok at nagsuot na nitong salamin sa mata na nakakaduling na yata. Alam mo naman na hindi ako sanay magsalamin." sabi ng dalaga.

Fishbol (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon