Katapusang Kabanata . . . Mga Magbalaeng Lolo

41 5 1
                                    

"Mga Magbalaeng Lolo"

---------


Mula sa malayo ay natatanaw ni Julianne ang maitim na usok ng bumagsak na helicopter. Pinabilis niya ang takbo ni Tornado. Humahagulgol siya ng iyak.

"Bilisan mo pa Tornado! Hu hu hu!
Mahal ko nariyan na ako! Hiyaaaaa!"

Nakita na niya ang nasusunog na helicopter. Warak na warak ito. May nauna na sa kanyang mga katiwala nila. Tinutulungan ng mga katiwala ang dalawang piloto ng helicopter. Lumapit si Julianne at bumaba sa kabayo

"Kumusta sila?"

"OK lang po sila mam Anne. Nasagip namin sila sa lawa!" Sagot ng katiwala.

"Si Gene nasaan siya?" Tanong niya sa piloto na naka-upo.

"Mam hindi ho namin alam. Kanina hong malapit ng mag out of control ang helicopter ay si sir na ho ang nagpilit magpiloto. Dinala niya dito sa lawa ang helicopter para malayo sa mga bahay at pinatalon kami. Hindi ho namin alam kung nakatalon din siya."

Napa-iyak muli si Julianne. Tumayo siya at tumingin sa paligid. Maghahapon na. Dumating na rin sina Mang Igme kasama ang maraming katiwala ng hacienda. Lumapit ang matanda sa kanya.

"Anne sabi ng papa mo ay umuwi ka na raw muna. Kami na ang maghahanap kay sir Gene."

"Hindi ho ako uuwi hanggat hindi nakikita si Gene! Hu hu hu!"

"Sige kung yan any gusto mo Anne! KAYO! Kumalat kayo at hanapin ang isa pang nawawalang sakay ng helicopter."

Lumakad si Julianne at nagpunta sa mga batuhan. Dumating na rin ang dalawang ambulansya. Nilapitan ng mga medical aides ang dalawang piloto. Inilagay sila sa mga stretchers at isinakay sa isang ambulansya.

Patalon-talon si Julianne sa mga bato hanggang sa makapunta siya sa pinakamalaking batong paborito niya.

"GENEEEEEE!"

"GEEENNEEEE NASAAAAN KAAAA_?"

Sigaw niya. Napa-upo siya at nag-iiyak. Tinitignan ng mga katiwala ang ibang mga batuhan. May nagbabangka sa lawa.

"Ummmmmhhhh!"

Nakarinig ang dalaga ng mahinang ungol. Tumayo siya.

"Geeenneee! Nasaan ka mahal ko?"

"Ummmmhhhh!"

Lumapit si Julianne sa gilid ng malaking bato. Tumingin siya sa ibaba. May nakita siyang kamay.

"GENEEE! DITO TULONG!"

Bumaba siya sa malaking bato at gumilid dito. Sa pagitan ng dalawang bato na nakatago ay ang kalahating katawan ni Gene at nakakapit ang isang kamay sa isang bato. Kahit wala siyang malay tao ay umuungol dahil sa nararamdamang sakit at panlalamig ng katawan. May sugat siya sa ulo ulo at dumudugo ito.

"Geneeeee! Tulong!"

Nagtakbuhan ang mga katiwala at pinuntahan sila. Kasunod ang mga medical sides na may dalang stretcher.

Umiiyak si Julianne habang tinitignan niyang kinukuha nila ang binata at inihiga sa stretcher. Kaagad siyang nilagyan ng brace sa leeg at kinabitan ng dextrose. Nagmadali sila papunta sa ambulansya. Nakasunod ang dalaga. Sumakay na rin siya sa ambulansya ng maisakay na ang binata.

"Gene huwag mo kaming iiwan ng anak natin! Hu hu hu!"

Nakaupo siya sa tabi ng binata habang inaayos ng medical aide ang pagkakahiga nito.

"Geneeeee!"

Nawalan ng malay tao si Julianne. Hindi na niya nakayanan pagmasdan ang kanyang mahal.

"Mam!"

Fishbol (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon