Kabanata 10 . . . Ipinagkaloob na ang Langit.

25 3 0
                                    

 

"Ipinagkaloob na ang Langit"

--------

Hindi mapalagay si Gene. Mag hahating gabi na hindi pa siya makatulog. Kaya minabuti niyang lumabas at magpahangin. Naglakad-lakad siya. Naramdaman niya ang lamig ng hamog sa gabi. Natanaw niya ang villa. May isang ilaw na bukas sa itaas. Naisip niyang lumapit sa villa.

May natanaw siyang isang babae ang lumabas sa balkonahe kung saan may bukas na ilaw. Nakita niya si Julianne, nakatayo at malayo ang tingin sa kabilang dako.

Lumapit siya sa sementong dingding. Nakita niyang may makakapitan siya paakyat sa balkonahe nito. At umakyat siya. Nang nasa balkonahe na ay sumilip siya sa pagitan ng makapal na kurtina. Nakita niya si Julianne, nakahiga na ang dalaga. Tinawag niya ang dalaga.

" Anne, Anne, mahal ko. Si Phillip ito. Narito ako sa labas ng balkonahe. "

Biglang napa-upo si Julliane sa gilid ng kama. Tumayo siya at lumapit sa may pintuan ng balkonahe. Hinawi niya ang kurtina. Nagsalubong ang kanilang mga mata, nangungusap.

" Phillip, ano ang ginagawa mo rito?"

" Gusto kitang maka-usap at makita. . .  aking Anne! " bulong ng binata.

" Bakit pa? Nagsinungaling ka sa akin Phillip. Nasaktan ako sa hindi mo pagtatapat sa akin na may anak ka na pala." sagot ni Julianne.

" Patawarin mo ako.  Sasabihin ko rin naman sayo. Nawalan lang ako ng pagkakataon. Kaya nga isinama ko si Nina rito para makilala mo. " sabi ng binata.

" Sa palagay mo ba ay ganoon kadali? Papaano kita maipaglalaban sa Papa ko na ang napili kong mapapangasawa ay may anak na? " sagot ni Julliane.

" Akala ko ba mahal mo ako? " tanong ng binata.

" Oo mahal kita pero mahal ko rin ang Papa ko." sagot ng dalaga.

" Mahal na mahal kita aking Anne. Ikaw ang aking buhay" sabi ng binata.

" Umalis ka na, iwan mo na muna ako" sabi ng dalaga.

" Hindi, hindi ako aalis dito aking mahal. Hindi mo ba ako kayang patawarin? " Pumasok ang binata sa loob at umatras si Julliane, tumalikod.

Lumuluha ang dalaga. Ayaw niyang makita ni Gene ang kanyang pagluha. Mahal na mahal niya si Gene ngunit nangingibabaw ang takot na kapag ipinaglaban niya ang binata sa kanyang ama ay atakihin ito sa puso. Ano ang gagawin niya? Naramdaman niya ang yakap ni Gene sa kanyang baywang.  Lumuhod ang binata sa likuran niya.

" Kung hindi mo rin lang ako mapapatawad ay mabuti pang wakasan ko na lang ang lahat. Hindi ko na nais mabuhay pa kung hindi rin lang ikaw ang makakapiling ko, aking mahal." lalong napa-iyak si Julliane.

Naguguluhan na siya. Naiipit ang puso niya sa dalawang damdamin, pagmamahal kay Gene at sa kanyang ama. Humarap siya sa binata at lumuhod din. Nakita niyang lumuluha ang kanyang pinakamamahal, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng binata. Nagsalubong ang kanilang mga matang kapwa lumuluha.

" Mahal kong Phillip, batid ng Panginoon kung gaano kita kamahal. Halos ibinigay ko na sayo ang sarili ko. Hindi pa ba sapat iyon para patunayan ko sayo kung gaano ka rin kahalaga sa akin? Ngunit, nangangamba ako dahil mahal ko rin ang ama ko. Ayokong mawala siya sakin na ako ang magiging dahilan pa. Hinding-hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa kanya na sa pagtatapat ko tungkol sa ating dalawa. Mahal na mahal kita." lumuluhang sabi ni Julliane.

" Aking Anne, kung talagang mahal mo ako, kaya mong ipaglaban sa Papa mo ang pag-iibigan natin. Alam ko kung mahal ka rin ng Papa mo ay matatanggap niya tayo. Huwag mo nang pahirapan pa ang ating mga puso. Mahal kita ng higit pa sa sarili kong buhay. "

Fishbol (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon