Kabanata 12 . . . Masakit na Paglayo

28 3 0
                                    

 
"Masakit na Paglayo"

---------

Magulong-magulo ang isip ni Julianne. Nanaig sa dibdib niya na niloko siya ni Gene pero nararamdaman naman niya na mahal na mahal niya ang binata. Naiipit ang kaniyang damdamin at hindi niya alam kung alin ang susundin niya. Ang kaniyang puso o pinaniniwalaan niyang pinaglaruan siya ni Gene.

" Mahal na mahal kita Anne, alam mo yan. Hindi ako nagtapat sayo kaagad dahil takot akong layuan mo. Mula ng makita kita ay naramdaman ko na na ikaw lang ang babaing mamahalin ko, ang pakakasalan ko. Ang magiging kabiyak ng puso ko habang buhay. Patawarin mo ako kung hindi ko kaagad nasabi sayo. Kaya nga nagtapat na ako sa Papa mo. Kagabi, sinabi ko sayo na ipaglalaban ko na ang pag-ibig ko sayo sukdulang itakwil ako ng sarili kong ama. Mahal kita Anne, mahal na mahal." pagsusumamo ng binata.

" Ayoko na! Ayoko ng marinig pa ang  mga kasinungalingang pinagsasabi mo. Nagtiwala ako sayo. Ibinigay ko sayo lahat lahat. Bakit? Hindi ko na alam ngayon kung anong pangalan ang itatawag ko sayo. Ayoko munang makita ka! "

Tumalikod si Julianne kay Gene. Lumapit ang binata sa kanya at niyakap niya ang dalaga.

" Anne, mahal ko. Hindi ko nais na masaktan ka. Makinig ka muna sana sa akin, please. Anne, aking Anne! "

" Bitiwan mo ako. Hu hu hu hu. Bitiwan mo ako please!!"

" Bitawan mo siya! Julianne! Sino ang lalaking iyan na nakayakap sayo. Hoy, animal bitiwan mo ang mahal ko! " sigaw ni Edward na biglang pumasok sa opisina ni Don Julio.

Bumitaw si Gene kay Julianne at hinarap niya si Edward.

" Anong sinabi mo? Mahal mo si Anne? Sino ka ba? " tanong ni Gene.

" Hindi mo ba ako kilala? Ako ang mapapangasawa ni Julianne. Anak ako ni Don Gustavo Von Ruiz. Ako si Eugene Von Ruiz." sagot ni Edward.

Nabigla si Gene sa sinabi ni Edward. Pinagmasdan niya ito mula paa hanggang ulo.

" Ha ha ha ha ha ! Ikaw ba kamo si Eugene Von Ruiz?"

" Ako nga! At ano ang nakakatawa. " sagot ni Edward.

At siya namang pagpasok ni Don Julio at nakita niya ang dalawang lalaking magkaharap. Hindi siya kumibo at lumapit siya sa tatlo.

" Ha, Don Julio, Papa pala. Mabuti at naririto na kayo. Nahuli ko ang lalaking ito na yakap yakap ang mahal ko. Tumawag kayo ng pulis at ipahuli ang lapastangang ito. " sabi ni Edward sa don.

Lumapit si Gene kay Edward at dinuro niya ito sa mukha.

" At kailan ka pa naging ako? Gusto mong angkinin ang pagkatao ko? Sino ka ba talaga HA? " Biglang namutla si Edward.

Kumalabog ang kanyang dibdib. Nabuking na ba siya? Katanungang naglalaro sa isip niya. Napabuntung hininga siya.

" Composure, composure! Kailangan maka-isip ako ng paraan kung papaano ko malulusutan ito. Sayang ang kayamanan na mamamana ko. Sayang ang diyosang kagandahang mapapasa akin. Composure Edward. Wala na akong pera kundi beinteng pisong barya na lang ang natira sa bulsa ko. Ahhhh. Bahala na. Constancia, nasaan ka na ba? Tulungan mo ako rito. Nasaan na ang mga kapatid mong mga maton? " sa isip ni Edward.

" Don Julio, palayasin ninyo ngayon din ang lapastangang ito kundi tatawagan ko si Daddy at sasabihin kong napahiya ako rito at tiyak magagalit siya sa inyo.Kausap ko pa lang siya kanina " atas ni Edward kay Don Julio.

" Kausap mo si amigo ko kanina? Nasaan ba siya ngayon? Gusto ko rin sanang siyang maka-usap. " sagot ng don.

"Nasa Makati penthouse po niya at naghahanda na raw siya patungo rito para pag-usapan ninyo ang kasal namin ni Julliane." sagot ni Edward.

Fishbol (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon