Kabanata 3 . . . Dalagang Layas

38 4 0
                                    


Dalagang Layas

---------

Hacienda Villarica, isang malawak na lupain sa Fortich, Bukidnon, pahingaang lugar ng mga Villarica na isa sa mga pinakamayamang angkan sa Mindanao. Nagkakagulo ang mga tao sa loob ng mansion. Galit na galit si Don Julio Villarica.

" Ernesto! Magtatatlöng buwan ng nawawala ang unica iha ko. Bakit hanggang ngayon wala pang resulta sa paghahanap ninyo. Dagdagan mo ang mga tao mo. Hanapin siya kahit saan mang sulok ng Pilipinas. Bilisan ninyo! Malapit na ang araw ng pagkikita namin ng kumpadre ko. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya kapag hindi ko naisama si Julliane ko!" utos ni Don Julio sa kanyang könpidante.

"Opo sir. Nagpadagdag na ho ako ng ilang pribadong imbestigador. Dalawa katao po bawat siyudad. Karamihan po sa Metro Manila. Bakit hindi po natin ipalathala sa mga pahayagan ang larawan niya at magbigay po tayo ng malaking pabuya sa makapagtuturo?" sagot ng tauhan.

" Gusto mo bang malaman ng amigo kö na nawawala ang anak ko? Kaya nga ilìhim ninyo hanggat maaari ang paghahanap sa kanya. At ayokong masaktan siya. May mga ibang taong mapagsamantala sa mga ganitong sitwasyon at ayokong malagay ang anak ko sa panganib. Basta't dagdagan mo na lang ang mga taöng maghahanap. Gusto kong makita na siya sa loob ng isang buwan." sabi ng don kay Ernesto.

"Opo sír! Lalakad na ho ako ngayon din." sagot ng tauhan.

Naiwan ang don na bakas sa mukha ang labis na pag-alala. Mabait at masunuring bata naman ang anak niya. Nagtampo lamang ito pagkatapos nilang mag-usap mag-ama.

Kararating lamang noon ni Julliane mula London kung saan ito nag-aaral.

" Julliane, kaibigang  kong matalik ang napangakuan ko na kapag nag kaanak kami babae man o lalaki ay ipakakasal namin sila. Mabait na bata rin naman ang anak niya." sabi ng don sa anak.

" Pa, hindi ako maaaring pakasal sa isang lalaking hindi ko mahal at ni anino man lang ay hindi ko nakikita pa! Hiling ko lang sayo Pa, hayaan mong ako ang pipili ng pakakasalan ko. Kahit siya pa ang pinakamahirap na tao basta't mahal ko siya ay walang makapagbabawal sa akin, kahit kayo pa Papa! Lahat ng gusto ninyo ay sinunod ko. Huwag lang po ninyong diktahan ang gusto ng puso ko." sagot ng anak.

" Julliane, ni minsan ay hindi pa ako nagalit sayo. Huwag mo namang ilagay sa kahihiyan ang pangalan natin. Pangalan ko ang nakataya. Basta't huwag ka na munang bumalik sa London. Makikipagkita tayo sa amigo ko at ng anak niya sa susunod na buwan!" sabi ng ama.

"Papa! Hu, hu,hu, hu!" biglang umiyak ang dalaga at tumakbong palayo sa ama. Pagpasok sa kanyang silid
ay dumapa ito sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. Humagulgol na siya ng iyak.

"Hu, hu, hu, Mama! Kung buhay ka lamang ay hindi ka rin papayag sa gusto ni Papa, Tulungan mo ako Mama, hu, hu, hu!"

Naramdaman na lamang ni Julliane ang mainit at malambot na palad na humahagod sa kanyang ulo at likod.

" Anne, anak! Tahan na! Hayaan mo na muna ang gusto ng Papa mo ngayon. Malay mo baka magbago ang isip niya. " bulong ni Yaya Merlina niya.

Halos sa yaya na siya lumaki mula ng mamatay ang Mama niya sa isang aksidente. Tatlong taong gulang pa lang siya noon. Si Yaya Merlina na ang nag aruga at nagpalaki sa kanya. Hindi na ito nag-asawa at kinilala na rin niyang parang tunay na ina. Umupo si Julliane sa gilid ng kama. Humarap siya sa yaya niya at yumakap dito.

" Yaya, hu, hu, hu, hu,! Kilala ko si Papa. Hindi na mababago ang gusto nya. Tulungan mo ako Yaya. Tatakas ako. Babalik lamang ako kapag natagpuan ko na ang lalaking pakakasalan ko. Iyun lang ang alam kong paraan upang mapagbago ko ang gusto ni Papa!" sabi mg dalaga sa Yaya.

Fishbol (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon