Kabanata 5 . . . First Kiss

39 4 0
                                    

"First Kiss"

-------

 

Pinagmamasdan ni Julliane habang naglalakad papalayo ang binata. Biglang may sumagi sa isip niya.

"Ano kaya kung siya ang ipakilala ko kay Papa para magbago ang isip ni Papa? Kaya lang parang may topak at kulang-kulang pa yata siya. Bahala na. Tutal pagkatapos ko siyang maipakilala kay Papa ay pwede ko na siyang pauwiin. Oo nga! " sa isip ng dalaga.

"Philip, sandali lang!" sigaw ni Julliane.

Napatigil si Gene sa paglalakad at lumingon sa dalawa. Nakita niyang kinakawayan siya ng dalagang pabalik sa kanila at bumalik siya.

" Saan ka nga pala pupunta? May tinitirahan ka ba talaga?" tanong ni Jullian.

"Wala. Sa ilalim ng tulay na lang ako magpapalipas ng gabi." sagot ng binata.

" Gusto mo bang sa amin ka na muna tumira?"

"Pwede ba akong tumira sa inyo? E, ngayon lang tayo nagkakilala?"

" Bakit naman hindi? Tingin ko ay mabait ka naman. Kung hindi ay hindi mo kami tinulungan kanina. Sige na sa amin ka na tumira." pagsusumamo ng dalaga.

" O sige, pero sa isang kundisyon. Hindi tayo magtatabi sa tulugan. He he he" sagot ng binta.

"Ano? O siya sige na nga. Halika na uwi na tayo. Teka nasaan ang mga gamit mo? Mga damit?" tanong ng dalaga.

" Wala akong ibang gamit o damit. Itong suot ko lang." sagot niya sa dalaga.

"Ganun ba?"

Pinagmasdang mabuti ni Jullian si Gene. Ang taas nito at pangangatawan. Pa iling-iling pa siya at nakangiti. Natulala si Gene sa pagkakatayo. Pakiramdam niya ay parang hinuhubaran siya ng dalaga sa tingin nito.

" O sige, Cristy mauna na kayo ni Phillip sa loob. May dadaanan lamang ako. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Nanay Evelyn. Matatagal lang ako ng ilang oras. Agad din akong uuwi' sige na mauna na kayo at Philip, huwag kang aalis ok?" atas ng dalaga sa dalawa.

" Sige Anne. Ingat ka lang. Alam mo na? " sagot ni Cristy.

Pumasok na sina Cristy at Gene at sa ibang direksyon naman nagpunta si Julliane.

Nagulat si Mang Romy nang makita niyang ibang tao ang kasama ni Cristy sa pagtulak ng rolling cart. Tinignan niyang mabuti at kinilatis ang lalaking marusing. Nakangiti naman si Cristy at nilapitan ang ama.

"Itay, siya ho si Philip. Nakilala namin kanina ni Ate Anne sa pwesto. May hindi magandang nangyari ho roon kaya kami napa-uwi ng maaga."

Ikinuwento ni Cristy sa ama ang nangyari at kung papaano sila tinulungan ni Philip. Siya namang paglabas ni Aling Evelyn at nakinig sa kwento ng dalaga. Lumapit si Mang Romy kay Philip.

" Maraming salamat sayo sa pagtulong mo sa mga anak ko." Sabi ni Mang Romy.

"Walang ano man po."

" Sino ka ba at bakit ganyan ang hitsura mo?"

" Mahabang kwento ho" sagot ng binata.

" Mabuti pa ay papasukin mo na muna siya. Nagtitinginan ang mga kapitbahay natin Romy" sabad ni Aling Evelyn.

Tumulong muna si Philip sa pagbaba ng mga paninda nina Julliane. Ipinasok nila sa loob ng apartment. Panay ang tingin sa kaniya ng mag-asawa. Nang maitabi ang mga gamit ay tumayo lamang ang binata sa isang tabi. Nahihiyang umupo sa sofa na baka marumihan at mamantsahan ng uling.

" Umupo ka na muna" sabi ni Mang Romy. Nagtimpla naman ng kape si Aling Evelyn.

" Huwag na ho." sagot ng binata.

Fishbol (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon