C9.

3.4K 122 0
                                    

04-01-17

-Lillianna-

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, dahil nagkakagulo sa labas at loob ng iskwelahan, lalo naman dito sa loob ng classroom, jusko puro tili ang maririnig mo! Marami ng pagsabog ang naririnig ko sa labas, pero mas umaalingawngaw ang tili ng mga kababaihan dito.

"Tulungan nyo ko!"napatingin ako sa tumatakbong estudyanteng naipit sa pintuan namin, kaya nilapitan ko ito at tinulungan.

"Salamat."-sabi nya sakin na may ngiting umalis at tumakbo

Pero bigla akong nahinto sa aking kinalalagyan, pagkatingin ko sa labas may nakita akong dugo.

"blood" Natatakot kong bulong.

"Lexus? Aira? Drops? Landy?! Kung nasan man kayo lahat ngayon tulungan nyo ang mga duguang nilalang sa baba ng akademya, Nagmamakaawa ako sainyo."-nagmamakaawa ako sakanila dahil nakikita ko kung pano nahihirapan makipaglaban ang mga magaaral na nandito.

Pero bat ba ako humihingi ng tulong sa taong alam kong hindi naman ako papakinggan at hindi rin ako sasagutin? Yun nalang ang lumabas sa bibig ko, kaya hindi ko napigilan.

Kanina pa pala lumabas yung mga classmate namin galing dito sa room, at ito ako nakatulalang nakatingin sa labas na pinagmamasdan lang silang nakikipaglaban sa halimaw na nasa labas. Natatakot nako sa mga nakikita ko parang nangyari na ito noon pero hindi ko maalala, natatakot ako.

"Wag kang matakot."biglang bumulong ang ihip ng hangin.

"Gusto mo bang makatulong?"-anong ako?

"Sino ka?"tanong ko

"Ako to si Aira"-Aira??narinig ba nya yung hiniling ko?

"Oo, ngunit hindi kami ang tutulong sa mga taong nakikipaglaban sa labas at loob ng akademya."-ha?! Eh sino ang lalaban? Kailangang may makatulong sakanila!

"Ikaw, Lillianna"- anong ako?panong naging ako eh wala naman akong kapangya---brilyante. Ang kapangyarihan na iginawad nila sakin! Pero paano ko ito ilalabas? Hindi ko pa ito nalalabas, tsaka sana gumana, hindi ako nasisigurado kasi katang-isip lang iyon.

"Pakiramdaman mo ang iyong taglay na lakas. Ang katapangang meron ikaw, pakiramdaman mo."-wala naman akong magagawa kaya sinunod ko nalang, sana pagkatapos nito makauwi na kami, pumikit ako at pinakaramdaman ang lamig ng ihip ng hangin ng biglang parang may dumadaloy na kuryente sa buo kong katawan at biglang tumaas ang mga balahibo ko, nang kusang tumaas ang aking mga kamay at may bigla akong binanggit na lengwahe na hindi ko maintindihan.

"Ire de pour, do mensiyo prinseśa Lalisa comendor Amalya brilyantisa Desilma."-bigla nalang lumabas yung mga brilyante pero ang ganda! Nang bigla akong nakaramdam ng hilo.

"T-teka anong nangyayari?"-hanggang sa parang hinila ang kaluluwa ko kaya napapikit ako at naramdaman ko nalang ang sarili ko sa isang lugar na sobrang liwanag, nasa isang puting kwarto lamang ako, kahit ni isang bagay wala. Asan ako? Anong ginagawa ko dito? Anong nangyari?

-Kailee-

Hinahanap namin si Lillianna kasi nawala sya sa tabi namin nung nagsilabasan kami sa loob nang classroom namin, akala namin nakasunod siya saamin.

"Maghiwa-hiwalay tayo, Kailee subukan mong bumalik sa classroom baka nandun parin si Lillianna, Rebecca pumunta ka sa baba baka bumaba si Lillianna at pupunta ako sa labas ng akademya."-sabi ni Janelle na medyo hinihingal pa dahil sa pagtakbo namin.

The Pranshie Academy:The Lost Princesses(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon