C20.

2.6K 91 1
                                    

04-27-17

-Kailee-

"Yum! Yum! Yum!"-sarap na sarap na sabi ni Lillianna.

Nakaupo kami ngayon sa isa sa mga puno ng chokolate habang nagpapahinga. Gabi na ngayon, hindi namin natuloy yung pagpunta namin at paghahanap sa nawawalang piraso nung libro. Dahil napagdesisyunan namin na magpahinga mo na kahit wala pa kaming ginagawa.

Kumakain kami ngayon ng ano pa ba edi strawberry pati yung chocolate. Habang yung mga kasama naming lalaki kala mo ngayon lang nakakain ng strawberry. Samantala si Lillianna naman halos puno na ng chocolate yung bunganga. Tinutunaw kasi namin yung chocolate sa apoy na gawa ko.

Tsaka napaliwanag na namin kung ano yung tungkol dun sa brilyante. Naintindihan rin pala nila, tas sabi nila meron din daw silang guardian. Halos lahat naman daw ata.

"Dahan dahan lang Lillianna."-pagsasaway ni Janelle sa kain ng kain na si Lillianna.

"Kanina pa tayo nandito pero hindi parin kayo nagpapakilala."-sabi ni kuyang red ang buhok.

"Ako si Janelle."-sabi ni Janelle na parang walang pakielam habang kumuha ng strawberry tapos sinawsaw sa chocolate.

"Ako si Kailee."-nakatingin na sabi ko sakanila.

"Ako si Paige"-Paige.

"Ako si Rebecca."-Rebecca.

Hinihintay naming magsalita si Lillianna pero ayaw dahil nakain kasi. Nakatingin naman sila kay Lillianna na wala paring nararamdaman. Napahinto sa pagkain si Lillianna at napatingin samin na kanina pa hinihintay na magsalita siya.

"Bakit?"-kunot noong tanong ni Lillianna.

"Hinihingi nila pangalan mo."-ako.

"Wag nyong kunin! Mawawalan ako ng pangalan!"-seryosong sabi ni Lillianna habang napatigil sa ginagawa niya.

Medyo natawa naman kami sa sagot niya.

"I mean pangalan mo, gusto nilang malaman."-ako.

"Ah! Ako si Liliajdosnsoxnos."-Lillianna.

"E' kayo? Wala kayong balak magpakilala?"-Rebecca.

"Wala."-sila.

"E' kung ganon magsilayas kayo sa harap ko!"-sigaw ni Janelle sakanila.

"Ito naman hindi mabiro."-kuyang brown ang buhok.

"Ako si Ace."-sabi ni kuyang red ang buhok.

"Ako si Marcus."-sabi ni kuyang brown ang buhok.

"Ako si Morris."-sabi ni kuyang grey ang buhok.

"Ako si Kristoff."-sabi ni kuyang dark orange ang buhok.

"Yuan."-sabi ni kuyang blonde.

"Parang narinig ko na yung pangalan nyo."-Paige.

Ngumiti lang sila sa sinabi ni Paige.

Tahimik lang kaming kumakain at si Lillianna ayun natutulog sa hita ni Janelle.

"Special child ba yan?"-napatigin naman kami kay Kristoff sa sinabi niya.

"Sino?"-ako.

"Ayan si Lil- basta!"-Kristoff.

"Lillianna ang pangalan niya."-ako.

"Hindi siya special child, ganyan lang talaga siya."-Rebecca.

The Pranshie Academy:The Lost Princesses(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon