05-30-17
-Lillianna-
"Ayos ka lang?"-ulit nanaman nilang tanong kaya tumango nalang ulit ako at onti-onting tumayo.
Ano nanaman kaya yun? Hindi parin natitigil ang bilis ng tibok ng puso ko. Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at tumingin sa dinaraanan namin. Nang bigla kong maalala ang sinabi ni Morris sakin.
Flashback...
Tinawag na kami ni Morris. Kami kasi ang napagpartner ngayon. Kahapon kasi si Ace ang kapartner ko.
"Good luck."-may mapangasar na ngiti sa labing sabi ni Morris. Tinarayan ko nalang sya. Aba yumayabang ang lolo niyo!
Bigla namang pinito ni mam ang pito niya. Syempre, alangan namang kainin niya to.
Joke lang, pinito niya yon kasi hindi siya makakasigaw dahil sa ingay ng nasa paligid.
Nagbow naman kami sa isa't isa bilang repesto sa laban at samin. Sa totoo lang, hindi talaga ako marunong lumaban. Bigla nalang kaming sinalang ni mam e wala pa nga kaming alam. Pero dahil dun sa paglalakbay namin, medyo may alam na ako. Kahit onti.
Alam niyo rin bang pwedeng magsugatan dito pero walang saksakan! Baka ang pagsasanay na to mauwi sa libingan. Haha!
Pagkataas ko ng ulo ko, andito na agad sa harap ko si Morris at handa na akong tusukin ng espada niya. Buti nalang ay napaiwas ako. Pero hindi parin malalagpasan ang tulis nito na medyo nagpasugat sa aking pisngi.
"Sa bawat laban kailangan laging handa."-seryoso niyang sabi. Siya pa talaga ang nangatwiran! Kaya nagpokus ako.
Ipinaikot ko sa kamay ko ang espada ko. Tanda ng paghahanda at pagayos ng espada sa pano ko ito hawakan.
Sinugod naman niya ako. Ihihiwa na niya sana ito sa aking dibdib buti na lamang ay nasalo ko iyon ng espada ko na tumunog ng dahil sa pagdikit at pwersa ng mga espada.
"Na-ah."-pangaasar ko sakanya. Inikot ko naman ang isang paa ko at pinatama sa mukha nya at ibinaba rin ang espada niya. Hah! Double kill!
Nagulat ako ng bigla siyang kumilos at sinugatan ako sa braso sabay tutok sa aking leeg na nagpaangat ng aking mukha.
"Wag kang magsasaya ng dahil lang sa natamaan mo ko. Magsaya ka kapag natalo mo na ko."-mapangasar naman na sabi ni Morris.
Nang may naisip ako. Iniwas ko ang aking ulo at ibinaba ito kasabay ng paghiwa ko sakanyang tuhod. Kaya napahawak siya roon. Eto na ang pagkakataon ko habang nakahawak pa siya sa kanyang tuhod na aking sinugatan. Kailangan ko mo nang ibaba ang kanyang espada para wala na siyang maipang laban.
Mabilis naman niyang itinutok sakin ang espada niya. Mabilis naman akong napangisi at nagulat pa siya. Mas pinadali niya ang pagkatalo niya.
Umurong ako at sabay na sinalubong ang kanyang espada. Espadahan lang kami ng espadahan. At ng makakuha ako ng tsamba, itinaas ko ang dalawa naming espada kasabay ng pagikot ko at kinuha ang espada niyang nasa hita ko na. Wag niyo nang tanungin kung pano. Naisip ko lang naman.
Hinawakan ko ang kanyang espada kasabay ng paghagis ko sakanya dahilan para umiwas sya. Ay shunga! Dapat hindi na siya umiwas! Mas lalo siyang masusugatan e!
At tama nga ako, bigla namang tumarak sa pisngi niya ang espada at lumabas ang dugo na umagos ng umagos dahil sa lalim.
Nang dahil sa sakit bigla nya itong hinawakan. Iiwan ko na sana siya ng magsalita siya na ikinahinto ko.
BINABASA MO ANG
The Pranshie Academy:The Lost Princesses(On-going)
Fantasy"Being a princess is not easy, but being everyone's protector is wonderful."-Lillianna. [EDITED VERSION] Written in tagalog By: sydnie_fmq_365