Prologue.

16.8K 350 11
                                    

03-15-17

-Ang Simula-

"Bilang reyna ng mundong ito, isinusumpa ko kayo! Bitawan mo ang anak kong prinsesa!"sabi ng isang babae na naghahari sa mundo ng mga mahika.

"Manahimik kayo! Ikulong ang limang reyna! Wag na wag niyo silang papakawalan!"sigaw ng isang lalaki na parang nababaliw habang hawak-hawak ang isa sa anak ng limang reyna.

"Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ang anak ko!"pagpupumiglas ng mga reyna. Habang ikinakadena.

"Ngayon naman."napatingin naman ang limang prinsesa sa nagsasalitang lalaki.

"Papatayin ko na kayo para wala ng mga tagapagligtas ang mundong ito!"sabay-sabay naman niyang sinaksak ang dalawang prinsesa na nakahilata nalang ngayon sa sahig at wala nang buhay.

"Hindi ang aking anak!"sigaw ng dalawang reyna na ngayon ay nakakasaksi sa mga nangyayari.

"Hindi! Hindi.."napasigaw naman ang tatlong natitirang prinsesa habang nanginginig.

"Ka'y gandang mga prinsesa, ngunit nakatakdang paslangin!"tinusok naman niya sa tiyan ng dalawang prinsesa ang dalawang espadang hawak ng dalawang kamay niya.

"Parang awa mo na! Ibibigay namin sayo ang lahat-lahat basta wag mong paslangin ang aming mga anak! Nagmamakaawa ako sayo."napapaiyak na sabi ng isang reyna na ngayon ay nakaluhod.

Hindi pinansin ng baliw na lalaki ang mga reyna dahil sa biglang pagsasalita ng huling prinsesa.

"H-Hindi."halos mapatulala nalang ang natitirang prinsesa sa sinapit ng kaibigan niya.

"Ang akala ko makapangyarihan ka? Ayun pala sabi-sabi lang."parang pagkadismayang sabi ng lalaki.

"Isinusumpa ko kagaya ni ina! Mapaparusahan kayo! Parusang magdadala sainyo sa kamatayan!"laban ng natitirang prinsesa.

"Hindi anak! Wag mong sabihin iyan!"pagpigil ng isang reyna.

"At hindi mangyayari yan!"sinaksak naman niya sa puso ang natitirang prinsesa na ngayon ay nakahawak sa espada habang may lumalabas na dugo sa bibig.

"ANAK! TAMA NA! PARANG AWA MO NA!"halos mabaliw ang mga reyna ng makita ang mga anak nila na nakahandusay sa sahig na naliligo sa sariling dugo.

"B-Bilang k-karesperespe-tong prin-sesa. Ibi-bigay ko s-sa kaharian na i-ito ang a-king kapangyarihan at pag-asa. Ama, tu-tulungan mo s-sana ang mga na-iwang umaasa samin. Ama at aking ina, ma-hal na ma-hal ko kayo."huling hiling at sabi ng prinsesa at nawalan na ito ng buhay.

"Hindi! Anak gumising ka! Ipaglaban mo kami!"tumakbo naman ang mga reyna na umiiyak na ng sobra, pero hindi sila nakaabot dahil sa kadena. Mahaba ang kadenang ito pero hindi sapat para makaabot sa mga nakahandusay na prinsesa.

"Hahahaha! *evil laugh* Ako na ang bagong HARI ng mundong ito! Sa wakas!"halos magsisisigaw ngayon ang sinasabing bagong hari habang nakatapak sa kinaroroonan ng trono ng reyna.

Walang nagawa ang mga reyna kundi umiyak sa mga nangyari sa anak nila na nakahandusay ngayon sa harap ng sinasabing bagong hari.

Nang biglang lumiwanag ng sobra sa itaas ng kaharian. Kaya napatakip sila sa mata nila sa sobrang liwanag. Nang mawala ang liwanag napatitig ngayon ang mga reyna sa pinanggalingan ng liwanag na halos nagpatigil sa kanilang iyak at tinititigan na lamang limang nilalang na ngayon ay nakatingin narin sakanila.

The Pranshie Academy:The Lost Princesses(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon