C34.

2.2K 84 1
                                    

05-27-17

-Narrator-

Pagkababa nilang lahat, nilapitan ng mga lalaki si Yuan na medyo hinihingal parin dahil sa pagtakbo niya. Kaya naka hilera silang lahat ngayon habang ang mga nanonood ay todo ang pag-cheer sakanila. Sa mga prinsipe lang pala.

Nagsalita naman ang babaeng nagngangalang Ivy, ngunit hindi ito naririnig ng kanyang mga pinagsasanay.

Pumitik naman si Ivy dahilan para mapatigil ang mga hiyawan at dahilan rin ng pagkagulat nila Lillianna.

"Wow! Ang galing!"-manghang sabi ni Lillianna. Ningitian lang sya ng tipid ni mam Ivy.

"Tulad ng nakita ko kanina, magagaling ang mga nagawa niyo. Lalo na kayo mga babae."-ningitian naman ng matamis ng mga babae si mam Ivy. Habang yung mga lalaki walang ekspresyon. Habang ang mga nasa paligid nila ay nakatigil na animo'y tumigil ang oras.

"Pero lagi niyong tatandaan ang sasabihin ko."-wika ni mam Ivy na nagpakinig ng maiigi sa mga pinagsasanay niya.

"Hindi sa lahat ng oras, sa kapangyarihan niyo kayo aasa. Hindi sa lahat ng oras kapangyarihan lang ang gagamitin. Matuto kayong lumaban ng patas, pantay at makatwiran."-mam Ivy.

Tumango tango naman sila.

"Simulan na natin."-pinagpares-pares naman ni mam Ivy ang sampung tao.

-Lillianna-

3 days later...

Matapos ang tatlong araw na pagsasanay namin walang tigil ang pinapagawa ni mam Ivy. Pahaba ng pahaba ang pagsasanay namin. Syempre tinuruan rin nya kami kung pano gamitin ang kapangyarihan namin at pano gumawa ng action gamit ito.

Tulad ng sabi ko pahaba ito ng pahaba. Pano ko nasabi? Nung 1st day namin isang oras lang titigil na kami at magpapahinga, tapos laban ulit. Hanggang pataas na ng pataas ang oras na sa puntong umabot pa ito sa 12 hours na pagsasanay. Wala siyang tigil, kailangan maglaban kayo ng maglaban. Ang nakakapagtaka, napapagod kami ng sobra pero hindi kami nababalian manlang ng mga buto.

At heto kaming mga babae nakaupo sa upuan habang kumakain. Payatot na nga kami ginawa pa kaming kalansay ni mam. Kaya ngayon para kaming mga PG na kumakain. Tinapay lang kaya ang kinakain namin nung panahon na yon! Ayaw kaming pakain masyado ni mam dahil bibigat daw ang galaw namin at katawan. Grabe talaga yun si mam. Kaya binubusog na nga lang namin ang sarili namin sa tubig. E' wala kaming magagawa e! Gusto mo bang lumuhod at nakataas pa ang dalawang kamay sa tirik ng araw? Isang araw kang ganun kapag hindi ka sumunod. Kaloka!

Hanggang sa natapos na nga at dumiretsyo talaga kami dito sa cafeteria kahit medyo pawis parin kami. May fresh air naman e, kaya hindi kami naiinitan. Pero syempre pinunasan namin ang mga pawis namin, habang ang mga kasama naming lalaki umuwi mo na sa dorm nila, maliligo raw mo na sila at dederetsyo narin dito. E' sa gutom talaga kami e?

"Rebecca! Kuha ka pa nga ng extra rice! Please..?"-utos namn ni Janelle kay Rebecca habang may kanin pa sa mukha. Kasi nakakamay lang kami rito. Halos mandiri na nga samin yung mga nasa paligid kasi ang kalat daw naming kumain. E' pakielam ba namin sakanila?

"Eh? Ako nanaman?!"-ngumuso naman si Janelle kaya walang nagawa si Rebecca kundi ang tumayo at ipagpag ang kamay na meron pang kanin. Kaya mas lalong napatingin samin yung mga estudyante sa paligid namin.

Kitang kumakain kami e, wag nila kaming artehan. Nako! Papalunok namin sakanila ang buto ng manok na nasa harap namin. Arte ng mga to.

"TABI-TABI!"-rinig naman naming may sumisigaw na lalaki at nakikipagsiksikan. Pero tulad nga ng sabi namin, hindi namin ito pinansin at pinagpatuloy ang pagkain namin.

The Pranshie Academy:The Lost Princesses(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon