Mafia Boss?!

31.1K 384 6
                                    

                            [Mira's POV]

Hinatid ako ni Scott pauwi. Hanggang paguwi, iyak parin ako ng iyak. Ewan, parang hindi ako nauubusan ng mailuluha.

Nandito na ako ngayon sa guest room. Ang kapal naman siguro ng mukha ko kung sa kwarto parin namin ni Gray, ako matutulog.

Pilit ko paring inaalala yung mukha ni Gray nung naglalakad  kami ni Scott paalis. Ngayon ko lang siyang nakitang ganun.

Gusto ko siyang puntahan ngayon, pero wala akong lakas ng loob para gawin yun. Siguro nga, takot na akong masaktan.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko, at napagdesisyunan na pumunta nalang sa garden. Gusto ko munang magmuni-muni.

Umupo ako doon sa bench. May mini bench kasi dito, sa garden. Ang lamig dito. Pero okay lang, fresh kasi yung air. Dahil narin siguro sa mga bulaklak na nandito.

"It's cold." Nagulat ako ng may magpatong ng jacket sa likod ko. Agad akong humarap para malaman kung sino ang taong yun.

"D-Dylan?"

Nginitian niya lang ako. Tapos umupo siya sa tabi ko.

"Si Kuya nanaman ba? Ang dahilan, kung bakit, nagkakaganyan ka?"

"O-Oo."

"Mira, I know, I'm not in the right position to say this. Pero kasi ayaw ko nang itago. Kasi nahihirapan na si Kuya. Mira, sobrang dami nang sinakripisyo sayo ni Kuya. Sapat na siguro yun para hindi mo siya iwan.. Ulit." Seryosong sabi ni Dylan.

"Ulit?"

"Mira, Hayy. Mahal ka ni Kuya noon pa. Pero sobra na. Sobra mo na siyang nasaktan. Kaya nagalit siya sayo, pero look, hindi ka parin niya matiis. Ito nanaman siya. Sasaktan nanaman niya yung sarili niya. Magpapakalulong nanaman siya sayo. Una, takot si kuyang maiwan mo ulit. Pero ano? Iniwan mo nanaman siya. Ganun ba talaga kahirap, ipaglaban si kuya? Kahit ngayon lang?" Mariin na napapikit si Dylan pagkatapos niyang sabihin yun.

"Dylan, hindi lang naman yung kuya mo yung nasasaktan. Hindi mo alam kung ilang beses akong nasaktan dahil sakanya. Pagod na ako. Nakakapagod na. Wala naman siyang pake saakin. Bakit parang ako yung lumalabas na masama dito huh?"

"Kung ano man yung sakit na nararamdaman mo ngayon. Wala pa yan sa sakit na naramdaman ni Kuya, yung bawat pagtitiis niya. Sobrang dami niyang ginive up for you. Sobrang dami. Kung alam mo lang. Sana, Mira. Kung hindi mo nanaman kayang ipaglaban si kuya, just let him go. Tama na, masyado na siyang nahihirapan because of you." Sabi niya saakin. Hindi parin siya nakatingin saakin.

"Bakit ako? Hindi ba ako nahihirapan, Dylan? Siya lang ba yung nasasaktan dito?"

"I'm not saying na hindi ka nasasaktan."

"Pero pinapamukha mo saakin na parang siya lang yung nahihirapan."

"Totoo, naman Mira huh! Sige, anong nagawa mo na para kay kuya? Ano yung mga isinakripisyo mo na para sakanya?"

Napayuko nalang ako. Ano nga ba ang naisakripisyo ko na para kay Gray?

"Diba wala? Pero siya. Sobrang dami na. Tao lang din siya, Mira. Nasasaktan. Kaya please. Kung hindi mo kayang ipaglaban siya. Iwan mo na. Masyado na siyang nasaktan. Tama na yung sobrang daming beses mo na siyang sinaktan. Wag mo nang dagdagan." Pagkasabi niya nun. Iniwan na niya ako dito.

Ganun na ba talaga ako? Grabe ko na bang nasaktan si Gray? Bakit kung makapagsalita si Dylan para wala namang ginawa si Gray na ikakasakit ko?

Unti-unti nanaman akong napapaluha. Ganun na ba ako kasamang tao?

I'm Just His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon