After 3 months of vacation, na para sakin di naman talaga bakasyon para sa magandang katulad ko. Dami kasing pinapaggawa ng mga teacher nato!
Pero buti nalang may julalay ako at SIYA ang gumagawa ng mga assignment ko! MwuahahahaDito ako ngayon sa maganda kong kwarto, nakahandusay. Inaantay ang pinatimpla kong juice.
Wala si Papa dahil Nasa Bicol siya. Isa siyang Pastor at ako? Isang anghel na naging demonyo. Mwuahaha ( sa susunod talaga magpapraktis ako ng evil laugh )
Si Mommy naman, ayun Nasa Australia isa siyang singer-actress sa theatre at binabalak akong kunin at pag aralin at ayoko!. Andun si Ex!
Si Ex na nanakit sakin!
Si Ex na unang nanakit sakin!! Ayoko siyang makita!
Ayokong makita niya ang maganda kong mukha na di pa nakakamove on!!
At malay ko ba kung may gf siya dun?! Oo bitch ako! Pero siya ang kahinaan ko. Maganda na rin siguro yung nasa Australia siya nakakastress ang panget niya! -_-
Ah basta! Ayoko siyang makita!! Period. No erase! Padlock! Tapon Susi!!Nasa kalagitnaan ako ng pag kukwento ng bigla nalang kumatok si Juday my Julalay
" Eto po yung juice nyo" si Juday my Julalay na halatang ang daming ginawa sa kusina. Nakakapagtaka, juice lang naman pinatimpla ko. Kailangan niya ba talaga maging haggard ? -_- .
"Pasok" pagkasabi ko, tumambad naman sakin ang pagmumukha niya.
Inabot niya din naman sakin yung juice ng makita niyang nakataas ang isa kong kilay. Tinatamad akong kunin eh gusto ko iabot nya. Ganun ako kabait na kapatid.Yung ayos ng buhok niya, ok lang naman, kaso makapal na kala mo di nagsusuklay. Dapat dito rebond eh. Short hair siya yung hanggang balikat lang. Kung ako maputi, siya naman morena. The way naman siyang manamit. Simple lang, simpleng tshirt lang with jeans with rubber shoes. Ganun lang sa tuwing papasok kame. No uniform kame pero may Organizational Shirt kame or should I say, College Shirt per Course. Minsan nga, pag nagkakasabay kaming na pasok, kung pagtatabihin kame? Di kame halatang magkapatid. Magkasalungat ang ugali namin malamang ib---
"Juice nyo?" Tanong niya na pagpuputol sa kwento ko. Napaka amp!
"Juice mo, Juice mo. -_-" I said sarcastically.
" Kaya nga hawak ko diba? Iinumin ko na nga eh? Istorbo ka eh!! Patahimikin mo yang bibig mo kung ayaw mong ibato ko to sayo kasama tong baso na to" -_____- Paepal!
Ininom ko naman ang juice. Para may ganap naman tong Apple juice na to sa story ko. Ugh! Gusto ko ampalaya juice!! Taste like a bitter. XD
"Bakit muka kang manang?" Prangkang tanong ko sakanya ng di pa sya nakakaalis.
Nakatunganga kasi sa harapan ko inaantay nya sigurong mag ' thank you ' ako? . Eh di nga uso sa katulad kong maganda yun! -_-
Inayos nya muna ang buhok nya at tska nagsalita.
"Nagluto po kasi ako kanina ate" paliwanag nya.
Nabasa niyo? Ate. Kapatid ko sya, kapatid ko na di ko kadugo. Gulo noh?Wag mo ng intindihin. Intindihin mo ko.
"Marami akong naluto ate Bi. Gusto mo magdala ako?. Ano gusto mo? Dali, iaakyat ko dito!!. Anong gusto mo? Anong gusto mo?! " Pagpapatuloy niya na may kasamang pagpapalakpak na may talon talon pa. Ang hyper eh -_-
"Gusto ko? Gusto ko patahimikin mo yang kaluluwa mo! At lumayas sa kwarto ko!! Kung ayaw mong ipadampot kita sa mga gwardiya!!" Sigaw ko sakanya
"Pero ate, wala tayong gwardiya!"
"MAGHANAP KA!!" UGH!
Babatuhin ko sana siya ng unan ng kumaripas naman siya ng takbo. Maganda yan. Umalis siya dito. Nababadtrip ako! Ipinagpatuloy ko nalang ang paginom ko
BINABASA MO ANG
Walang Forever sa kwentong to! (Bitter Story)
Teen FictionKung hilig mong basahin ay tungkol sa kilig, Happy ending oh kung ano man tungkol sa pesteng pagibig nayan. Mawalang galang pero di ka pwede magbasa neto! Hindi to tungkol sa love!! Bitter to! Anung expect mo sa kwento? BITTER lang pwede magbasa...