Gumising ako ng maaga para hindi na ako malate. Baka mapagalitan nako ni mommy no. Bumababa yung grade ko sa physics, lagi kasing first subject yun. Remember, lagi akong late.
Naligo nako agad at nagbihis. Pagkababa ko nakita ko si mommy na naghahanda ng almusal.
"My di napo ako kakain, sa school na lang po. Baka po malate nanaman po kasi ako, alis napo ako ma, baka po gabi narin ako makauwi, gagawa po kasi kami ng project sa bahay nila Kate." Pagpapaalam ko kay mommy. Balak kasi namin sana ni Kate na bukas na gawin kaso masyadong mabait yung teacher namin sa Filipino at sinabing bukas na agad yung pasahan. So no choice kami, oh diba ang saya? Tss.
Pero may mas malupit pa dyan, dahil kada grupo ay dapat tatlong myembro, akalain mong naging kagrupo namin si panget? Lahat kasi ng nag-aaya sa kanya ay nirereject nya, nagkataong hindi pa kami naghahanap ng kagrupo ni Kate at sa kasamaang palad ay sya na lang ang natira.
"Sige mag-iingat ka nak. Baka daanan ka na lang dun ng Ate Yssa mo, dun din naman daan nun pauwi." Sagot ni Mommy.
"Sige my, Ba-bye po!" Sabay halik kay mommy sa pisngi. Sweet ko no? char.
Pumasok nako. Ganun pala talaga kapag laging late no? Napapaulanan ka ng mga salitang "O himala gumana na si alarm clock", "Ano nakain mo?", "May sakit ka ba?", "Nagbabagong buhay ka na ba?" At ang masaklap pa dun, pagpasok ko ng room, napalakpakan nila ko with matching standing ovation pa. Huhuhu. Ganun na ba talaga ko ka-late lagi?
Oo, nagtanong ka pa.
Ang tagal ng uwian, ganun ba talaga kapag boring? Bumabagal yung oras? Buryo na ko.
Discussion sa Filipino. El Filibusterismo. Kung hindi nyo naitatanong 2nd sem na kasi ngayon at last topic namin tong El Fili. Kagulat no, ewan ko rin eh pero napagaralan na namin to nung Junior Highschool palang ako. I'm Grade 12 to be exact.
Nung una ayaw ko sa K-12 dito sa Pilipinas. Pano ba naman kasi kung sakali man, 2nd year college na dapat ako sa mga panahong yun pero dahil sa K-12 g-graduate palang ako nun ng high school. Pero napaka dami din palang advantage ng K-12.
"Wow bessy, starting pack mo na ba yan? Mukhang sinunod mo na yung payo ko sayo ah? Himala ka talaga, siguro napagtanto mo na magbagong buhay na for Scott no? yieee nagpapagoodshot na sya..." Sabi ni Kate sabay sundot sa tagiliran ko.
"For Scott? Di ba pwedeng nag aalala lang sa grade? Aba bumababa nako sa physics no, kailangan kong bumawi." Sagot ko naman. Napaka kulit talaga netong babae nato, laging pinupush sakin si Scott.
Sya ata may gusto dun eh.
"Okay, sabi mo eh." With matching taas taas ng kilay pa, nako talaga. "Nga pala, okay na ba yung summary mo para sa project natin?" Tanong niya.
"Oo okay na, nagawa ko na kagabi. Award ka ah, bakit halos kalahati ng el fili yung saakin? Napaka daya..." Paawa kong sambit sa kanya.
Syempre malay mo magbago isip, kahit malabo naman talaga.
Kahit nga yung kay Scott tatlong chapters lang ata. Napaka. Napaghahalataan ko na talaga to eh. Onti pa.
"Eh bessy dami ko kasing ginagawa, lam mo na. Hihihi. Okay lang yan, alam ko namang kaya mo yan eh, ikaw pa ba? Magaling ka naman eh. Atsaka di ko kasi sure kung gagawa yun si Scott kaya tatlo lang binigay ko sa kanya. Kunwari ka pa, for sure naman tapos mo na yun gawin, kilala na kita no. Nga pala, sabay na kayo ni Scott pumunta sa bahay mamaya ah? Ihahatid kasi ako ni Cron mamaya, may dadaanan lang kami sandali."
Cron Silva. Boyfriend netong si Kate. Oh diba baliw lang ako, pinaghihinalaan kong may gusto to kay Scott pero may boyfriend na. Pero wala pa naman silang isang buwan, malay natin baka meron talaga, char. Pero di ko pa kasi close yun si Cron mukhang masungit kaya, nakakahiya naman. Pero what? Si Scott? Goodluck sakin.
Magugulo nanaman buhay ko neto eh.
"Nye, banaman yan. Sige sige." Tss.
"Okay lang yan, labidabs mo naman yun eh." See? Yan nanaman sya.
Tss baka magsigawan lang kami nun mamaya, never ko talagang makakasundo yun.
Hay sa wakas, tapos na rin ang klase. Lumapit nako kay Scott para sabihin sa kanyang makikisabay ako sa kanya papunta kila Kate.
"Hoy panget, makikisabay ako papunta kila Kate. Siguro naman pupunta ka diba? Ayaw mo naman siguro bumagsak?" Sabi ko sa kanya.
"Oy panget daw, kinakausap ka ata netong payat na to oh" Sabi nya sa katabi nya. Aba loko talaga tong mokong nato.
"Ikaw yung kausap ko Scott baliw!" Sigaw ko. Sabi ko sa inyo walang araw na di ako naiinis dito. Nagsisimula nanaman eh.
"Ay ako ba? Panget kasi eh, akala ko sya. Hahahaha! Pero ako panget? Mas mukha ka pa ngang panget kesa sakin. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Tang ina. Please ibaon nyo napo sa lupa tong epal nato.
"Lakas mo talaga mang asar no? Sabi ko makikisabay ako papunta kila Kate. Siguro naman pupunta ka diba? Ayaw mo naman siguro bumagsak?" Balik kong tanong. Wala rin naman kasing mangyayari kung papatulan koto.
"Sasabay? Walang problema yat, sasabay lang pala eh" Pa sweet na sabi ni mokong. Wow ah, matapos ako asarin biglang magpapasweet.
Niligpit na nya yung gamit nya sabay tumayo at naglakad na, aba di manlang ako hinintay. Tingnan mo to wala talagang ugaling pagka-gentleman kahit kailan.
Sinundan ko na sya hanggang sa parking lot ng school. Sumakay na sya sa motor nya at nung akmang sasakay nako eh bigla syang nagsalita.
"Oh bat ka sasakay? diba sabi mo sasabay ka lang. Sige sabay ka na. "
WHAT? GRABE AH, AS IN. PAGLALAKARIN BA KO NETO? SHEMS.
Dumating na kami kila Kate. Dumeretso ako agad sa ref nila para kumuha ng tubig. Aba napagod ako masyado no. Ikaw kaya paglakarin ng tirik yung araw, wala pa naman akong payong manlang. Medyo malayo-layo rin naman tong bahay nila Kate. Mamamatay na ata ako sa pagod at inis dahil sa mokong nato eh. Naglalakad ako sa ilalim ng araw habang sya tawa ng tawa habang nakasakay sa motor nya.
"Oh andito ka na pala, asan si Scott? Bat parang pago na pagod ka? Anyare?" Nagaalalang sabi ni Kate.
May nakasabay kasi akong demonyo.
"Ah wala nauhaw lang ako, masyadong mainit sa labas eh." Di ko na sinabi sa kanya dahil alam kong magu-guilty lang to. Sensitive din kasi tong si Kate minsan eh.
"Ah ganon ba, o sya start na tayo. Dun nalang tayo sa sala gumawa, sunod ka na lang" Sabi nya.
"Sigesige, susunod narin ako."
Hay buhay.
Natapos namin yung project namin around 7pm na ata. Nagtext narin si Ate Yssa na malapit na raw sya so nagligpit narin kami. Habang nagliligpit may naramdaman akong malamig sa ulo ko.
Anak ng--- Binuhusan lang naman ako ng glue sa ulo netong magaling na si Scott. Taragis di nako nakapagtimpi at nahagis ko sa kanya yung notebook na nakuha ko sa lapag. Tawa sya ng tawa habang ako punong-puno na.
"ANO BANG PROBLEMA MO AH?! AKALA MO BA NAKIKIPAGBIRUAN AKO SAYO? WALA KA NABANG IBANG MAGAWA SA BUHAY MO?MAS OKAY SANA KUNG MAWALA KA NALANG PARA MATAHIMIK NA YUNG BUHAY KO!" Sabi ko sa kanya. Sorry not sorry punong puno na talaga ko. Atsaka di naman kami close para pagtripan nya ko araw araw no.
Nagwalk out nako. Pero bago ako lumabas...
"Don't you dare talk to me again, Scott Sy." Sabay labas.
Alam kong maraming magiging tanong to sakin si Kate. Pero sa ngayon pagod nako, punong puno na.
Ayoko na.
YOU ARE READING
Love is Over (On-going)
RomanceAlyja Bueno is my name. Sabi ng iba, "madami pang iba dyan", "makakahanap kadin ng iba, yung mas deserve yung pagmamahal mo, yung hindi ka iiwan". Eh pano kung ayaw ko nung "iba"? Pano kung sya lang talaga? Paano? There are 3 simple rules in life...