Isang linggo na ang lumipas. At sobrang thankful ako na di nako kinukulit ni Scott. Hays salamat naman at natauhan na siya. Pero infairness ah, namiss ko yung pang-aasar niya sa akin. Pero mas okay narin naman to., wala ng nang iinis sa akin.
Lumabas na ko ng room para pumunta sa locker ko. Kukunin ko kasi yung libro ko sa literature, mag fi-finals na rin kasi, kailangan na magreview kahit pakonti-konti.
Pagbukas ko ng locker nagulat ako dahil biglang bumagsak yung mga gamit ko. Award. Sa pagkakatanda ko di ko naman to iniiwanan na punong puno, puro libro at konting notebook lang ang nilalagay ko dito.
Pagtingin ko may nakita akong teddy bear at bulaklak sa loob. Kaya pala napuno eh.
Teddy Bear at bulaklak? Sino namang maglalagay ng ganto sa loob ng locker ko?
Kinuha ko na ito kasama ng kukunin kong libro at bumalik na ng room.
"Bessy kanino galing yan? Di mo nako kinkwentuhan ah, nagtatampo nako." Malungkot na sabi ni Kate. Eto naman.
"Baliw, di ko din alam kung kanino galing yan no. Nakita ko lang sa locker ko kanina." Sagot ko naman. Wala talaga kong idea kung kanino galing eh. Kanino kaya? As far as I know wala namang nagkakagusto sakin, ni wala rin naman akong close friend dito maliban kay Kate. Kaya sinong magbibigay nito?
"Secret admirer huh?" Sabi nya.
Sino kaya?
Naglalakad ako sa hallway, pauwi na rin kasi ako. Papunta na ko ng parking lot para puntahan si Mang Roger at nang makauwi na.
Pasakay na ko ng kotse nang may lumapit sa akin na bata. Alam kong tiga Franz Clair University sya kasi nakapang uniform sya na pang elementary ng FCU, so tiga dito sya.
May inabot sya sa akin na envelope at sabay tumakbo palayo.
Weird.
Ano kaya ito? Sa bahay ko na nga lang titignan.
YOU ARE READING
Love is Over (On-going)
RomanceAlyja Bueno is my name. Sabi ng iba, "madami pang iba dyan", "makakahanap kadin ng iba, yung mas deserve yung pagmamahal mo, yung hindi ka iiwan". Eh pano kung ayaw ko nung "iba"? Pano kung sya lang talaga? Paano? There are 3 simple rules in life...