Chapter 3: Start

17 1 0
                                    


"Aly pinapasabi pala ni Scott na manood ka daw mamaya ng game nila sa FCU Gymnasium, 5 pm daw yun. " Sabi ni Aya, president ng room namin.


At bakit naman ako manonood? hmp.


Kasalukuyan akong andito sa room. Kakatapos lang ng lunch at nagkekwentuhan kami ni Kate ng biglang nagsalita tong si Aya. Kaya pala di pumasok yung panget na yun may laro pala sila mamaya. Tss.


"Ah sige, salamat sa pagsabi pero marami kasi akong gagawin ngayon mukhang di ako makakapunta. Pasuyo na lang in case na makasalubong or makita mo sya. Salamat!" Sabi ko.


Neknek nya, di ako pupunta sa laro nya noh. Matapos nya kong sabihan ng kung ano-ano kagabi. May pa letter letter pa. Hmp. Ano sya sinuswerte? Tss.


--


Wala na talagang pahinga kapag shs ka no? Lalo na at graduating student na. Bukod sa mga pahirap na pinapagawa ng mga teachers ay hassle rin ang pag aayos ng requirements para sa pagpasok sa college. Sobrang stressful, but worth it rin naman pag nakatapos.


"Oy babae tulala ka dyan? Wag mo kasi masyadong isipin si Scott. Nga pala tinext ako nun kagabi. May laro sila nila Cron mamaya, manood ka daw." Sabi ni Kate. Ay oo nga pala varsity din si Cron ng basketball. 

Luh. Ayaw ko nga manood ng basketball eh. I'm not into sports kasi, ni wala ngang naglalaro samin eh bukod sa boyfriend ni Ate Yssa na si Kuya King. Atsaka puro kayabangan lang naman alam non ni Scott sa court. Pano ba naman kasi noong minsang nanonoood ako ng game ng basketball dahil nag fa-fangirl pa tong si Kate kay Cron eh may nagkaroon ng aberya between a player of the other team againts lang naman kay Scott. 

Pero sabi kasi ng iba adrenaline rush daw yung ganon, yung ginagawa sa court ni Scott na parang nagmamayabang. Pero kahit ano man yun, nayayabangan pa din ako sa kanya.


"Ayaw ko. Madami akong gagawin. Ikaw ba? Wala ka bang inaasikaso? Pa petiks ka na lang ah? Buti ka pa. Atsaka wala naman akong mapapala dun." Balik ko naman.


"Anong wala? I-cheer mo si labidabs mo! Alam ko tune-up yun againts sa karival ng school natin. So importanteng laro yun para sa basketball team!" Sagot naman nya.

Eh ano naman? Di naman ako player ng basketball team ah! mababatukan ko natong babae nato eh. Pilit kung pilit ang ate mo.


"Nako ang dami daming tao na dun panigurado. At kung cheer lang din naman ang pag uusapan, panigurado madaming mag che-cheer dun. Ang dami kaya nilang tagahangang mga babae, for sure magtititili yun para sa kanila." 


BIG 5 ang tawag sa limang sikat na players ng basketball team. Sila ay sina...

 Sila ay sina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love is Over (On-going)Where stories live. Discover now