Prologue

33 3 1
                                    



"Mom, I'm not a kid anymore. Di mo na ko kailangang ihatid pa sa school. Atsaka andyan naman si Manong Roger para ihatid ako. Kaya ko na my, alis napo ako..." Nagmamadali kong sabi.



Sabay takbo ko palabas ng bahay. Si mommy naman kasi  napaka kulit, sabi nang wag na akong ihatid pero ang kulit padin. May pasok pa kasi sya, at alam kong magiging abala lang kung ihahatid pa nya ko.



"Mam, ano pong oras ang uwi nyo mamaya? Para po masundo ko po kayo" Mang Roger.

"5 pm..." Tipid kong sagot. Nanonood kasi ako ng K-drama sa cellphone ko. Nandon nako sa part na nakakaiyak, sorry Mang Roger, later nalang drive ka lang dyan.



Ewan ko, pero lately nagugustuhan ko na yung mga palabas ng mga korean. At first I don't like them, especially yung mga group, wala, I don't feel them lang talaga. Pero after ko mapanood yung Dream high ayun tuloy tuloy na. I love music rin kasi, nung bata palang ako isinasali nako ni Mommy sa mga Singing Contest atsaka mahilig din akong tumugtog ng gitara, si Daddy kasi mahilig sa mga instruments. 



Naalala ko nanaman si Daddy. Hmm. 



He passed away when I was 10 years old, car accident. It was not easy. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung tatay mo pa. Pero okay naman na ngayon, stable na ang buhay namin. At alam ko naman na kahit wala na si daddy alam ko na lagi lang syang nasa tabi ko para bantayan ako.



"Mam andito napo tayo."

Ay andito na pala, masyado kong nalibang.


Masyado akong nadistract kay Kang Cheol, magkakaroon kaya ng katulad nya sa totoong buhay?


"Sige po, pasundo na lang po ako mamaya. Salamat po, ingat po kayo" Bumaba na ko ng kotse at pumasok na ng campus.


Habang naglalakad napatingin ako sa relo ko. Aish late nanaman ako. Ano pa bang bago? as always naman. Papagalitan nanaman ako ni Ms. Domingo neto. Waaah bagal bagal ko kasi kumilos eh. Nakakaantok naman kasi talaga pag umaga. Tss. Tumakbo na ko para lang makaabot sa first class ko. At tulad nga ng inaasahan ko nagsisimula na yung first subject, physics pa naman to hanep napakagaling mo talaga Aly.


"Oh Ms. Bueno late ka nanaman, hay nako di ko na alam kung anong gagawin sayo. O sya bilisan mo at mag qu-quiz na..." QUIZ?!!! SERYOSO?! HALA NI WALA NGA ATA AKONG MAAYOS NA NAPASUKANG DISCUSSION SA SUBJECT NYA EH PURO KASI AKO LATE HANEP PAKTAY AKO NITO.


Manalig ka lang, manalig ka. Papasa ka aly, tiwala lang. Umupo nako sa upuan ko at nagsimula ng maglabas ng papel at ballp—seriously? Ngayon pa nawalan ng tinta tong ballpen ko? Aish.


"Okay number 1—"

"Ma'am! Wait lang po, teka lang, nawalan po kasi ng tinta yung ballpen ko, pwede po bakong bumili muna?" Nahihiya kong tanong. Sobrang malas ko na ata talaga.

Love is Over (On-going)Where stories live. Discover now