Chapter 2

3.4K 89 4
                                    

Gabriella's POV

I bought 2 tickets to Wonderland, yes Wonderland, the reason why i bought tickets? Its because LANY will be performing there and i have to see them, LANY is a huge deal for me, LANY is my favorite band so..

The other ticket is for Ricci, yes kailangan niya akong samahan, kasama to sa pang liligaw niya, pag humindi siya diretsong busted na siya agad saakin.

Syempre joke lang yun diba, pero yun yung panakot ko sakanya, nung niyaya ko naman si Ricci pumayag naman siya agad, gusto din daw kase niya mga kanta ng LANY.

Sasama din sila Brent at Bea, sabi nga ni Bea double date daw.

So clearly i woke up around 11:00am para lang maka pag prepare, i know masyadong maaga pero kailangan ko pag handaan to, hindi to ordinary music festival lang, pupunta dito paborito kong banda!

I took a long bath, like literal na matagal kailangan ko maging sobrang bango dahil baka biglang yakapin ako ni krass, hehe joke lang.

After that nag lagay na ako ng madaming kaekekan sa katawan para manatiling mabango, kabog diba?

So ngayon mag papaka babae ako, pero hindi naman ganun ka lala, yung sakto lang syempre so i'll be wearing a spaghetti strap from forever 21 and a black highwaisted shorts and white basic converse, Bea did my makeup just the way i like it.

*Skip To Wonderland*

Lumabas kami ng kotse ni Ricci hand in hand and people starts to recognize us, so i just found out last night na rumoured girlfriend daw ako ni Ricci, nung na basa ko lahat ng mga tweet ng fans ni Ricci namula yung pisngi ko.

As much na gusto kong mag tweet na nililigawan lang ako ni Ricci pero di ko magawa kase sabi ni Ricci hayaan ko lang daw sila mag isip ng kung ano ano, may right time daw para sabihin at malaman ng lahat.

May point naman tong palaka na to, hehe ever since na binigay ni Ricci saakin yung frog stuff animal na yun tinatawag ko na siyang palaka, naasar siya pero wala siyang magawa hehe.

Yung mga naka recognize saamin hindi kami nilapitan they just smiled at us and mind their own business.

Bea took pictures of me and Ricci, sa sobrang dami namin mga pictures halos kalahati na ng gallery ko puro kami ni Ricci.

Front row kami pumwesto para makita talaga namin yung favorite band ko, Ricci keep his arm around me while he is on his phone, masyado akong busy para maging nosy kung anong ginagawa ni Ricci, busy ako mag picture at mag snapchat.

"Ella malapit na lumabas mga baby mo" sabi ni Bea habang naka ngiti, naka akbay din sakanya si Brent kaso si Brent busy para kulitin si Bea.

"kaya nga eh" sabi ko, biglang naramdaman kong tumingin si Ricci saamin.

"anong baby baby yung naririnig ko dyan?" seryosong tanong ni Ricci na naka taas yung kilay niya, Bea smirk.

"sabi ko lalabas na yung mga baby ni Ella" sabi ni Bea, tumingin saakin si Ricci at i gave him a cheeky smile.

"ako lang baby mo diba?" pabirong sinabi ni Ricci, ako naman ngayon yung nag taas ng kilay.

"hindi pa kita sinasagot" seryosong sinabi ko, biglang nag pout si Ricci tapos tinanggal yung braso niya sa balikat ko.

"hala joke lang eh" sabi ko sabay hatak pabalik nung braso niya, tinidnan lang ako ni Ricci.

"yung joke mo masakit" sabi ni Ricci, my heart ache dun sa sinabi niya.

"sorry na Ricci" sabi ko sabay hug sakanya ng mabilis, after a few seconds Ricci finally hugs me back, napa ngiti ako habang naka yakap parin sakanya, nung bumitaw na kami biglang naging seryoso ulit muka ko.

Ricci Likes Her | Ricci Rivero [Book 2] √Where stories live. Discover now