Another issue ng pag-ibig na sawi. Haha emo lang ang peg e! Wala akong alam na ipapangalan sa mga bida dito. Ssshhhhh.
-----Masarap magmahal no? lalo na pag mahal ka din ng taong mahal mo. Yung tipong inspirasyon nyo ang isa't isa. Yung wala kayong pakialam sa sasabihin ng iba, yung tipong kasiyahan nyo lang mahalaga sa inyo. Feeling mo kontento ka na. Siya lang sapat na mga ganun! Hehe
Nainlove ako noon sa isang lalaking simple pero gwapo, para sa akin, sa tingin ko may hawig sya kay Richard Gutierrez pero syempre joke lang! Common dream on girl! Hahaha.
Hype lang e, alam mo yun 4th year college na kayo pero para pa rin siyang totoy sa paningin ko? Haha. By the way, krass ko sya 3rd year college pa lang. Pano nagsimula? Hindi ko na rin natatandaan. Ang natatandaan ko lang una ko syang nakita sa Admin building ng university kung saan naroon ang pinakamalapit na comfort room. Aga aga kasi ihing ihi ako hahaha. Napansin ko sya kasi isa sya sa mahabang nakapila para magpa-enroll. Well, late enrollees. Nasa third day na kami ng klase noon e. Tsk. Sabagay who am I to judge them by the way?
Then nakita ko sya sa room. Hala classmate kami?
Noong una hindi ko sya pinapansin kahit pa crush ko na sya, syempre hiya ko naman di ba? Hehe. Dahil isa ako sa secretary ng klase namin noon, nasa akin din yung contact numbers ng lahat ng classmates namin, regular o irregular man. It's a must daw sabi ni Dean, required talaga hehe. Kaya ayun!
Naging close kami sa text nung una kasi lagi ko syang nakakagrupo sa mga activities ng ibang subject namin, irregular kasi sya e. Bale nag-shift lang sya sa course namin ngayon. Simple sya pero iba ang dating nya sa akin. Ordinaryo sa paningin ng karamihan pero kung bakit gustong gusto ko. Sa pagmamahal , wala naman daw pinipili di ba? Ay mahal agad? Haha. Basta yun.
At may isa akong nalaman. Palihim akong nanonood ng practice n'ya sa taekwondo. Wew ang galing pala n'ya. Nanood din ako ng totoong laban n'ya nung University Foundation. He won! Kulang na lang pumalakpak ako ng bongga e! Haha
Palagi ko syang nakakatext kahit ano anong topic namin. Syempre minsan kinikilig ako. The rest was a story gang sa naging kami. Suddenly its magic.
November 15, 2012 Thursday
Masaya ako ng araw na yan. Sobra. Oo sa text ko lang sya sinagot pero ang intense ng naramdaman ko. Pagkasagot ko, ang reply nya agad meron ng mahal. Oh crap! Hahaha. Ang OA ko no? Sornagad. Nagkita kami sa school kinabukasan. Simpleng ngitian kasi masyado s'yang mahiyain. Besides ayoko din makahalata yung mga classmates namin grabe pa mandin mangantyaw ang mga yun. Hindi mo talaga kakayanin lalo na yung mga boys. Mapapa aynaku ka na lang. Ay talaga naman!
Days passed. Masaya ako sa kanya, nung time na yun wala na kong pinapangarap na iba kundi s'ya lang. Sa kanya ko pa lang naramdaman yung pakiramdam na "kuntento" at "seryoso". Hindi s'ya yung unang naging boyfriend ko pero ibang iba yung naging pakiramdam ko. Iba yung saya. Idagdag mo pang maalaga s'ya.
I'm a simple girl who dreams for a guy whom I like to be with for the rest of my life. With him, I must say that I felt safe and secured. I love you dito, i love you doon.
Marami kami naging problema pero naaayos namin agad dahil pinag-uusapan namin bawat problemang dumadating sa amin, mapaschool matters o pang pamilya man. Open kami sa isa't isa. Pati nga mga naging past relationships namin pinagkwentuhan namin e.
Ngunit tago ang relasyon namin. Ayoko malaman ng magulang ko kasi istrikto sila. Pati sa ibang kaibigan ko itinago ko, paano madaldal kasi yung iba. Dalawa lang sa friends ko ang pinagsabihan ko at napagkatiwalaan ko naman sila dahil walang lumabas galing sa kanila.
Pag uwian noon hinihintay n'yang maunang umuwi yung mga barkada ko para makasabay sya sa kin. Pag kasama ko naman ang mga barkada ko pasimple lang din s'yang sasabay.
Tandang tanda ko pa na rose yung unang ibinigay nyang bulaklak sa akin. Ang loko nadaan kami sa College of Engineering e pumitas ba naman ng rose dun. Buti wala ng tao nun dun. Pero kahit ganun kinilig pa din ako no!
Tapos yung mga panahong panahon ng mangga? Tapos sa boarding nila andaming bunga! Palagi n'ya akong kinukuhanan ng mangga at take note nabalatan na, may kasama pang alamang at asin girl! Oh pak! Haba ng hair ng ate mo girl!
Nakakaasar nga nun e kasi hindi dumidiretso sa akin, ipapadaan nya pa sa kaibigan ko kasi nga di ba, hindi pwedeng mahalata ng iba? Pero patago man, naging maayos pa rin ang samahan naming dalawa, nakakapag celebrate kami ng magkasama pag monthsary namin kahit papano. Ang sweet nya. Tapos pag pumupunta kami sa boarding nya, ginigitarahan nya ako. Syempre kilig to the max at sagad sa buto naman ang ate nyo!
First monthsary namin natapat ng sabado, walang pasok. Kung ano anong naisip namin na pwedeng idahilan para lang makalabas ako syempre para magkita kami. Pero sakto pauwi sya sa kanila kaya dun na lang kami sa palengke sa amin nagkita. Kain ng halo halo ang tema. Wala naman sa akin kahit di kami magmerienda e yung makasama lang sya ayos na ako. Inlababo alam nyo na!
Christmas and New Year. Nasa kanila pa din sya. At mahina ang signal sa kanila. Yung effort nyang aakyat pa ng bundok para lang makasagap ng signal para makatawag at magtext. Geez hindi ko talaga mapigil kiligin ng bongga.
January 6, 2013 Sunday. Tamang balik sya kasi may pasok na kinabukasan. Past 8pm na nakarating yung bus na nasakyan nila sa lugar namin. Doon naman kasi ang sakayan talaga sa lugar namin. Pinilit nya kong makipagkita sa kanya. Akala mo naman di magkikita kinabukasan. Pero nanakot pa! Aba pag di raw ako pumunta sa terminal sya ang pupunta sa bahay, and that was big NO! As in no no no no. Lagot ako pag nagkataon. Syempre gumawa ako ng paraan para makapunta. Ayyst kasi naman. Pero namiss ko sya so anong magagawa ko? Kaya yun pumunta ako.
Nung nakarating ako sa terminal, may hawak syang mcfloat at fries. Napangiti ako sa kanya, lalo na dun sa hawak nya hahaha.
Yung yakap nya sobrang higpit na akala mo taon kaming di nagkita. Nakailang halik din sya sa noo at buhok ko. Pinabayaan ko lang sya. Magkahawak kamay pa naming kinain yung fries pero halos ako lang naman nakaubos pano sumusubo na nga ko sinusubuan nya pa ako.
Tamang hiwalay na din kami pagkaubos ng fries at float that night para makauwi na din sya at makapagpahinga. May pasok kinabukasan e.
Sweet dreams!
Tbc...
------
Pag mga walang kwentang dates talaga natatandaan ko haha pero pag sobrang mahalaga na like about Histories, wa na nganga! Hahaha

BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
General FictionHanggang kailan mo nga ba siya mamahalin? A typical love story.