Naalala ko pa noon, mas excited pa sya sa akin sa monthsary namin. Lagi nya akong tinatanong kung saan ko gustong mag celebrate, kung anong gusto kong gift. Kahit naman wala e, basta magkasama kami ayos na. Sa katatanong nya bagsak namin nun sa ilog! Yung ilog na malapit sa university namin. Pero kahit ganun, ang sarap pa rin nung pakiramdam ko that time. Magkasama kami, yung effort nya tsaka yung time nya para makasama nya ako sapat na sa akin yun. Yung pakiramdam na nakasandal ka sa balikat nya. Feeling contented ka na talaga. Tapos papalubog pa araw nun. Oh yeah! That feels. Selfie lang ginawa namin dun.
Masarap din pag nagtutulungan kami sa mga assignments, sa projects, sa thesis at sa paper problems. Pag umaga dun kami sa aisle nagkikita. O kaya minsan sa college library. Pasimple lang kami dun. Hindi naman kami showy e. Mas masarap pa rin kasi sa pakiramdam yung may privacy yung relasyon nyo. Yung walang manggugulo sa inyo. Walang tutukso.
Everything seems to be perfect, pero wala nga palang perpekto diba? Maging tao, relasyon o pagkakataon man.
Masaya kaming dalawa, palagi kami magkatext pag hindi kami magkasama. Minsan pa nga sya na umaako ng ibang assignment ko lalo na pag related sa math. Sobrang inlove na inlove ako sa kanya nung mga panahon na yun, lalo na pag tinitigan ako ng magaganda nyang mata. Ang ganda lang kasi talaga ng mata nya. Tangos pa yung ilong. E ako? Tss nevermind. Haha. Sa sobrang saya ko, hindi ko gaanong napapansin yung paligid ko. Minsan wala na kong pake sa mga classmates ko e.
Pero sa buhay hindi talaga pwedeng puro saya lang, minsan mas marami pa yung lungkot. Yung sakit.
Dahil dumating yung time na bigla na lang syang naging tahimik, ilang araw ko sya napansin na parang balisa at wala sa sarili nya tuwing kinakausap ko sya, hindi rin sya gaanong nagtetext. Puro "goodmorning mahal, kain kana ng lunch, wag papagutom, goodnight mahalq". Ganun lang, typical ba? Puro pagpapaalala lang. Pero kahit ganun natutuwa pa rin ako kasi kahit papano naaalala pa din nya ako kahit alam kong may problema sya.
Ikatlong araw na napansin kong ganun sya, hindi na ko mapakali. Dahil hindi na kami magkaklase nuon kahit sa anong subject inabangan ko sya ng uwian, umupo kami dun sa umbrella tree na lagi naming inuupuan, dun sa paborito naming pwesto, yung hindi ganong mapapansin na may tao pala dun. Kinausap ko sya kung ano yung problema.. mahinahon pa ako nun.
Antagal nya bago sumagot that time, maybe it took 15 minutes of silence. Gustong gusto ko sya sigawan pero hindi ko ginawa kasi ayoko sya matorture, may problema na nga sya sisigawan ko pa ba? Tss pero nakakainis lang kasi. Feeling ko mukha na akong tanga. Feeling ko wala syang tiwala sa akin. Girlfriend ako di ba? Wala ba kong karapatan malaman yung nadarama nya?
Lumipas ulit yung another 10 minutes. I counted. Wala pa din sya kibo, sumigaw na ko, "Ano? Sasagot ka ba o hindi?". Ang hirap din pag maigsi ang pasensya mo e. Tsk. Sinigawan ko na sya but to all my surprised, I saw him crying. I frozed for a how many seconds? No, I stunned for how many minutes. The hell! Why is he crying? I wanted to ask him but no words came out. I wanted to know everything.
"SORRY" yan lang yung nasabi nya.
Nagulat ako, pero tinanong ko pa rin sya pagkaraan.. "Bakit? Para saan?"
Hindi sya kumibo, ang tahimik mga ateng! Nabibingi ako, yung tanging mga hikbi lang nya naririnig ko at lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba ko.
"Bakit?" Inulit ko yung tanong ko sa kanya ng halos pabulong lang pero may diin.
Hindi sya nagsalita pero inabot nya sakin yung cellphone nya. Nagtaka man ako pero inabot ko pa rin. Teka aanhin ko to?
"Punta ka sa inbox" mahinang sabi nya.
Alam ko nanginginig yung mga kamay ko nung inabot ko yung cellphone nya, nakita ko yung wallpaper nya. Yun yung picture namin together na ang ganda ng mga ngiti namin. Nanginginig talaga yung mga daliri ko habang tina-touch ko yung screen ng cp nya kasi may password. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa pwede kong mabasa. Kinakabahan ako sa pwede kong malaman.
Inbox.. Andaming text pero karamihan text ko, medyo kinilig ako. Ayy pero hindi yun yung tamang oras para lumandi ako. Hanap hanap.. Ayun! maraming text yung "Jamie"..
Yung kaba ko gang ganun na lang. Ano, yung ano, basta. Hindi ko maipaliwanag. Si Jamie, yun yung pangalan ng ex-girlfriend nya bago naging kami. Kinakabahan ako. Bakit andami nyang text? Anong meron? Yun yung mga katanungan sa isipan ko.
Bago ko inumpisahang basahin yung mga text ni Jamie, tinignan ko muna syang mabuti pero gaya kanina nakayuko lamang sya. Tinignan ko sya mula ulo gang paa. Sumulyap sya sa kin at nagkatitigan kami pero binawi din nya agad at yumukong muli. Ngayon ko lang napansin, nangangalumata na pala sya. Natutulog pa kaya sya? Napabuntung hininga ako bago ko inumpisahan sa unang text ni Jamie, nawindang yung pagkatao ko sa nabasa ko. Hindi ko kinaya kaya napaluha na din talaga ako...
"Miko, babalik na ako, buntis ako"
Tbc...

BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
General FictionHanggang kailan mo nga ba siya mamahalin? A typical love story.