Maaga akong pumasok kinabukasan. Mabuti na lang medyo close talaga kami ng mata ko, nadaan sa mabuting usapan. Nakisama talaga sya kaya inantok agad ako, ayun kaya di ko gaanong napagtuunan ng pansin yung problema. Sino nga bang hindi aantukin agad pag umiyak ka di ba? Syempre mapapagod yung mata mo. Sabi nga nila, itulog mo nalang ang problema. E masunurin ako kaya sinunod ko.
Teka ang daldal ko no? Heto na naman ako sa kalbaryo este sa school. Magkikita kami, pero dasal ko na huwag ko muna sana syang makita kahit sa araw lang na ito. Ang weird, dati rati excited akong pumasok para amkita sya, pero ngayon? ay naku.
Malapit na ko sa college namin. Pero hindi pa man ay natanaw ko na sya, nakaupo na nakayuko sa malapit sa building. Dun yung palagi nyang pwesto pag hinihintay nya ako tuwing umaga.
Dahan dahan akong naglakad, ewan pero sa bawat hakbang ko papalapit sa kinaroroonan nya etumitindi ang kaba ko. Dati rati sa tuwing natatanaw ko sya kinikilig ako. Pero bakit ngayon kinakabahan ako? Tangna! (Mula part 1 ata puro ako kinakabahan haha) Ayyyy tanga di ba nga kasi may problema? Tanga mo talaga. Tanga ka talaga. Oy teka? Nakakarami ka na a? OO! Tanga ka. Ooopppsss tama naman na daw ah! Ipagdiinan pa daw ba? Ayy haha nabaliw na!
Back to reality ulit, ilang hakbang na lang mapapatapat na ko sa kanya. Ano ba to, bat ba ko nakayuko ng naglalakad? Tss parang naghahanap lang ng piso e. Haha. Inangat ko ang ulo ko sa pagkakayuko, saktong pag-angat ko nagtama agad yung mga mata namin, nagkatitigan kami at alanganin syang napangiti sa akin. Nginitian ko din sya. Shemay magkaganun man, kinilig pa rin talaga ako. Kalma.
"Usap naman tayo mamaya".
Sabi nya nung nakatapat na ko sa kanya. Buset! Nasira yung moment ko. Napatango na lang ako sa sinabi nya. Matagal tagal din akong nakatayo sa harap nya. Feeling ko any minute hindi na ko makakahinga kaya napagdesisyunan kong umalis na.
"Sige una na ako akyat sa taas." Paalam ko sa kanya.
Mabilis akong umalis sa harap nya at hindi ko na hinintay na magsalita ulit sya. Gusto ko ulit maiyak. Meseket bes. Enebeyen. Diretso ako sa Girl's comfort room noon sa taas. Glad walang mga halimaw este taong haliparot dito sa loob. Pumasok ako sa isang cubicle. Sumandal ako sa pinto nito at napapikit. Namalayan ko na lang na nag-uunahan na naman yung mga luha ko.
Eto na ba? Eto na ba yung katapusan talaga? Iiwan na ba nya ako for real? Tatapusin na ba nya at pipiliin nyang balikan yung ex nya na nanay ng anak nya? Alam ko talagang sya ama nung dinadala nung girl. Pero, kakayanin ko ba? Tapos na ba? Ganun lang? Naman e, kulang pa yung kilig! Shemay bat kasi bumalik pa yun? Sana hindi na lang. Ang ganda pa mandin ni Jamie, walang wala ako dun. Lamang yun ng sampung paligo sa akin e.
Oo alam ko namang darating ang ganitong pagkakataon, iiwan nya ko at maghihiwalay kami. Nasa reality naman ako e kahit papano. Sabi nga ng karamihan walang forever e di ba? But, why it so sudden? I'm not yet ready now.
Kinalma ko yung sarili ko. Pinunasan ko yung mga luha ko. Ano na kayang itsura ko? Naku mukha na naman siguro akong atsay nito. Anubayan! Kasi naman. Oh spell K-A-L-M-A? Yun na! Inayos ko yung buhok ko. Syemre konting suklay at konting polbo para di halata yung mukha ko. Napaka ko naman. Ang aga aga emote ang inaatupag!
Hoy babae wala ka pang assignment tandaan mo! Paalala ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa harap ng salamin. Yung bilis ko na yun sa paglabas ng CR at hinanap ko agad mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung san sila hahagilapin. Asan ba yung mga yun? Wala pa mandin akong load nung time na yun.
Hopefully maging maayos ang araw na to.
Tbc...
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan
Fiksi UmumHanggang kailan mo nga ba siya mamahalin? A typical love story.