Tres

27 19 0
                                    


Umiiyak na talaga ako noon. Naupo ako sa tabi nya at yumakap mula sa likod nya. Humarap sya sa akin. Gumanti din sya ng yakap. Hindi ko talaga kayang ipaliwanag yung nararamdaman ko. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa gaanong ayos. Naalala ko yung kinuwento nya sa akin na bago umalis yung ex nya e may nangyari sa kanila pero sabi daw ni girl hinding hindi na raw sya babalik pa anuman ang nangyari at mangyayari. Pero ano yung nabasa ko na babalik sya? Akala ko ba hinding hindi na?!

Pero sa madaling sabi sya ang ama di ba? Babalik sya, babawiin nya sa akin ang boyfriend ko. Babawiin nya yung dating sa kanya. Babawiin nya sa akin yung kaligayahan ko. Yung taong nagpapasaya sa akin. Yung taong kayang kaya ako patawanin. Yung taong sandalan ko sa problema ko at naglilift up sa akin pag kinukwento ko na napagalitan ako sa bahay.

Ay anubayan lumayo na ang kaisipan ko no? Para talaga akong siraulo. Nakakapraning kasi e!

Back to reality. Napansin ko medyo dumidilim na ang paligid pero nasa ganoong ayos pa rin kami, hindi ko alam ang sasabihin ko, natatakot din akong magsalita sya, natatakot ako sa sasabihin nya.

Pinakalma ko ang sarili ko, kumalas ako ng yakap sa kanya at pinunasan ko yung luha ko. Basang basa yung t-shirt nya. Shit! Hahaha. (Ayy teka utak ko lang yung tumawa a?)

"Kelan daw ang balik nya? Sabihin mo pakibilisan nya". (Note the sarcasm beybe) Sabi ko sa kanya.

"Mahal?" Napatingin sya sa akin at bakas ko ang pagtataka sa mukha nya. Great! Yun lang? Di nya sinagot tanong ko. Bwisit tong lalaking to a. Pero bago pa ako mainis ng tuluyan..

"Tara na uwi na tayo, gagabihin ako" aya ko sa kanya.

"Mag-usap tayo." Sabi nya.

I let my sighed out. I closed my eyes and breath deeply. Inhale exhale. Inhale exhale. E?

"Text mo na lang ako. Tayo ka na dyan" - ako.

Ngunit lumipas ang 5 minutes (tinignan ko po yung orasan sa cp ko kaya alam ko! Haha) hindi pa rin sya tumayo.

"Mauna na ako." At dire diretso ako sa pagtalikod sa kanya, lakad takbo ata ang ginawa ko para makalayo agad sa kanya. Naiiyak na naman ako. Hindi ko sya nilingon. Ayoko malaman na di nya ako sinundan. Ayoko malaman na di nya ko sasabayan. Ayoko malaman na iiwan na nya ako. Ayoko na. Ang sakit na! Ayoko masaktan ng ganito.

Eto na ba yung katapusan? ano ba naman yan, TWO MONTHS pa lang kami ee. Hindi ba pwedeng patagalin? Huhu. Pero teka, di ko man lang pala naitanong sa kanya kung totoo ba yun, baka kasi joke lang pala e, emote naman ako ng emote dito. Pero hindi e, natatawa ako sa sarili ko. Kung hindi kasi totoo yun, bakit sya ganun? Bakit sya balisa? Ah baka naman ayaw na nya sa akin at narealized nyang si Jamie pa rin ang mahal nya at gusto na nilang magkabalikan pero takot lang syang sabihin sa akin ng totoo? Kasi ayaw nyang diretsahan akong masaktan? E ngayon nga nasasaktan na ako e. That's bullshit!

Hmm, eto na naman ako sa pagiging paranoid ko. Kung ano ano na naman nacoconclude ko. Just let him explain na lang, as I was trying to console myself.
---

Nakauwi naman ako ng matiwasay pero lutang. As usual, hindi ko alam ang gagawin ko.

Dumating yung oras ng tulugan. Nakahiga na ako, nakatingin lamang ako sa kisame. May assignments ako pero tinatamad akong gawin. Wala sa huwisyo ang utak ko. Mangongopya na lang ako sa mga brainy kong kaibigan bukas. Oh great! Magaling magaling! Akala ko ba hindi mo hahayaang maapektuhan ang pag-aaral mo kahit ano pa mangyari? Ayan uso na talaga self talk, uso talaga pagalitan ang sarili e. Pero ang totoo naiiyak na naman talaga ako. Ang sakit sakit kasi e.

Paano ko nga ba haharapin ang bukas ng maayos na walang makakapansin na hindi na kami okay? Paano na naman ako magpepretend?


Ahhhh, bahala na ang bukas.







Tbc...

PS: Hindi ko din po alam kung bakit ganun at na-unpub yung Uno, Dos, Tres na parts. Ngayon ko lang din po napansin. Salamat po ulit sa nagconcern. 😊😙 Naayos ko na po so mababasa nyo na sya ng maayos. Thanks for reading! 👍(08/28/17)

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon